KABANATA 24

297 12 3
                                    

Victoria's POV

Napabalikwas ako ng bangon ng mag-alarm ang alarm clock na nasa bedside table wala na si Dante sa tabi ko tumayo ako at agad na lumabas ng kwarto tahimik ang paligid.

"Dante."  Tawag ko ngunit walang sagot kaya minabuti kong magtungo sa kusina, nabungaran ko ang mga nakatakip na pagkain merong nakaipit na papel sa ilalim ng pinggan. Dahan-dahan akong humakbang ayokong isipin na sulat na lamang ang naabutan ko at hindi siya mismo.

Nanginginig ang mga kamay ko ng kunin ko ang papel saka ko iyon tahimik na binasa.

Good morning Wife,

Pinagluto kita ng Almusal sorry hindi na kita ginising kanina bago ako umalis ang sarap kasi ng tulog mo eh thank you for the cuddle don't worry about me pagkatapos nito titigil na ako maghahanap na lang ako ng matinong trabaho para hindi ka na nalulungkot.

Pangako babalik ako.

Wish me luck.

Dante.

Naunahang tumulo ang mga luha ko masyado akong natouch sa isinulat nito bukod doon natatakot akong baka may mangyaring masama sa kanya. Umupo ako sa two seater namin hapag kainan saka ko inumpisahang kainin ang pancakes na niluto nito bago umalis sige lang ang tulo ng mga luha ko habang nakain ako. Bakit ako umiiyak ng ganito? Dapat nga masaya ako Lalo na kung mapuruhan siya sa Assignment nila dahil siya lang naman ang pumatay sa Papa ko! Pero bakit kabaliktaran ang lahat parang hindi ko kayang mawala si Dante sa Buhay ko gusto ko siyang kasama lage!

Naubos ko ang pagkain ko kaya dinala ko ang mga hugasan sa lababo para hugasan para lang akong timang na sige ang hagulhol. Nagtungo ako sa banyo pagkatapos kong maghugas ng mga pinggan gaya kanina sige lang ang tulo ng mga luha ko kasabay ng pagbagsak ng tubig mula sa shower.

Tinuyo ko ang buhok ko ganun din ang Katawan ko bago ko itapis ang tuwalya tutal ako lang naman mag-isa kaya hindi na ako nag-abala pang kumuha ng mga panloob ko bago ako naligo naka-lock naman ang main door, pumasok ako sa kwarto ilang minuto pa bago ako kumalma inayos ko ang sarili ko saka ako nagbihis ng uniform ko siguradong magagalit si Dante kung hindi ako papasok pangalawang Araw pa lang ng Pasukan e absent na agad ako.

Inipit ko ang mahaba kong buhok ng maisuot ko ng ang uniform ko saka ako dali-daling nagtungo sa shoe rack para pumili ng school shoes na isusuot kinuha ko ang backpack bag ko ganun din ang susi saka ako lumabas ng Unit namin.

***

Nakasakay naman ako kaagad ng Jeep kaya hindi ako na-late saktong 5mins pagdating ko bago pumasok ang first period Teacher namin.

Naging maayos naman ang lahat hanggang sa tumunog ang cellphone ko.

"Kaninong phone yon?". Tanong ng Teacher namin.

Nagtaas ako ng kamay. Sabay-sabay na nilingon ako ng mga Kaklase ko. 

"T-tumatawag po ang Asawa ko."  Kinakabahang sagot ko. Bakit kaya tumatawag si Dante eh alam naman niyang may klase ako ngayon.

"Ganon ba. Sige sagutin mo baka emergency."

"Salamat po Ma'am."  Napalitan ng ngiti ang kabadong ekspresyon ko saka ako tumayo at lumabas ng classroom namin pumuwesto ako sa tapat lang ng bintana natatakot akong mapagalitan ng Teacher namin kung sakaling lumayo pa ako.

"Hello, Dante?"

"Yes, it's me Wife. Listen carefully."  Hinihingal na sagot nito sa kabilang linya.   "I have a safe hidden at the back of our bed headboard. The password is your Birthday use the money if ever they freeze my account—."

Dumagundong ng malakas ang dibdib ko baka may nangyari!

"H-hindi kita maintindihan, Dante!"  Putol ko sa pagsasalita nito.

"Listen. Use the money—."

"Alam ko! Bakit ganyang ang mga linyahan mo ngayon ano bang nangyari?!"

"Ummm may problema na Victoria?"  Agaw na tanong ng Teacher namin kaya nilingon ko ito at umiling ako.  "Okay, kasi medyo lumalakas yung boses mo."

"W-wala pong problema Ma'am."

Tumango ito at muling bumalik sa pagtuturo sa loob ng classroom namin.

"Dante?"  Mahinang tawag ko sa pangalan nito.

Isang malalim na buntong hininga ang marinig ko mula sa kabilang linya na sinabayan ng maikling tawa.   "Na-set-up kami kung hindi na ako makabalik malaya kang humanap ng kapalit ko. Victoria tandaan mo lage na m-ma-mahal kita sorry if I couldn't make it but I'll try."

"Dan—.". Naputol sa ere ang pagtawag ko sa pangalan nito ng marinig ko si Roger.

"P*tang Ina Pare! May Tama si Gavin! Malapit na sila sirain mo na yang cellphone mo! Mamamatay tayo kapag inabutan nila tayo!"  Sigaw nito.

"Magpaalam ka na Pare! Malapit na sila!"  Sigaw ni Rex.

Yumugyog ang mga balikat ko saka ako humagulhol ng iyak.  "D-Dante?"

"Don't cry Wife I'll be okay. Bye for now."
Isang malakas na kalabog ang narinig ko mula sa kabilang linya bago naputol ang tawag nito.

"DANTE!!!!!"  Sigaw ko sa pangalan nito.  "Sumagot ka! Dante!"  Napaupo ako sa hallway sa labas ng classroom namin biglang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko.

Pero Wala na akong nakuhang sagot mula sa Asawa ko nanatiling tahimik na Ang kabilang linya sari-saring imahe ang naglitawan sa isipan ko paano kung sa mga Oras na ito ay tinuturture na silang Apat!

"Victoria, okay ka lang ba?"  Muling tanong sa akin ng Teacher namin.

Nilingon ko ito.   "Ma'am. P-pwede po ba akong umuwi?"

Alam kong Nag-aalala ito ganun din ang mga Kaklase ko kahit nagtataka Sila kung ano ang dahilan ng pag-iyak kom

"May away ba kayo ng Asawa mo?"

"I-iniwan na po niya ako."  Iyak ko. Hindi ko naman pwedeng sabihing ang totoong dahilan kaya nagsinungaling na lamang ako.

"Ha?"  Saka ako nito niyakap kaya lalo lamang akong humagulhol ng iyak.   "Tahan na, okay ipapahatid na lamang kita sa Class President ninyo para siguradong safe kang makauwi sa Bahay nyo ha."

Tumango na lamang ako habang humahagulhol ni hindi ko alam kung na saang lupalop ngayon ng Mundo si Dante. Ayokong isipin na may nangyari sa kanyang masama masgusto ko pang umasa na isang araw kakatok siya sa Bahay namin na may dalang mga pasalubong para sa akin— sana ganun nga.

Please bumalik ka sa akin Dante.

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon