KABANATA 79

203 8 1
                                    

Dante's POV

Natawan ko sa bukas na bintana ng L300 truck van sila Misis aba at mukhang abot tainga ang ngiti niya ngayon ah! Hmmm mukhang namiss ako ng cute kong Misis ah!

Naunang bumaba si Rex at si Marcus na agad sinalubong ni Daisy na kalong pa si Bany Xeed kaso wala si Beth umuwi daw muna kasi nag-text daw ang Ate niya ayon kay Mona. Nawala tuloy ang excitement ni Marcus kahit na nakangiti pa rin siya hmmm improving na siya hindinna siya gaanong nalulungkot o nadedepress, nilapitan naman siya agad ni Caridad saka ito nagtanong ng kung anu-ano para soguro malihis sa iba ang atensyon ni Marcus. Bumaba na rin si Kuya Remus bitbit ang malaking paper bag na naglalaman ng dress na isusuot ni Caridad sa araw ng Kasal. Kitang-kita sa mukha nina Daisy at Caridad ang tuwa kaso bakit parang may kakaiba sa mga ngiti nila. Meron ba silang alam na hindi namin alam?

“Kapre! Bumaba ka na diyan bilis may pasalubong ka rin ba sa akin?”  Wow ha talagang Kapre e pare-pareho lang naman kami ng taas dito ah naku kung hindi ko lang siya mahal siguradong kanina pa siya nakatikim sa akin ng isang malupit!

“Dante!”  Maktol nito ng sinadya kong bagalan ang kilos ko.

“Oo na po eto na nga oh meron po akong bitbit para sayo,”  sabay abot ko sakanya ng hawak kong dalawang paper bag na naglalaman ng white dress at sandals na gagamitin niya.   “At eto naman!”  bahagya akong dumukwang sa harapan niya at tumapat sa mabilog niyang tiyan habang hawak ko ang box ng pizza at cake at isang eco bag ng puro pagkain na gustong-gusto niya.   “Syempre para sa Baby ko! Diba Baby para mabilis kang lumaki at ng makalabas ka na diyan sa tiyan ng Mama mong masungit.”

“Masungit ka diyan. Hmp! Akin din yan kasi ako ang ngunguya ng mga yan bago yan makarating sa Baby ko!”  Hablot niya sa mga pasalubong ko biruin mo nakayanam niyang hawakan lahat yon!

Napatayo ako sabay tawa.  “Baby ko din yan ah.”

“Nasa loob siya ng tiyan ko kaya akin lang siya kapag lumabas na siya saka siya magiging Babyo din. Gets mo ba, Mauro?”

Napakamot ako sa batok ko ng talikuran ako ng Misis ko sabay pasok sa loob ng Kubo namin tiyak na manginginain na siya ang takaw nilang dalawa parang walang kabusugan. Excited na tulog akong makita ang panganay namin. Sana kamukha ko!

“Masungit ba si Victoria ha Dante.”  Natatawang komento ni Kuya Remus na ikinatawa ng lahat.

“Baka gusto nyo naman akong tulungan dito mga Pare kung hindi nakakahiya sa inyo.”  Basag ni Roger sa masayang eksena namin.

Kanya-kanyang hawak sa mga pasalubong para sa kanila sila Caridad at Daisy habang si Marcus ipinatong muna sa ibabaw ng papag ang para kay Beth.

“Unsa na?” (Ano ba iyan?)  Usisa ni Mona na bahagyang nakasimangot walanpa kasing binibigay sa kanya si Roger pano masinuna pa niya ang paghatak sa 4 cubic feet na one door Refrigerator na binili niya para daw makapag-stock sila ng pagkain.

“Regalo daw ni Roger yan para sayo.”  Sagot ni Rex kay Mona.

Rumihistro ang pagtataka sa mukha nito. 
“Di ko man Birthday ah. San akuang ingana?”  (Hindi ko naman Birthday ah. Asan yung ganyan ko?) Turo niya sa mga paper bag na hawak ni Daisy at Caridad.

Nalungkot na yumuko si Mona baka akala niyang wala siyang gaya ng sa kanila kaya sinipa ko si Roger napaka-insensitive kasi ng isang ito talagang inuna pa itong Refrigerator nila.

Umangal ang loko pero nakuha naman niya ang mensahe ko.

Tumigil soya sa paghatak ng naka-box na Ref saka bumaba ng truck.  “Syempre meron ka ring gaya ng sa kanila— aaahh!” Daing nito ng lumagabog sa gilid ng pinto ng truck ang mukha niya saka tuluyang pumasok si Mona sa loob at kinuha ang malaking paper bag na gaya ng sa iba at tuwang-tuwang lumundag palabas at dumeretso sa dalawang Babae.

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon