KABANATA 60

262 14 1
                                    

Victoria's POV

“Tahan na baka mapaano ka niyan siguradong magwawala si Dante baka pati kami madamay pa saka masama sa Baby mo ang ganyan ka.”  Nag-aalalang turan ni Victoria.

Narito kami ngayon sa Kubo namin sama-sama muna kami habang wala pa sila— sana umuwi agad sila.

Pinagtulungan nilang buhatin ang malaking kutson na nasa Kubo nila Mona saka iyon pwenesto sa veranda para doon daw kami magpapalipas ng oras tingin ko naman wala ng maglalakas pa ng loob na pumasok sa Terra de Alas dahil sa mga nagpakitang Demonyo nung nakaraan.

“Nagluluto sina Mona at Beth ng Almusal natin kagabi ka pa umiiyak eh. Tahan na tiyak naman na babalik agad sila.”

Tinuyonko ang basa kong mukha saka ako bumaling kay Daisy.   “H-hindi kasi ganon kasimple ang pupuntahan nilang trabaho.”

“Anong ibig mong sabihin?”  Binaba na nito sa kutson si Baby Xeed pagkatapos padighayin humikab ito pipikit-pikit pa ang mga mata nito hanggang tuluyan siyang makatulog.

Wala namang masama malaman nila kung sino talaga sila Dante. Huminga ako ng malalim saka ko itinaas ang kaliwa kong kamay.  “Diba natanong mo sa akin dati kung anong nangyari sa kamay ko.”

Maang na tumango lamang si Daisy at mataman akong pinakinggan.

“A-ang daliri ko ang naging kapalit ng buhay nila Dante. P-para maisalba sila laban sa Payasong iyon kinailangan kong putulin ang hinlalaki ko.”

“Paki-ulit nga ng sinabi mo Victoria?”  Si Beth na may hawak na pinggan na naglalaman ng niluto nilang pancakes. Maingat nitong nilapag sa kawayang sahig ng veranda ang pinggan saka umupo ganun din ang ginawa ni Mona na may hawak na pitsel ng tubig at apat na basong yari sa plastik saka siya tahimik na umupo sa tabi ni Daisy.

Tumango ako.  “Nasa inyo na iyon kung itatago nyo ito bilang sekreto o ipagsisigawan nyo sa taong bayan.”  Sambit ko habang nakatitig kay Beth sa kanilang tatlo si Beth ang medyo hindi ko pa gamay ang ugali kung sakaling kumanta siya tiyak na puputulan siya ng dila nila Dante.

“Kabalo ko magtago ug sekreto. Makauulaw kung ipakaylap ko kana nga mga butang sa uban.”  (Marunong akong magtago ng sekreto. Nakakahiya naman kung ipagkakalat ko pa sa iba ang mga bagay na iyon.)

“Marunong daw siyang magtago ng sekreto ganun din naman ako.”  Saka siya bumaling kay Beth.  “Ikaw ba?”

Tumango si Beth.  “Mukha lang naman akong tsismosa pero hindi ako isa sa kanila. Makakaasa kang safe ang sekreto nila. Tungkol ba saan yang sasabihin mo? Saka paanong naging kapalit ng buhay nila ang daliri mo?”

Pumikit saka ko isa-isang inalala ang nakaraan kung paano kami nagkakilala ni Dante. Talagang hindi ako makapaniwala na hahantong kami sa ganitong tagpo ang akala ko ay magiging mortal kaming magkaaway nagkamali ako dahil inalagaan niya ako tinupad niya ang pangakong binitawan niya sa Papa ko bago niya ito pat@yin.

“Hindi sila bastang ordinaryong lalaki lang.”  Pagsisimula ko.

“Anong ibig mong sabihin?”  Kunot-noong tanong ni Daisy habang nakatitig naman si Mona sa akin ganon din si Beth.

“Sila ang Blank Cards.”  Dugtong ko.

“Blank Cards?”  Sabay na ulit ni Mona at Daisy.

“H-hindi nga? B-Blank Cards? Sila ba kamo ang mga Blangkong Baraha?!”  Gulat na tanong ni Beth halatang may alam siya tungkol sa grupo nila Dante.

“Kaila ka nila?”  (Kilala mo sila?)  Lingong tanong ni Mona na puno ng pagtataka kung paano ito nakilala ng kaibigan niya.

“Oo, Mona. Ang Blank Cards mga kilalang mamam@tay tao sila mga h!red k!ll3rs sila! S-sila ang iniidolo ng Samahang Cobra!”  Bulalas ni Beth.

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon