KABANATA 50

373 15 1
                                    

Roger's POV

“Anong tinitingin-tingin mo diyan ha.”  Tanong ko kay Mona habang nagbubomba ako. Curious tuloy ako kung anong klaseng damit ang binili ni Rex para sa babaeng-lalaki na ito kaso maslamang na nako-conscious sa tuwing sinusulyapan ako nitong isang ito ang sagwa pa naman ng itsura namin dahil para siyang nakaluhod sa harapan ko habang busy kakakuskos ng labahan niya.

“Wala. Gipugngan ka, salamat ug gihigugma ko ikaw. Gikagat na tika, masuko pa ka nako. Lisod ka tame.”. (Wala. Ang suplado mo naman. Pasalamat ka at gusto kita. Sinubo na nga kita galit ka pa lage sa akin ang hirap mo namang paamuin.) Sagot niya habang nagkukuskos.

Tinigil ko ang pagbubomba.  “Hoy. Mona ha. Wala akong naiintindihan sa sinasabi mo ha umayos ka dapat ikaw yung mag-aral kung paano magsalita ng tagalog eh! Wala naman sa Dictionary yung mga pinagsasasabi mo naiinis ako sayo ha magtagalog ka nga!”

Tinitigan niya ako ng masama saka binitawan ang kinukuskos na damit. 
“Sinubo na kita! Gigalit ka pa!”

Natameme ako sa tinuran ni Mona. Talagang isinigaw pa niya! Wala bang kahihiyan ang babaeng ito!

“Kaya mo naman pa lang managalog pinahirapan mo pa ako kakabasa sa lintik na Dictionary na yun!” Angil ko sa kanya.

“Pesti ka!”  Ganti niya.

“Hoy! Hoy! Yan kahit anong lenguwahe pa yan naiintindihan ko yan ha! Sinong pesti? Ako? E kung banatan kita diyan!”  Inundayan ko siya ng suntok akala ko matatakot pero nagkamali ako dahil hinampas niya sa akin ang planggana kaya nabasag iyon at ang ending natapon sa lupa ang nilalabhan niyang puting damit.

Nabasa ako uminit ang ulo ko gaganti sana ako kaso biglang tumulo ang mga luha ni Mona titig na titig siya sa akin ng magsalita ng lenguwahe niya.

“A-abi nakog buotan ka, pero dili diay. Wala koy sinina nga ikasul-ob sulod sa semana. Ayaw kabalaka bayran nako tanan imong gigastos nako!”  (Akala ko mabait ka, hindi naman pala. Wala na akong damit naisusuot sa linggo. Huwag kang mag-alala babayaran kong lahat ng ginastos mo sa akin!)  Saka siya tumakbo palabas ng bakuran namin.

“MONA!!!”  Tawag ko pero hindi ko na siya pinag-aksayahan pang habulin tiyak naman akong uuwi din siya kapag nawala na ang sumpong niya.

Pinulot ko ang naputikang bestida saka ko kinusot ng maige ganun din ang mga panloob niya na halatang bago pa lahat oo nga pala wala siyang ibang dala ng sumama siya sa amin maliban lang sa isang basket niyang bananaque at sa suot niyang lumang damit na panlalaki. Ilang minuto din akong nagkuskos bago tuluyang nawala ang mantsa ng putik saka ko iyong isinampay lahat sa sampayan naligo na rin ako sa poso medyo makati na din kasi ang sabon na natuyo sa katawan ko umingay ang gate kaya nilingon ko agad iyon si Mona bumalik na siya pero mukhang may sumpong pa rin o nagpapa importante lang tahimik siyang umupo sa ibabaw ng papag. Bahala siya sa buhay niya! Pumanhik na ako sa Kubo para makapagbihis mamaya pupunta na naman kami sa Bayan para magtinda.

Hapon na kaya inayos na namin sa tuck ang mga bagong ani na gulay ni Dante. Napagdesisyunan naming kaming mga lalaki na lamang ang pupunta sa bayan tutal tatlo na rin naman sila kaya kampante na kami na walang mangyayaring hindi maganda.

Nagpaalam na si Dante at Rex sa mga babae nila habang kami naman ni Gavin walang imik na naghihintay lang dito sa loob ng truck.

***

Inayos na namin sa Tindahan ang mga bago naming paninda para makarami agad ng benta gaya kasi ng napagkasunduan na maaga kaming magsasara para maagang makauwi ng Bahay medyo nag-aalala kasi si Dante sa Misis niya at ganun din si Rex baka daw may kung anong mangyari eh napakalayo pa naman daw namin.

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon