Gavin's POV
Ang lakas ng iyak ng bagong silang na sanggol bigla akong napahawak sa puso ko bakit ganito ang nararamdaman ko? Ano ba Gavin wag mong bibigyan ng kahulugan ang nakita mong imahe sa Simbahan baka multo lang yon na trip lang magpakita.
“Hoy Vin wag ka nga tumunganga diyan tumulong ka sa amin maghanda ng makakain yung para makakain na si Victoria tiyak naubos ang lakas niya.” Sigaw ni Rex na nagpabalik sa akin sa katinuan.
Lumapit ako sa poso kung saang isa-isang ginil*tan ng leeg ni Kuya Remus ang sampung manok na lulutuin sa magkakaibang putahe nakigulo ako sa kanila ni Roger habang si Rex at Marcus naman ang nagpapalingas ng uling na nasa pugon maramihan kasi ang lulutuin namin kaya pugon ang gagamitin namin sa halip na stove. Naghihiwa naman ng mga rekado ang mga Babae. Nakigulo ako sa pagkat@y nila ng mga manok kahit na lumilipad ang isip ko lalo at para akong tinatawag ng umiiyak na sanggol.
“Ayos ka lang ba Pare?” Tanong ni Roger habang pinapatulo ang dugo ng walang buhay na Manok sa malaking mangkok.
“O-oo naman ayos na ayos ako.”
“Okay sabi mo eh, mukha ka kasing kinakabahan siguro naninibago ka sa iyak ng sanggol ganon daw talaga kailangan paiyakin ang mga bagong silang na Sanggol para daw maging healthy ang baga nila pati puso.” Mahabang paliwanag ni Roger.
Nakatapos na kami sa paglinis ng mga kinatay namin Manok pero sige pa rin ang iyak ng sanggol kaya lalo tuloy akong hindi mapakali.
“Oi saan ka pupunta?” Sita ni Roger ng naghugas ako ng kamay at tumayo.
“Ummm gusto ko lang makita yung Baby nila Dante.” Wala na akong ibang maidahilan baka mamaya niyan magaya na naman sa eat all you can na talagang sinulit ng mga Misis nila kaya sinabi ko na lamang ang totoo.
“Okay.” Nakangiting sagot ni Roger.
“Magpalit ka muna ng damit mo bago ka lumapit dun sa mag-ina alalahanin mong bagong silang palang yun kaya wala pa ‘yon mga panlaban sa germs dahil walang pang injection si Baby girl.”
Tumango ako. “Okay Kuya. Salamat sa pagpapaalala.”
Agad akong nagtungo sa Kubo ko para maglinis ng katawan. Isang puting cotton t-shirts ang sinuot ko at garterize na short sinigurado kong malinis na talaga ako bago ako lumabas ng bahay ko saka ako dumiretso kina Dante.
Sige pa rin ang iyak ng sanggol kasabay ng paglagabog ng puso ko kakaiba talaga ang pakiramdam ko gustong-gusto ko siyang kalungin gusto ko ring makita ang mukha niya parang hindi kompleto ang araw mo hanggat hindi ko siya nasisilayan.
Huminga ako ng malalim ng nasa paanan na ako ng hagdan ng veranda nila Dante, abala ang mag-asawa kung paano patatahanin ang sanggol pareho pa naman silang mga first timer na Magulang kaya aligaga sila at hindi pa tumatahan ang Anak nila.
Tumikhim ako kaya sabay nila akong nilingon.
“Vin?” Gulat na sambit ni Dante nang makita ako na nakatayo sa bungad ng hagdan ng veranda.
Ano ng sasabihin ko? Ah bahala na basta gusto ko siyang makita. “Hello ummm pwedeng makita si Baby?”
Ngumiti si Dante. “Sure Pare halika akyat ka hindi nga namin mapatahan eh kanina pa iyak ng iyak hindi naman nagugutom natatakot na nga ako baka kung anong nangyari eh mamaya dalhin natin ang mag-ina ko sa ospital.”
Tumango ako saka atubiling umakyat ng veranda kung saan nakahiga ngayon si Misis Mauro habang kalong naman ni Dante ang Anak. Titig na titig ako sa umiiyak na sanggol laling lumukso ang puso ko ng tuluyan ko ng masilayan ang mukha niya— siya nga yung nakita ko sa Simbahan.
BINABASA MO ANG
Dante
AksiPROLOGUE "Ano ng gagawin natin sa isang ito?" Tukoy ni Gavin sa Subject namin. Tinitigan ko ang walang buhay na katawan ng negosyanteng pin@tay namin. "Eh kung pugut@n na lang natin ng ulo para masmasaya!" Sabat ni Roger na mukhang tuwang-tuwa sa n...