KABANATA 75

215 10 1
                                    

Dante's POV

Sakto lang ang dating namin sa Munisipyo naroon na rin ang kampo ng ex ni Daisy na kumpara sa amin na ilang piraso lng para sumaksi sa magaganap na hearing e mukhang isang Barangay ata ang hakot ng mga ito kanya-kanyang lingon ang mga ito ng makita kaming pumasok sa loob ng courtroom kung saan magaganap ang pagdinig.

Nasa kanang bahagi kami umupo habang nasa kaliwa naman ang kalabang kampo. Inayos ni Attorney Erosio Cru ang mga dalang dokumento na binigay kanina ni Daisy habang nasa kalagitnaan sila ng masinsinang pag-uusap tungkol sa kaso at sana lang ay maipanalo namin ito para maiuwi nami si Baby Xeed dahil kapag natalo kami siguradong sa ex ni Daisy ang bagsak ng inaanak namin!

Tumikhim yung ex na makapal ang mukha ng kunin ni Rex si Baby Xeed mula kay Daisy kaya sabay-sabay kaming tatlo nila Roger at Attorney Cru na nilingon ito bagay na nagpatahimik naman sa kampo nito.

Dumating ang Judge kasama ang Assistant nito na siyang magrerecord ng lahat ng mgaganap. Tumayo kaming lahat para sa panalangin bago mag umpisa ang pagdinig.

Tahimik na umupo ang Judge pagkatapos ng panalangin saka nagsalita.  “Narito tayo para malaman kung kanino mapupunta ang Karapatan sa sanggol ng hawak mo ngayon. Maaari bangag-umpisa ang kampo na humihingi ng legal na Karapatan sa bata,”  tukoy nito kalabang kampo.

Tumayo ang medyo edad na Abogado at matalas kaming pinasadahan ng tingin saka ngumisi lalo ng madako ang tingin nito kay Mona na katabi lamang ni Roger.

“First of all Good Morning everyone and to you Madame Judge.” Pagsisimula nito.  “Well narito po kami para po sa legal na Karapatan sa sanggol na kalong ngayon ng kabilang kampo na ang biological father ay walang iba kundi si Mister Dave Villarama ang kliyente ko.”

Tumango lamang ang Judge.  “Proceed.”

Kaya nagpatuloy ito.

“Gusto naming iparating sa Husgado na ito na ang aking kliyente na si Mister Villarama ang may Karapatan sa bata dahil una sa lahat itong tinatawag na Ina, Nanay o Mama ng sanggol ay wala naman pong matinong trabaho dahil dati siyang Bayarang Babae way back to Manila sorry for my words pero yun po ang totoo at higit sa lahat wala po siyang trabaho kaya paano niya bubuhatin ang Anak niya.”

Tumayo si Attorney Erosio Cru at swabeng nagsalita.  “Objection your Honor.”

Otomatikong huminto sa pagsasalita ang kalabang Abogado at nilingon si Attorney Cru.

“Ako nga po pala si Attorney Erosio Cru at ako po ang depensa ng kampo ng Ina ng pinag-aagawan o much better na inaagaw na sanggol mula sa kliyente ko. Siguro naman po nasabi na po ng kabilang kampo ang opinyon nila ukol sa gusto nilang mangyari. Well I want to defend my client from something that doesn't really matter to some people like Respect.”

Napangiti ang Judge sa huling sinabi nito. “Okay you may continue, Attorney Cru.”

Nilingon kami ng Abogado namin saka nag-thumbs up parang sigurado siyang makukuha namin ang buong custody ni Baby Xeed.

“Okay, una sa lahat tutal po your Honor ang pinunta po ng magkabilang kampo dito ay para sa Karapatan o Custody nila sa bata na si Baby Xeed so mag-uumpisa po ako sa basic gaya nga po ng sinabi ni Attorney na Bayarang Babae nga ang kliyente ko e hindi po namin itinatanggi iyon aminado kami sa bagay na iyon, tama ba ako Miss Daisy.”

“Opo. Attorney.”  

“Your Honor wala po kaming itinatanggi. Yes Bayaran siya way back to Manila, tama ba ako doon.”  Nakangiting tanong nito kay Daisy.

“Opo.”

“Pwede mo bang sabihin kung paano ka napadpad sa lugar na ito at kung paano nagsimula ang love story nyo ng tunay na Ama ng Anak mo,”  binigyang diin nito ang salitang ‘tunay na Ama’ kaya sinulyapan ko si Rex na hindi apektado ng sinabi ng Abogado namin.

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon