KABANATA 29

566 18 11
                                    

Victoria's POV

Kahapon pagbalik namin galing sa outreach program mula sa Manila City Jail agad akong nag-drop out kesa pinagpyestahan nila ang buhay namin ni Dante mas magandang ng umiwas sa gulo kesa ang maungkat ang pinanggalingan ko yun ang dahilan kung bakit ako pinakasalan ni Dante para maitago ko ang tunay kong pagkatao..

Napasigaw ako ng may humawak sa balikat ko.

“Huy! Vicky naman! Ang lakas ng gulat mo ha wag ka kasing magkakape at nasobrahan ka na ata pati ako mamamatay sa tili mo eh!”  Reklamo ng baklang katrabaho ko.

Hinampas ko ito sa balikat.  “E makahawak ka naman kasi talagang wagas pwede naman sanang magsalita muna bago hawak noh!”  Kabadong turan ko.

“Asus oh ano tara na nga gabi na uwi na tayo. God parang ang weird mo ngayong babae ka meron bang nangyari?”  Talak nito habang naglalakad na kami.

“Miss!”

Sabay kaming napalingon ni Kimmy sa may-ari ng boses. Matangkad ito at maganda ang pangangatawan mukha din itong foreigner kaya todo kilig ang baklang kasama ko bahagya ko itong kinurot sa tagiliran kaso lalo lang itong kinilig lalo ng makalapit na ang lalaki.

“Yes pogi may kailangan ka? Available pa ako at kaya kitang dalhin kahit saan kahit sa langit pa yan—.”  Natigilan ito sa pagsasalita ng tutukan kami nito ng baril. Maraha itong umatras sa kinatatayuan ko saka ako mahigpit na hinawakan sa kamay pareho kaming nanlalamig sa takot.

Ngumiti ang lalaki.  “Hindi kita kailangan.”  Hinila nito ang mahabang buhok ni Kimmy saka tinutok sa lalamunan nito ang hawak na baril.

“Aarrrkkkk! Aaarrrkkk!”  Pumapasag ito ngunit mahigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa buhok nito.

“A-anong kai—.”  Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng kalabitin nito ang gatilyo ng hawak na baril sa isang iglap lang bumulagta sa harapan ko ang walang buhay na katawan ni Kimmy nangingisay pa uto hanggang tuluyan na itong huminto hindi ko maigalaw ang mga paa ko kahit gusto ko ng tumakbo! Napakalupit ng isang ito! Hindi ito ang unang beses na nakakita ako ng p@tay pero hindi ko pa rin maiwasan ang manginig at manlamig sa takot. Lakas loob kong tinitigan ng mata sa mata ang lalaking kaharap ko.

“Victoria Mauro ang maganda at napakabatang Asawa ni Dante.”  Humakbang ito palapit sa akin malalim na ang gabi kaya wala na halos tao o sasakyan man lang ang dumadaan sa kalsadang kinatatayuan namin.  “Alam mo bang may atraso sa amin ang Mister mo at kailangan ka namin para mapa-amin siya so kung hindi mo mamasamain.”

May biglang humintong Van sa gilid ng kalsada saka iyon bumukas sa loob non meron pang dalawang lalaki. Tumulo ang mga luha ko. Natatakot na ako. Wala dito sila Dante para sa saklolo ko.

Umiling ako kaya sinunggaban ako nito sa kanang braso ko saka ako kinaladkad papasok ng itim na Van.

Nagpupumiglas ako pagka-upo ko sa loob ng sasakyan.  “Saan nyo ako dadalhin mga m@mamatay tao kayo! Ang sasama nyo!”

Isang malakas na sampal ang nagpatahimik sa akin agad akong bumaliktot sa gilid ng upuan ng Van.

“Rem! Wala sa usapan na saktan mo siya diba!”  Pumagitna ito saka amin ng tinawag niyang Rem saka ako humagulhol ng iyak kung andito lang si Dante hindi ko ito dadanasin! Diyos ko sana maging maayos lang ang asawa ko!

“Kilala mo ba ang asawa mo? Gaya din namin siya pumap@tay din siya para sa pera. Kaya ka nasa ganitong sitwasyon dahil yon sa kanya kung ginawa nila ng maayos ang trabaho nila o di maganda sana walang gulo kaso nagkamali sila ng dinodobol cross si Supremo ang binangga nila. Kung ilalabas ng asawa mo ang batang Dela Faz ipinapangako kong magiging maayos ang lahat at walang masasaktan pero kung magmamatigas siya pwes ikaw ang magiging kabayaran ng pagmamatigas niya.”

“Rem naman umiiyak na nga yung tao tinatakot pa kay Dante mo na lang sabihin yan.”

“Tumahimik ka Boggs at magmaneho ka lang.”  Singhal nito.

Bahagyang tumahimik ang loob ng Van tanging iyak ko lamang ang naririnig ko habang nakayakap ako sa mga tuhod ko ayoko silang tignan natatakot ako hindi ko akalaing may iba pa palang mga mam@matay tao na gaya nila Dante.

“Tawagan mo ang kontak natin sa loob sabihin mong magkakaroon tayo ng pila-balde.”  Dining kong saad nung sumampal sa akin meron itong nakakatakot na boses na singlalim ng dagat.

“Remus naman talaga bang itutuloy mo ang plano?”

“Bakit Chacha may naisip ka pa bang ibang paraan para magsalita ang Batibot na yon?”

“P-pero Remus.”

“Gagawin mo o ako mismo ang mag-uumpisa ng palabas at kayong dalawa ang magre-record para mapanood ni Dante. Ano mamili ka!”  Angil nito.

Parang hindi ko nagugustuhan ang planong pinag-uusapan nila natatakot na ako!

***

Dante's POV

Muling bumalik ang nakaunipormeng bantay sa pagkakataong ito kontodo ang ngisi nito saka ito lumapit sa kulungan ko.

“May good news ako sayo Dante hindi ba at kahapon mo lang nakita ang asawa mo?”

Nagpantig ang tainga ko sa narinig agad na kumulo ang dugo ko walang kurap konitong tinitigan ng masama.

Tatango-tango ito habang nakangisi.   “Meron kasi kaming pila-balde mamayang hapon—.”

Hindi nito natuloy ang pagsasalita ng maabot ko ang kwelyo nito sabay hatak ko palapit sa rehas ng kulungan ko. 

“Anong sabi mo!?”  Nagkikiskisan ang mga ipin ko sa galit alam ko naman ang ibig niyang sabihin may pipilahan silang pagpapar@usan mamayang hapon at alam ko na kung sino ang babaeng yon.

“Ahhkkkk!”  Hindi ko pinakawalan ang kwelyo nito saka ko kinapitan ang leeg nito.   “W@langhiy@ kayo! Ikaw ang uunahin ko! Walang pwede gumalaw sa asawa ko!”

Halos lumuwa ang mata nito sa tindi ng kapit ko sa leeg nito maya-maya pa ay nangisay na ito saka ko pinakawalan ang leeg nito lumagabog ang walang buhay nitong katawan sa simentadong sahig. Nagpalakpakan naman ang tatlo na akala mo nakapanalo ako ng award.

“Go Dante!”  Buska ni Roger habang kinakapa ko ang suot na uniporme ng bantay.

Napangisi ako ng nahawakan ko ang susi. Tumayo ako at sinusian ang selda ko saka ako lumapit sa selda ng tatlo.

“Whaaaaa at last free again! Ano lahat ba ng makakasalubong natin patutumbahin ba natin?”  Umunat pa itong si Roger kala mo bagong gising.

“Oo.”  Maiksaing sagot ko na ikinatuwa nito.

“Oi sa Batangas port pala ang papila-balde ng Kuya Remus mo—.”  Saad ni Rex habang hawak ang cellphone ng p@tay na gwardiya.

“Bakit ka natigilan?”  Tanong ko saka nito pinakita ang screen ng cellphone nagtangia ang mga bagang ko ng makita ko ang larawan ni Victoria na nakahiga sa malaking kama at tulog na tulog nasa tabi nito si Kuya Remus na naka-peace sign pa!

Marahas kong kinuha ang cellphone sa kamay ni Rex. Tinitigan kong maigi ang natutulog na anyo ni Victoria.

“Wala na akong Kuya. Lahat sila babawian ko ng buhay! Hinding-hindi ko sila mapapatawad sa ginawa ni sa Misis ko!”

“P*T@NG IN*!”  Sigaw ko sabay hagis sa hawak kong cellphone tumama ito sa pader at luray-luray na bumagsak.   “Tara. Kukunin ko na ang Misis ko.”

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon