KABANATA 10

349 9 0
                                    

Victoria's POV

Hindi ako bumitaw sa pagkakahawak ko sa braso ni Dante natatakot akong mawala sa dami ba naman ng tao ganito pala ang enrollment sa Public schools. Si Dante ang pinakamatangkad saga nakapila kaya agaw pansin talaga siya kahit wala itong ginagawa para mapansin ng mga tao. Sige lang ang scroll nito sa cellphone niya. May mga namangha sa Tangkad ng kasama ko meron namang ibang naiinis karamihan lalaki dahil sa agaw eksena si Kapre.

Tumigil ito sa pag-scroll sa cellphone niya at bumaling sa akin.   "Baka nagugutom ka na o nauuhaw mahaba pa ang pila bibili muna ako."

Tiningala ko ito.  "Medyo nauuhaw na nga ako."

"Okay, here."  Binigay nito sa akin ang cellphone.  "Maglaro ka muna. Bibili lang ako."

"Okay."  Kinuha ko ang hawak nitong cellphone saka ito naglakad palabas ng gate.

Nawala na naman ito sa paningin ko pero Hindi na ako kinakabahan kasi alam ko namang babalik siya. Sinubukan kong buksan ang cellphone ni Dante napangiti ako ng mukha ko ang screen lock nito at yung picture naman namin sa Airport ang  wallpaper niya. Bigla kong naalala ang sinabi nito Don't fall for me Wife so you can sue me.  Ngayon lang may nagbigay sa akin ng ganitong atensyon yung tipong parang ang hala-halaga ko, si Papa kasi madalas siyang abala sa mga Negosyo niya kung magkita man kami  minsan lang at hindi pa niya ako iniimik man lang. Kamukha ko daw kasi si Mama sabi ng mga Yaya ko kaya siguro ayaw akong makita ni Papa kasi namatay si Mama nung ipinanganak ako.

"Miss." 

Nilingon ko ito sabay turo sa sarili ko para makasiguradong ako nga ang kinakausap nito.

Nakangiti naman ito yung tipong friendly naman at mukha naman siyang mabait.

"Ako ba?"  Sagot ko.

"Oo Bhe."

"Bhe?"  Nagtakang tanong ko sa Babaeng kausap ko.

Tumawa ito. Lumapit ito sa akin mula sa grupo ng mga Babae na halos kaedaran ko lang. 

"Oo Ikaw yung Bhe na tinatawag ko Miss. Anong pangalan mo?"

"Ah? Akala ko kasi kung sinong Bhe, ummm Victoria D— Mauro. Yun yon pangalan ko eh Ikaw?"

Lumingon-lingon muna ito sa paligid parang may hinahanap ito bago muling tumingin sa akin.   "Wow nice name masyadong makaluma by the way I'm Lyka. E Yung kasama mong matangkad na Lalake anong name niya?"

Sabi ko na nga ba eh at si Dante ang pakay nito kaya lumapit sa akin. Umilaw ang cellphone na hawak ko kaya inan-lock ko bumungad agad ang picture namin na nakasuot ako ng puting Dress at naka-akbay sa akin si Dante. May nag-chat lang si Gavin kaya agad kong nilagay sa bulsa ng pantalon ko ang cellphone baka mabasa pa nitong kausap ko ang chat ng isang 'yon tiyak na mapapagalitan ako ni Kapre.

"Ang sweet nyo naman. Kuya mo?"

"Ha?"

"Yung kasama mo kako, Kuya mo?"

Ang ganda ng pagkakangiti nitong si Lyka e pano ko naman sasabihin sa kanya na hindi siya madidismaya mukha kasing interesado siya kay Dante.

"Ah."  Umiling ako. Bakit naman ako mag-alala kung malaman niyang mag-asawa kami Isa pa yon din naman ang sinabi ni Dante na ipaglandakan ko na mag-asawa na kami.  "Hindi eh. Ano. Asawa ko siya."

Nawala ang ngiti nito mukhang hindi nito inaasahan ang sinagot ko.

"A-asawa mo? Yun bang Kasal kayo?" Paglilinaw nito.

Tumango ako.

Hinagod ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa.   "Niloloko mo ba ako e parang magka-edaran lang tayo ah paanong may Asawa ka na."

Sabay kaming napalingon ng may timili. Si Dante may hawak itong malaking baso ng Shake habang sige ang iwas sa mga nakakasalubong nito. Ngumiti ito ng malapit na sa pilang kinatatayuan ko.

"Sorry Wife natagalan ako. Here's you're Mango Graham shake pumila din kasi ako. Tig-isa tayo unless na gusto mong magshare tayo diyan sa Shake mo." 

Nilakihan ko ito ng mga mata dahil nagsisimula na naman itong mang-asar.

"Okay hindi na. Have a sip masarap 'yan."  Diretso lang ang tingin nito sa akin kahit alam nitong may nakaharap sa aming dalawa. Tingin ko may pagkasuplado itong k1ller na ito.

"Hi."  Agaw nito sa eksena ni Lyka.

Dante blankly stared at her like he was not interested. Lyka wave at him and smile.

"Sino 'yan?"  Tanong sa akin ni Dante habang simusipsip ng Mango Graham shake.

"Siya—."  Pag-uumpisa ko.

"I'm Lyka. And you are?"  Nilahad nito ang kamay para sana makipag-kamay.

Tinitigan lamang ni Dante ang kamay nito saka umakbay sa akin nakaramdam ako ng awa kay Lyka pano mukha itong binusted ng crush niya lalo at madaming tao na nakatingin sa amin. Binawi na lamang nito ang nakalahad na kamay saka ming bumaling sa akin.

"Medyo suplado pala ang Kuya mo." Na sinamahan pa nito ng tipid na tawa.

Hindi na ako nakasagot ng iangat ni Dante ang kaliwa kong kamay para ipakita kay Lyka ang suot kong singsing. Alanganing napangiti na lamang ako.

Napako sa daliri ko ang mga mata ni Lyka.   "Ano 'yan?"

"Wedding ring. Hindi ba halata o ngayon ka lang nakakita ng ganito?"  Yamot na sagot ni Dante na kinabig pa ako palapit sa kanya kaya napasandal ako sa Katawan nito agad naman akong umayos ng pagkakatayo dahil maraming tao at nakakahiya na pati dito gumagawa ng eksena itong Kapreng ito.

"M-mag-asawa kayo?"   Manghang tanong nito.

"Kasi—."

"You don't need to answer such nonsense question."   Putol ni Dante sa akin at bumaling kay Lyka.   "If you're flirting with me sorry but I'm not interested if you find me rude then sorry it's my nature."

Tulalang nakatitig naman sa kanya si Lyka.

"Dante. Ano ka ba."  Saway ko mukhang iiyak na kasi si Lyka sobra naman kasi itong Kapreng 'to.

He glanced at me and smile.  "Ano ako? Asawa mo."

"Ewan. Bakit ganyan ka para nakikipag-kaibigan lang naman yung tao sa akin—."

"I don't like her to be your friend that's it."   Walang pakundangang sagot nito.

"Dante!"  Mahinang hasik ko. Talaga bang ganito ang ugali nitong taong ito masyadong prangka hindi man lang marunong makipagplastikan.

"Okay lang Vicky. Naintindihan ko. Ummm gusto ko lang naman makilala ang Asawa mo eh. Nice name nga pala Dante."  Saka ito tumalikod at bumalik sa grupo ng mga babae dinig ko ang kantyawan ng mga ito habang panaka-naka kaming sinusulyapan ni Dante.

"Hindi ko gustong nakikipag-kaibigan ka sa mga gaya niya."  Mahinang turan nito.

Nagkibit-balikat na lamang ako sabagay sanay naman ako na ako lang mag-isa ang kaso kung sa ganitong Lugar ako mag-aaral dapat kahit pano may kaibigan ako para hindi ako magmumukhang outcast.















Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon