KABANATA 46

329 18 6
                                    

Victoria's POV

Si Rex nga ang nagluto pag-uwi namin tulong-tulong pa rin silang apat habang si Mona at si Daisy parehong naligo para makapag linis ng katawan kaya ako naman kalong ko si Baby na super cute! Parehong inako nina Roger at Rex ang responsibilidad sa dalawa sa totoo lang talagang nagulat ako sa ginawa nila kasi syempre alam ko kung ano sila mula umpisa kaya nga parang ang layu-layo nila sa tunay na sila.

Napagkasunduan nilang tatlo na sa Kubo nila titira ang dalawang babae wala naman violent reaction si Gavin kaya solve na ang problema.

"Luto na!" Napalakas ang pagkakasabing iyon ni Gavin kaya umiyak ang Sanggol na kalong ko.

Mula sa loob ng bahay ay nagmamadaling lumabas si Daisy nakasuot na din ito ng bestida gaya ng suot ko kasunod naman niya si Mona na bagong palit na din ng damit. Kinuha ni Daisy sa akin si Baby saka inilabas ang kanang dibdib para padedehin ang Anak kanya-kanyang talikod ang apat kaya natawa ako kahit paano e gentleman pa rin naman pala sila kaso kapag nasa misyon sila nag-iiba ang mga aura nila.

"Tara Mona iayos na lang natin yung mga plato sa papag."

Tumango siya saka sumunod sa akin sa loob ng Kubo namin ni Dante para kumuha ng mga gagamitin namin inayos namin sa ibabaw ng papag lahat ng mga dala namin habang tulong-tulong naman sila Dante sa pagbuhat ng malaking kawa kung saan niluto ni Rex ang mabangong Nilagang Baka!

Pumuwesto na kami sa ibabaw ng malaking papag para lang kaming nagpi-picnic ang kaibahan lang ay gabi na pero maliwanag naman dahil nagkabit sila ng ilaw na nakasabit sa sanga ng puno kung saan nakapwesto ng papag na inuupuan namin. Magkatabi kami ni Dante habang sina Mona at Daisy naman ang magkatabi at yung tatlo.

Ipinagsandok ako ni Dante ng mainit na sabaw kailangan ko daw kasi yon pampalakas ng tuhod kinilig ako sa sinabi niyang iyon saka excited na rin lalo at gabi na. Isang pinong kurot sa tagiliran ang binigay ko sa kanya.

"Misis ko naman eh hindi naman kita sinasaktan ah." Daing nito.

"Anong hindi ka diyan." Habang nasadok ako ng kanin sa plato ko.

"Oi kayong dalawa ha ipapaalala ko lang sa inyo na pito na tayo dito plus si Baby kaya kung pwede bawal na yung malakas ng radyo." Natatawang saway ni Roger.

"Rex. Yung susi?" Lahad ni Dante ng kamay. Dumukot si Rex sa bulsa ng pantalon saka mahinang hinagis ang susi na sinalo naman ni Dante. "Mamamasyal kami mamaya ni Misis." Saka ito sunod-sunod na sumubo at hindi na umimik pa. Nagkanya-kanyang ngisi naman ang tatlo.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng magsalita si Rex.

"Nabinyagan na ba si Baby?"

Nahinto sa ere ang kutsara ni Daisy saka siya umiling.

"Bakit?"

"W-wala akong pera."

"Hmmm. E yung Tatay niyan anong sabi?"

Muling umiling si Daisy at bahagyang niyugyog ang natutulog na sanggol.

"Okay. Sa Linggo pabibinyagan natin siya tutal meron ng mga Ninong at Ninang diba." Seryosong turan ni Rex na ikinabigla ni Daisy.

"O bakit parang ayaw mo pa ata?" Natatawang tanong nito kay Daisy.

"G-gusto. Gustong-gusto k-kaso wala nga akong pera saka hindi naman nila ako papapasukin sa Simbahan sa ayos ko eh." Hindi na napigilan pa ni Daisy ang mga luha niya ng mag-unahan na iyong umagos mula sa kayang mga mata. Pati tuloy ako affected.

"Naku. Rex pati Misis ko napaiyak mo ha yari ka sa akin. Siguraduhin mo lang na pabibinyagan mo si Baby basta Ninong at Ninang kami ha!" May halong pagbabanta ang tono ni Dante na sinabayan nito ng tawa.

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon