KABANATA 35

324 10 0
                                    

Remus POV

Yakap ni Dante ang walang malay niyang Misis mukhang hindi niya kinaya ang sakit ng pagkawala ng isa sa mga daliri niya pumalibot naman ang tatlong Alas para siguraduhing magiging ligtas ang mag-asawa.

“VICTORIA!!!! MISIS KO GUMISING KA PLEASE!!!! IUUWI NA KITA!!!”  Paulit-ulit na sambit ni Dante habang hawak ang kaliwang kamay ng Asawa. Hindi siya magkandaugaga para patigilin ang pag-agos ng dugo nito mula sa pinagputulan ng hinlalaki nito.

Humakbang ako palapit sa pinagbagsakan ng daliri ni Misis Mauro. Yumuko ako para damputin iyon.   “Siya ba ang Batang Dela Faz?”

“Oo siya nga! Subukan mong lumapit Payaso! Titiyakin kong magagaya ka sa may-ari ng maingay na cellphone na ‘yon?”  Hasik nito.

Natawa ako sa pagiging abnormal ng isang ito mga bata pa sila pipitsugin pa kung ikukumpara sa amin pero sumugal si Dante para sa buhay ng Anak ng taong kumalaban kay Supremo kahit na alam niya ang pwedeng maging kapalit non.

“Chacha.” 

Agad itong lumapit. Nakasimangot ito habang iiling-iling.  “Bakit, Remus?”

“Kontakin mo si Uno para magamot si Misis Mauro.”

Ganon na lamang ang pagkamangha ni Chacha alam ko naman na hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Oo pumap@tay nga ako pero marunong naman akong magpahalaga ng tao at sa kaso ni Dante may pinagsamahan kami doon sa Ampunan. Ako ang naging tagapagtanggol niya sa lahat hanggang inampon kami ni Supremo.

Muli kong tinapunan ng tingin si Dante.

“Kung nagsalita ka umpisa pa lang o di hindi sana tayo umabot sa ganito. Siya pala ang Dela Faz na hinahanap ko aba naisahan mo ako dun ah naitago mo siya gamit ang pangalan mo. Tingin ko mahal ka ng Babaeng yan hindi naman niya puputulin ang daliri niya para sayo kung wala lang diba.”

Kinuha ko ang puti kong panyo sa bulsa ng suot kong pantalon para ibalot sa putol na hinlalaki ng batang Dela Faz.   “Ingatan mo siya, Dante. Sasamahan kayo ni Kuya Chacha mo para magamot ang Misis mo. Pasasabugin namin ni Boggs ang buong Barko sa oras na makuha namin mula sa Safe ang pakay namin para tapusin ang misyon. Palalabasin ko na lamang na kasama kayo sa pagsabog. Sana hindi na magkrus pang muli ang mga landas natin masyado ka pang mahina para sa isang gaya ko.”

Saka ako naglakad palayo.

“Rem! Salamat Pare!”  Habol na sigaw ni Chacha hindi ko na ito nilingon tiyak na maiingit lamang ako sa tagpo ni Dante at ng Misis niya. Maswerte siya at nakahanap siya ng Babaeng makakasama niya sa pagtanda na nakahandang magsakripisyo para sa kanya.

Si Caridad kaya? Kagaya din kaya siya ng Asawa ni Dante? Parang hindi ata. Dalawang taon akong nanliligaw sa kanya at ang bait-bait ko pa pero anong nangyari ibang lalaki ang sinagot niya at yung Doktor na yun pa na ubod ng yabang! Mayaman lang siya o eh ano naman ngayon! Wala namang nagawa yung pera niya nung putulin ko ang kamay niya. Siguro naman ako na lang ang makikita ni Caridad. Maputi lang ang Doktor na yon kumpara sa akin pero sigurado naman ako na di hamak na masgwapo ako sa kanya.

***

Dante's POV

Hindi ako makapaniwalang basta na lamang umalis si Kuya Remus pagkatapos putulin ni Victoria ang daliri niya.

“O, narinig nyo naman ata ang sinabi ni Remus diba. Tumayo ka na diyan Dante at sumunod kayo sa akin.”  Si Kuya Chacha.

“At bakit naman kami susunod sayo? Hindi ba't kayo din ung nag-set-up sa amin dati kaya kamin nakulong tapos ngayong tutulungan mo na kami. Wow ha may saltik ka ba?!”  Tutol ni Roger.

“Wala akong saltik Bata. Narinig nyo naman ata ang sinabi ni Remus diba. Pasasabugin niya ang buong barko sa oras na makuha niya ang kailangan namin para matapos ang misyon saka ayaw niyo pa ba iyon na itatakas na nga namin kayo at palalabasin namin kay Supremo na pat@y na ang apat na Alas.”

“Tutulungan nyo kami?”  Paglilinaw ni Gavin.

“Oo.”

“Anong kapalit?”  Si Rex.

Ngumisi si Kuya Chacha saka tumitig sa akin. Kumpara kay Kuya Remus mas madali pakisamahan si Kuya Chacha palabiro ito at maingay gaya ni Roger pero matino naman si Kuya kesa sa kaibigan ko.

“Alagaan nyo lang yang si Misis at wag na kayo magpapakita pa sa Mundong ginagalawan naming tatlo. Bata pa kayo marami pa kayong kakaining bigas. Sapat na bang katwiran yon para lang maniwala kayo sa akin o gusto niyo pang sama-sama tayong magkapira-pirasa dito sa loob ng barko?”

Tumayo ako buhat ko ang maliit na katawan ng Asawa ko.  “At paano ako makaka siguradong tatantanan na kami ni Kuya Remus?”

“Pinutol na ng Asawa mo ang daliri niya diba kapalit ng buhay mo at ng tatlong kasama mo. Napahanga ng Misis mo si Remus kaya wag mong sayangin ang sakripisyo niya para sayo. Ang galing mong magtago ng tao hindi namin naisip na ang Misis mo at ang batang Dela Faz na hinahanap namin ay iisa. Tungkol naman sa pila-balde, tinatakot kanlang ni Kuya Remus mo para magsalita ka.”   Bumuntong-hininga ito.  “Ang swerte mo nakahanap ka ng Babaeng gagawin ang lahat para sayo.”

“Dante?”  Pigil sa akin ni Rex ng magsimula na akong hukabang palapit kay Kuya Chacha.  “Paano kung set-up na naman ito?”

“Maaaring magkaaway kami ngayon pero naging mga Kuya ko sila noong nasa Ampunan pa ako.”  Nilingon ko si Rex.  “Kahit paano may mga pinagsamahan kami na mahirap itapon gaya nating apat.”

Malalim na nag-isip si Rex bago sumang-ayon.   “Tayo na.”

Nagkatinginan nan ang dalawa saka nagkibit-balikat.

“Okay. Tara let's!”  Si Roger na pinagpag pa ang hawak na combat knife.

***

Merong magandang Babae ang nag-aantay sa amin pagdating namin sa sinasabing yate na magsisilbing transportasyon namin para makakas.

Isa-isa kaming sumakay sa Yate.

“Everyone ito nga pala si Uno. Siya ang Personal Doctor ni Remus.”  Tukoy ni Kuya Chacha sa seksing Babae na halos lumuwa na ang dibdib sa hapit ng suot na damit.

Ngiting aso si Roger ganito kasi ang tipo niya sa isang Babae yung bastusin ang dating.

“Hi, boys.”  Mapang-akit nitong turan bago sinuri si Victoria habang kalong ko sa mga bisig ko.  “Ibaba mo dito sa couch ang pasyente ko baga maubusan na siya ng dugo.”

Ginawa ko ang sinabi niya. Paglapag ko kay Victoria gumulat sa katahimikan ng gabi ang malakas na pagsabog. Totoo nga ang sinabi ni Kuya Remus na pasasabugin niya ang malaking barko napako ang mga tingin ko sa pagsabog nito na nagbibigay ng liwanag sa madilim na gabi.

“O sinong pwedeng magpaandar ng Yate?”  Tanong ni Kuya Chacha.

“Ako. Yun nan ang papel ko sa grupo kada misyon ang maging dakilang get a way driver.”  Sagot ni Rex.

Umandar palayo ang sinaskayan naming Yate habang nililinis ng Doktor ang sugat ni Victoria para iwas impeksyon bago niya lagyang ng Betadine para mahintonang pagdurugo saka niya ito binalutan ng benda.

“O ayan tapos na!”  Tumayo na ito ay inayos ang sarili.  “Cha, pakibaba na lang ako kung saan pwede.”

“Sure.”

Umupo ako sa lapag ng kung saan nakapwesto ang couch na hinihigaan ng Misis ko babantayan ko siya hanggang maging maayos ang lahat.

Maingat kong kinuha ang kaliwang kamay niya na nababalutan ng benda saka ko iyon hinagkan.

“Misis ko pagising mo magiging maayos na ang lahat. Magbabagong buhay ako para sayo. Sorry kung hindi kita naprotektahan kanina— nawala tuloy ang isa sa sampung daliri mo dahil sa akin pero pangako ko sayong hinding-hindi ako mawawala sa tabi kahit kailan.”

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon