KABANATA 27

326 13 3
                                    

Victoria's POV

Hindi ko kayang ialis ang tingin ko sa mga mukha nito tumanda siya ng dalawang taon pero siya pa din ang Dante na nakilala ko sa maling pagkakataon at lugar. Pinatay niya ang Papa ko kapalit ng malaking halaga ng pera pero kinuha niya ako at inalagaan kahit sa sandali lang ng pagsasama namin ni minsan kahit inaaway ko na siya hindi niya ako pinagbuhatan man lang ng kamay. Alam kong maling tao si Dante para mahalin ko pero sa dalawang taon na hindi ko siya nakita o narinig man lang talagang hinanap-hanap ko siya.

"D-dalawang taon kitang inantay bumalik hindi ko akalaing andito ka lang pala akala ko patay ka na—."  Hindi ko na nagawa pang tapusin ang sasabihin ko ng tuluyan na akong humagulhol sa iyak.

Tahimik ang lahat.

Naramdaman ko na lamang ang dalawang braso na yumakap sa akin saka ako kinabig palapit.  "Wag kang umiyak Misis ko. Buhay pa ako diba hindi ko nga lang kayang bumalik kasi nakakulong ako sa bago kong palasyo."  Saka ito pagak na tumawa.

"D-Dante."  Mahigpit ko itong niyakap nagsiksik ako sa mga bisig nito talagang namiss ko siya!

"Tahan na. Pinagtitinginan na nila tayo baka akalain nilang inaaway kita."  Dagdag pa nito.  "Dalaga ka na if I'm not mistaken 18 ka na. Diba sabi mo kapag legal age ka na i-de-divorce mo na ako. Do it. You are free to go."  Bulong nito kaya agad akong nag-angat ng tingin at sunod-sunod na umiling.

"A-ayoko. Pwede bang sumama ka na sa akin pag-uwe ko mamaya?"

Banayad nitong pinisil ang dulo ng ilong ko.  "Hindi pwede kahit gustuhin ko pa Misis ko isa pa wala kang future sa akin kaya ibinibigay ko na sayo ang kalayaan mo kalimutan mo na lang ako marami ka pang makikilalang mas higit sa akin. Hindi kita mabibigyan ng magandang buhay. Isipin mo na lang kung paano tayo nagkakilala para madali mo akong makalimutan."

"Ayoko Dante. Ayoko eh."  Muli akong umiyak saka ko isinubsob ang mukha ko sa dibdib nito.  "U-umuwi na tayo please…"

Malalim na bumuntong-hininga si Dante saka nito hinaplos ang likod ko.

"Excuse me, Ma'am. Bumalik na po kayo doon sa harap mag-upisa na daw po ang feeding program."  Paalala sa akin ng isa sa mga bantay.

Umiling ako.  "Ayoko."  At mas lalo akong kumapit ng mahigpit sa bewang ni Dante.

"Kasi po Ma'am— pinagtitinginan na po kayo ng mga preso saka atrasado na po ang program nyo—."

Dante's POV

Ang higpit ng yakap ng Misis ko hindi halatang ayaw niyang humiwalay sa akin. Sige lang ang iling niya habang kinukombinsi siya ng bantay na bumitaw na sa akin.

Hinawakan nito ang braso ni Victoria kaya pumalag ako.  "Hey! Don't touch my Wife!"  Babala ko sa bantay ngunit nagmatigas ito at hinila si Victoria palayo sa akin nagdilim ang paningin ko ng dumaing ito dahil sa higpit ang kapit ng bantay sa braso niya.

"What the F*CK!"  Isang malakas ng suntok ang pinatama ko sa mukha nito agad nitong nabitawan si Victoria at bumagsak sa sementadong sahig. Nagtayuan ang mga kapwa ko preso kaya nagkagulo habang pumalibot naman sa aming mag-asawa ang tatlo.

Mahigpit kong niyakap si Victoria.

"D-Dante."  Namginginig ang katawan nito siguradong natakot siya sa mga nangyari.

Isang malakas na tunog ng pito ang nagpahinto sa tulakan ng mga preso saka sunod-sunod na dumating ang mga SWAT at pinalibutan kami.

"Tignan mo nga naman hindi halatang natatakot sila sa atin."  Nakangising turan ni Roger.  "Ano Dante patulan ko na ba?"

Hinila ng mga rumispondeng SWAT ang bantay na nakabulagta ngayon sa harapan namin saka kami tinutukan ng baril.

Tumawa ako.  "Warden mukha ba kaming armadong apat? Isa pa hinawakan niya ang Misis ko! Walang pwedeng humawak sa Misis ko! Binalaan ko na siya pero nagmatigas siya! Babarilin nyo ba kami Warden? Siguraduhin nyo lang na kaya kaming habulin ng bala nyo!"

Humakbang ako pasulong kaya nag-atrasan ang mga SWAT alam nila kung ano kaming apat at kung sino kami.

"Could you please put down that st*pid gun you're scaring my Wife!"  Sita ko sa mga ito.

"Ayaw ata Pare. Patulan ko na ba?"  Muling hirit ni Roger.

Pinigil ko si Roger sa balak nitong gawin saka ko ikinulong sa mga palad ko ang maliit na mukha ng Misis ko.

Hinagkan ko ito sa noo.  "I'll be fine here. Uuwi din ako. Kaya mo ba akong antayin uli?"

Tumango ito.  "Dante?"

Ngumiti ako.  "Hindi pa ako makakauwi sa ngayon kaya makikikain na lang muna kami ng dala nyo wag ka nang umiyak alam mong ayoko na umiiyak ka."

Muling tumango si Victoria.

"Good girl."

Agad akong dinambahan ng ilan sa mga SWAT kaya padapa akong bumagsak sa sahig hindi na ako nanlaban pa ng posasan nila ako ganon din ang mga kasama ko.

Nagsisisigaw si Victoria alam kong nag-aalala lang siya sa akin at sa tatlong kasama ko.

"Saan nyo sila dadalhin!? Sandali lang po mang pulis gusto ko lang kausapin ang asawa ko!"  Paulit-ulit na litanya ni Victoria. Nilingon ko ito saka ako ngumiti para hindi ito gaanong mag-alala.

Victoria's POV

Humabol ako sa mga pulis na may bitbit kina Dante pero hinarang ako ng mga kasamahan nito saka ako pinabalik sa harapan. Wala na akong ganang tumulong pa sa feeding program kaya dumeritso ako palabas ng gate ng Manila City Jail. Hindi ko akalaing sa loob ng dalawang taon naandito lamang si Dante at ang tatlong yon!

Nagtungo ako sa information desk ng kulungan gusto kong malaman kung saan nila dinala sila Dante pero hindi nila ako binigyan ng tang sagot aton sa kanila isa sa mga high profile na bilanggo ang grupo ni Dante, naniniwala naman ako sa kanila sa bagay na iyon pero hindi naman sila basta-bastang gumagalaw ng tao kung wala namang atraso sa kanila.

"Sorry Miss—."

"Misis na ho ako. Misis ho ako ni Dante Mauro gusto ko hong makausap ang asawa ko."

Mataman pa ako nitong tinitigan bago nito
Kinuha nito ang telepono at may dinayal maya-maya pa ay may kausap na ito sa kabilang linya ilang minuto din iyon bago nito binaba ang tawag.

"Sorry Miss Mauro pero hindi po muna pwedeng tumanggap ng bisita ang apat."

"B-bakit po?"

"Yun po kasi ang desisyon ng nakatataas isa pa may kasamahan ho kami na isinugod sa Ospital at nag-aagaw buhay po ngayon."

"Hinila niya ako at nasaktan ho ako kaya nag-react lang ang Asawa ko normal na ginagawa ng mga Mister ang protektahan ang mga Misis nila at yon lang naman ho ang ginawa ni Dante ah."

"Sorry po pero sa ibang araw nyo na lang siya dalawin." 

Hindi na ako nakipagtalo pa. Kahit pano alam ko na kung saan ko makikita ang asawa ko.

"Andito ka lang pala…."  Bulong ko.

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon