Roanne's POV
Pinarada ni Tito Gavin ang motor sa harap ng Tierra de fructus et Legumina Copia andun din ang L300 truck van namin at pickup truck siguradong nagsisimula na ang Beauty Pageant na sinalihan nila Danica at Macbeth. Maingat akong bumaba sa motor saka ako tumayo sa bandang gilid yung saktong layo lang habang inaayos ni Tito Gavin ang pagrada ng big bike niya.
Bawat galaw niya talaga namang namimintog ang mga muscles niya sa braso kaya hindi ko maiwasang maiwasang maglakbay na naman sa sarili kong mundo kung saan ako ang Reyna at siya ang Hari at meron kaming Happy ending hindi gaya sa reyalidad na maraming hadlang at maraming masasaktan.
“O, tayo na.” Agaw niya sa atensyon ko napatitig ako sa nakalahad niyang kamay sa ere.
Inaantay ba niyang hawakan ko siya?
“Ayaw mo bang makipag-holding hands sa akin Roanne? Nahihiya ka ba dahil matanda na ako?”
“H-ha? Hindi ah!” Iling ko sabay sungab sa nakalahad niyang kamay ang laki ng kamy niya parang kay Papa lang at ang init gaya ng katawan niya! Mula sa magkahawak naming kamay ay umangat ang tingin ko sa gwapo niyang mukha oo matanda na nga siya pero hindi maitatangi na marami siyang pinaiiyak nung kabataan pa niya.
Pinisil ko ang kamya niya kaya yumuko siya sa akin. “Hahawakan ko ang mga kamay ko hanggang pagtanda natin Gavin ganon kita kamahal. Salamat kasi dinala mo ako dito ngayon at salamat din pala sa damit at sapatos.”
Hindi siya nagsalita tumango lamang siya saka gumanti ng banayad na pisil sa kamay ko.
Nagtungo muna kami kung saan ginaganap ang Beauty Contest nasa kalagitnaan na pala at malapit na rin matapos ang dami ng taong nanonood at halos lahat sila e pagkatatangkad kaya lugi ako habang si Gavin sige lang ang tawa sa akin.
“Gusto mo bang buhatin kita?”
Inirapan ko siya. “Nang aasar ka ba?”
Umiling siya. “Seryoso ako kaya kitang buhatin.”
Aba kinilig ang mga taba ko sa sinabi niya pero kailangang hindi magpahalata lalo at nakasuot ako ngayon ng bestida.
“Wag na baka mabalian ka pa kawawa naman si Penelope.” Sabay talikod ko.
“Roanne saan ka naman pupunta?” Habol sa akin ni Gavin. Wow lalo tuloy akong kinikilig!
“Saan pa o di mag-iikot-ikot tutal hindi naman ako makasingit sa kumpol ng mga tao na nagsisiksikan para makita lang ang mga seksing katawan ng mga contestant ng Beauty Pageant na yon eh.” Sagot ko habang naglalakad.
Nahinto ako sa paghakbang ng hawakan niya ako sa braso. “Okay I get your point pero bakit mo naman ako iniwan hindi ba nagdi-date nga tayong dalawa.”. Malumanay niyang turan.
“K-kasi baka gusto mo ring titigan ang mga magagandang babae na yon at mga seksi pa diba k-kaya iniwan kita.”
Ngumiti si Tito Gavin. “Hindi naman sila ang gusto kong titigan alam mo yan isa pa kahit iwan mo ako susundan pa rin kita ikaw ang dahilan kung bakit andito ako ngayon kasi gusto kong ako ang maging first date mo sakaling magkaroon ka man ng Boyfriend.”
“Paano naman ako magkakaboyfriend kung panay naman ang iwas mo sa akin diba. Alam mo masyado kang paasa! Wag kang masyadong pa-fall dahil hulog na hulog na ako sayo dati pa kaso binabalewala mo lang ako. Diyan ka na nga!” Kumawala ako mula sa pagkakahawak niya sa braso ko saka ako nagtungo sa Ferris wheel maikli lang naman ang pila kay pumila na ako sasakay ako kahit ako langag-isa.
“Ilan?” Tanong ng Babae na nasa loob ng Ticket booth.
“Is—.”
“Dalawa, Miss.” Si Gavin sabay abot ng isang daang piso.

BINABASA MO ANG
Dante
حركة (أكشن)PROLOGUE "Ano ng gagawin natin sa isang ito?" Tukoy ni Gavin sa Subject namin. Tinitigan ko ang walang buhay na katawan ng negosyanteng pin@tay namin. "Eh kung pugut@n na lang natin ng ulo para masmasaya!" Sabat ni Roger na mukhang tuwang-tuwa sa n...