Dante's POV
“Hello. Dante napatawag ka? May problema ba sa pinsan ko?” Bungad na tanong ng nasa kabilang linya.
Napailing ako. “Walang problema kay Caridad—.”
“Saglit baka naman pinagtatakpan mo si Remus ha baka sinasaktan niya ang pinsan ko ha!”
“Ang kulit sabing wala ngang problema kay Caridad eh!” Gigil kong turan.
“Okay kung ganon. O e bakit ka napatawag?”
“Kailangan ko ng magaling na Abogado—.”
“Akala ko ba walang problema kay Caridad? Para saan yung Abogado ha? Sinong sasampahan mo na kaso— wait! Don't tell me na nasangkot kayo sa gulo naku Dante Mauro ka! Pare-pareho tayong mayayari nito pag nagkataon ang alam ng Gobyerno eh inuuod na kayo sa hukay tapos may ganitong tagpo!”
Napakamot ako sa buhok ko masyadong advance mag-isip ang Larry Rason na ito ah! “Pwede bang pagsalitain mo muna ako nakakagigil ka na kung kaharap lang kita baka nas@kal na kita! Kainis!”
“Wow! Galit agad para nag-alala lang sa pinsan ko. Okay sige na nga magsalita ka na.”
Buti naman at tumahimik siya.
“Bigyan mo ako ng magaling na Abogado yung mapagkakatiwalaan ha wala akong pakialam kung magkano ang professional fee niya dahil si Rex naman ang magbabayad—.”
“Pero ikaw ang kukuha ng Abogado pero hindi ikaw ang magbabayad?” Singit nito sa pagsasalita ko.
“Oo teka nga ang sabi mo magsalita lang ako diba!” Asar kong turan.
“Oo nga nagsasalita ka na nga diba maka-usap na nga tayo e ang labo mo naman Mauro.”
“Malabo ka din kasing kausap.”
“Hay naku. Proceed makikinig ako. So si Rex pala ang may problema.”
“Yup. Nagparamdam kasi yung ex ng kinakasama niya ngayon e may Anak sila kaya ang gusto nung ex e kunin ang mag-ina niya at ang lakas ng loob niyang idemanda kami at bukas ng 10:00am sharp ang Hearing namin sa Muninsipyo.” Masyadong tahimik naman ata sa kabilang linya kaya natigilan ako. “Hoy, Rason buhay ka pa ba doyan sa kabilang linya?”
“Oo.”
“Ang tahimik mo kasi.”
“Wow napaka-bossy mo naman masyado Mauro. Diba humihingi ka ng magaling na Abogado yung mapagkakatiwalaan kaya heto kinukontak ko na siya din ang may hawak saga testamento ng mga ari-arian ni Marcus Ponti.”
“Aba. Ang bilis ng aksyon mo ah..sige anong pangalan niya ng magiging Abogado namin Bukas?”
“Saglit lang atat lang talaga. I aantay ko pa ang reply— oi nag-reply na!”
“Anong sabi?”
“Thumbs up! Payag siya.”
“Okay pakisabihan na lang siya na dapat maaga bumiyahe. Mag-eroplano na kamu siya ako ng bahala sa ticket niya.”
Tumawa si Razon.
“Nang-aasar ka ba?
“Anong nang-aasar, Mauro?”
“Lakas momkasi makatawa, Rason! Kakagigil kang kausap ang layo mo kay Caridad magpinsan ba talaga kayo? Parang si Roger ata ang pinsan mo eh pareho kayong malabo kausap!”
“Hoy. Pikon naman itong Mauro na ito. Magpinsan kaming dalawa kita naman diba ang ganda ng lahi namin kaya nga inlababo yung Payaso diba. Eto naman tumawa lang ako eh nagalit agad— meron ka ba ngayon?”
BINABASA MO ANG
Dante
AksiPROLOGUE "Ano ng gagawin natin sa isang ito?" Tukoy ni Gavin sa Subject namin. Tinitigan ko ang walang buhay na katawan ng negosyanteng pin@tay namin. "Eh kung pugut@n na lang natin ng ulo para masmasaya!" Sabat ni Roger na mukhang tuwang-tuwa sa n...