KABANATA 82

251 8 0
                                    

Gavin's POV

“Oi lovebirds tapos na ba kayong kumain ng fishbol? Kasi kanina pa nagpapasok sa loob ng Auditorium.”  Pigil ko ang tawa ko ng humarap si Mona namumutok kasi ang magkabilang pisngi niya sa dami ata ng lamang fishbol masyado kasing excited sa eat all you can ayan ginutom agad hay naku ang ganda niyang Babae ang kaso parang lalaki minsa kung kumilos o baka dahil yun yong nakagisnan niyang buhay.

“Nagpapasok na ba, Pare?”  Sabay nguya niya sa natitirang fishbol.

“Oo kanina pa. Tara na at baka maubusan pa kayo ng upuan bilis.”

“Hala! Adtua na tayo Roger! Bilisan nimo!” Turan ni Mona at hinampas pa ng hawak na bulaklak ang kawawang loverboy buti na lamang at yari sa satin ribbon ang mga bulaklak aba ang bilis nilang nakahanap ah talagang hahamakin ang lahat maitali lang ang mga Babaeng gusto nila hay naku.

Hindi umimik si Roger ang layo na niya sa dating siya na kahit Babae siguradong nakakatikim sa kanya lalo na kapag naasar na siya mukhang si Mona na nga talaga ang katapat niya! Ngayon pa lang ay nakikinita ko na na magiging under siya ni Mona! Nung nakaraang araw lang pag-uwi namin galing sa Palengke siya pa ang naglaba lahat ng damit nila kasi daw nawiwili si Mona kakabasa ng DHR stories.

Nauna nang naglakad sa amin si Mona lahat ng madaanan niya ay napatitig talaga sa kanya,aganda si Mona kahit morena isa pa alam kasi ng mga tao kung ano siya dati pero dahil kay Roger lahat sila nanginginig sa takot kaya wala ng nagtatangka pang mambastos sa kanya.

“Pare, buti okay lang sayo na ginaganyan ka ni Mona?”  Usal ko habang naglalakad patungong Auditorium.

Tumawa si Roger.  “Bata pa si Mona halos kaedaran lang siya ni Victoria diba isa pa buong buhay niya naging alipin siya ng Amain niya at ang masama pa ginagap@ng pa siya ng g@gong yon tuwing gabi buti na lang at p@tay na ang wal@nghiya tiyak sinusunog na sila sa inpyerno.”

Wow bilib ako sa sagot ng Pare ko ah talagang nagbago na siya medyo nagkakaroon na siya ng common sense!

“Sabagay may punto ka.”

“Saka, Vin. Alam ko kung ano ang iniisip sa kanya ng mga taong nakakakilala sa kanya na par@usan lang siya ng samahan ng Cobra— gusto kong baguhin ang imahe na iyon ni Mona gusto kong makilala nila si Mona kung sino talaga siya. Para sa akin kahit pa pinagpiyestahan pa siya ng kung sinu-sinong lalaki dati okay lang kasi ang mahalaga sa akin siya tatanda at sabay kaming hahawak ng saklay paglipas ng panahon.”  Seryosong turan ni Roger.

Okay na sana medyo nadadala na ako ng drama niya kaso muling lumabas ng Auditorium si Mona hawak pa rin niya ang bulaklak sabay kapit sa braso ng groom niya.

“Naay picture-picture sa loob gusto ko daghan ako picture wala pa ko picture eh wa ako kwarta Roger naa daw bayad sabi ng mga tao.”  Parang batang nagsusumbong na sambit ni Mona.

“Nakita mo na ba yung mga kasama natin sa loob?”

Umiling si Mona.

“Okay halika magpapa-picture tayo ng marami diba Pare.”  Nakangising saad ni Roger.

Napatalon sa tuwa si Mona kaya halos kulang na lang ay hubarin ni Roger ang suot na long sleeves niya na nakatupi ang manggas hanggang siko e pano ba naman sige ang galawan ng watermelon ni Mona kasalanan niya yon kasi yun ang pinili niyang bestida para sa bride niya.

“Mona naman wag ka ngang tumalon diyan pati puso ko tumatalon na rin eh baka makadulot pa ako ng mata ng mga m@nyak sa paligid ikaw din kapag nangyari yon tiyak purnada ang eat all you can mo mamaya.”  Nakangusong saway ni Roger.

“Mapurnada ka diyan! Subukan mo lang gigutom pa ko ha! Ayaw lagi pagbiro sakin kay bunalan kita!”

“Mona naman eh basta please wag kang tumalon kasi nayugyog eh pwede bang mamaya na lang sa honeymoon natin yang yugyugan epek na yan pingtitinginan ka ng mga lalaki eh akin lang yan diba.”

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon