KABANATA 44

315 16 2
                                    

Victoria's POV

Sige ang lunok ko ng laway ko habang pinagmamasdan si Dante na nagkakamada ng mga gulay na dadalhin namin sa Palengke abalang-abala sila kaya simantala ko ang pagkakataon para titigan siya! Diyos ko Lord na mahabagin parang gusto kong maulit uli yung kagabi!

Tahimik lang kaming nakaupo sa veranda hindi kasi pala salita si Mona at sa kaso ko naman e mukhang naglalaway ako kay Dante!

“Unsay nahitabo nimo? Nganong gipaak nimo kana?”  (Anong nangyari sayo? Bakit kagat-kagat mo iyan?)  Mahinang wika ni Mona.

Napahiya ako kaya peke akong tumawa kahit hindi ko siya naintindihan. 

“Ahm ano kasi ang sarap ng Asawa ko!”  Wala sa sariling bigkas ko sabay takip sa bibig ko. Yari! Sana hindi niya ako naintindihan kung hindi siguradong kahihiyan yon baka kung ano pang isipin niya sa akin! Kaso masarap naman talaga si Dante eh lalo na kagabi kahit masakit pa rin ang mahalaga masarap naman!

Naguguluhan itong nakatitig sa akin.  “Kumusta ka? Ang mga taga Manila ba mokaon sa ilang mga bana? Grabe gyud mo.”  (Hala napaano ka? Kinakain pala ng mga taga Maynila ang Asawa nilang lalaki? Grabe naman pala kayo.)

“H-ha?”  Natawa na lamang ako medyo naintindihan ko yung iba kaso di ko gets magpapaturo nga ako kay Dante para magkaintindihan kami ni Mona.

“Misis ko.”  Untag ni Dante ng makapanhik ng veranda saka niya nilock ang pinto ng Kubo.  “Doon tayo sa likod sasakay kasya pa naman tayong apat.”

Nahuli ko ang pagtitig ni Mona sa Asawa ko kaya tumikhim ako at pasimpleng nagsalita.

“Mona ha akin na itong Kapreng ito ha. May tatlo pa namang available dun sa truck mamili ka na lang.” 

Natawa si Dante saka ako pinisil sa magkabilang pisngi sabay bulong.  “Masakit pa ba?”

Oh my god! Tipid akong umiling kahit na medyo mahapdi pa kakayanin ko pa naman! Nakasurvive nga ako sa first night namin, sa second pa ba ako aatras! Syempre hindi!

“Good! Gusto mo bang buhatin kita, Misis ko?”

“Biyaan tika karon. Moadto ko sa trak.”  (Maiwan ko na muna kayo. Pupunta na ako sa truck.)  Sambit ni Mona. Dali-dali siyang bumaba ng veranda at nagtungo sa likod ng truck naandun naman si Gavin kaya agad naman siyang nakasakay sa loob.

Nagkatinginan kami ni Dante bigla suyang yumuko at expected ko na ang mangyayari  kaya hinayaan kong naka awang ang mga labi ko para salubungin ang mainit niyang halik! Napahawak ako sa dibdib ng Asawa ko nangatog kasi ang mga tuhod ko sa halik nito. Lumalalim ang halik ni Dante gaya kagabi siguradong may kahihinatnan ako sa kanya at gusto ko iyon!

Isang malakas na busina ang pumutol sa sweet moments naming mag-asawa.

“Hoy! Nang iinggit ba talaga kayo? Andito kami oh! Ang harot mo Dante nahahawa na tuloy si Misis! Hindi pa ako nakakamove on sa nangyari kagabi ha ewan ko lang sa dalawa! Ano maghahanapbuhay pa ba tayo o gagawa na lang kayo ng panibagong buhay ha?!”

Dismayadong itinaas ni Dante ang kaliwang kamay at itiniklop ang apat na daliri habang naiwang nakatayo ang gitnang daliri nito nagtawanan sina Rex at Gavin ganon din si Roger habang seryosong nakamasid naman sa amin si Mona na biglang nahiya ng kawayan ko.

“Aray naman Misis ko.”  Angal ni Dante ng kurutin ko siya sa tagiliran hinimas-himas pa niya iyon akala mo naman talagang nasaktan kung hindi ko lang sila kilala tiyak na talagang iisipin ko na masakit nga yung kurot ko e kaso hindi sila basta-bastang ordinaryong tao lang eh nakita mismo ng dalawang mata ko kung paano sila nakipaglaro kay kamatayan at sa awa ng diyos nagbunga ang sakripisyo ko. Hinding-hindi ko makakalimutan ang tagpong iyon kung saan pinaubaya ko ang isang daliri ko para sa buhay ni Dante at ng mga kasama niya. Mahal ko si Dante at ayokong mawala siya sa akin kaya lahat gagawin ko para manatili lamang siya sa tabi ko gaya niya na kayang isakripisyo ang sarili niyang buhay para lamang sa kalayaan ko. Naputol ang pagmumuni ko ng akbayan ako nito.  

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon