Dante's POV
Pinuntahan namin ang address na binigay ni Kuya Remus para kunin si Marcus ang nag-iisang Anak ni Supremo hindi ko siya kilala pero ang sabi ni Kuya mabait naman daw ang lalaking yon.
“Sure ka na ba, Pare?” Tanong ni Roger ng marating namin ang Villa walang tao sa paligid mistulan itong haunted house baka lumaban din ang iba sa mga galamay ni Kuya Remus.
“Akong bahala. May tiwala naman ako sa sinabi ng Payaso.” Sagot ko habang nakatitig sa magargong Villa talagang malayo na ang narating ni Kuya Remus bilang Taga-ligpit ni Supremo.
“O e ano pang hinihintay natin? Tara pasukin na natin yan. Gusto ko nang umuwi saka medyo ramdam ko na yung dais ko eh.” Si Rex na walang keming binuksan ang gate langitngit iyon kaya naging agresibo kami baka merong patibong sa paligid.
Sabay-sabay kaming napatingin sa malaking pinto ng Villa ng bumukas iyon at isang matangkad na lalaki ang lumabas tingin ko kaedaran siya ni Kuya Remus may bitbit siyang itim na backpack bag at tahimik siyang naglakad palapit sa amin.
“Hello. Kayo ba ang kaibigan nila Boggs?” Nakangiti nitong tanong.
Parang medyo kakaiba ata siya? Kinalabit ako ni Roger saka ngumisi ng nakakaloko.
Nilahad nito ang kamay. “I'm Marcus Ponti.” Nakikipag kamay siya kaya inabot ko naman iyon. Bumaling ito sa likuran namin parang meron siyang hinahanap. “P@tay na ba sila? Sabi kasi ni Remus kukunin niya si Caridad kay Papa kaya no choice kundi ihiwalay daw ang kaluluwa ni Papa sa katawan niya. Nagalit kasi siya kasi kinuha ni Papa si Caridad— kamukha kasi ni Mama si Caridad kaya nga gustong-gusto ko siya ang bait pa niya lagi niya akong sinasamahan sa Mansyon. Ammm isasama nyo na ba ako? Binilinan kasi ako ni Boggs na may darating daw ailang Kaibigan na kukuha sa akin— tingin ko kayo yon eh kaya lumabas ako.”
Nagkatinginan kaming apat— kakaiba nga siya para siyang bata kung mag-isip pero mukha naman siyang normal.
Tuhikhim si Gavin. “O-oo. Isasama ka namin basta dapat lagi kang mabait ha.”
Lumuwag ang pagkakangiti nito. “Oo naman! Sa wakas may makaka-usap na ako! Ako na lang kasi ang nasa Villa ang lungkot kaya. Tara uwi na tayo. Saan nga ba tayo pupunta? Malayo ba?”
“Sa Tierra de Alas malayo nga kasi magbabarko tayo.” Sagot ni Rex.
“Okay. Sige tara na!” Si Marcus saka ito naglakad palabas ng gate at sumakay sa pick-up truck na dala namin.
Si Rex ang nag-drive habang nasa passengers seat naman si Roger.at kami ni Gavin naman ang kasama ni Marcus sa likod ng pick-up truck.
Tingin ko mukha naman siyang mabait halos kasing tangkad lang namin siya ang kaibahan lang ay ang kulay ng buhok niya na para mais at medyo kulot samantalang kulay berde naman ang mapungay niyang mga mata naku mas gwapo pa ata to sa akin ah! Sabagay may lahing Italyano kasi siya. Bakit ba ako naaasar e alam ko naman na hindi siya papansinin ni Misis kahit masgwapo siya sa akin! Matangos din naman ang ilong ko saka tiyak naman akong masmasarap ako kesa sa kanya!
Sumakay kami sa pampasaherong barko. Malayong-malayong biyahe kaya makakapag pahinga kami. Tahimik lang si Marcus sa buong biyahe ni hindi siya nagsasalita lagi lang siyang nakatanaw sa malayo. Ano bang meron sa kanya at parang kakaiba takaga siya?
***
“Dahan-dahan lang, Pare.”. Paalala namin kay Roger habang inaakyat ang gate ng Tierra de Alas ginabi na kasi kami ng uwi at tingin ko tulog na sila Misis.
“Lintik naman bugbog na nga ang katawan ko sa laban kanina ako pa talaga ang pinaakyat nyo! Dapat kung sinong naka-iwan ng susi siya dapat ang umakyat dito eh!” Pigil ang boses na angal niya.
“Grabeh naman Roger may sugat nga ako diba. Saka kaya mo na—.” Hindi na naituloy ni Rex ang sasabihin ng biglang may umangil mula sa loob ng gate pati si Roger na nakasabit eh natigilan din lalo ng sumugod ang malaking aso!?
“Anak ng! Kailan pa tayo nagkaroon ng aso dito!” Nagmamadaling umakyat pataas si Roger habang sige ang damba sa kanya ang nangangalit na aso. “Pap@tayin kita sa oras na makagat mo akong lintik ka! Asoz3na ang labas mo! Sinasabi ko sayo!”
Nagtawanan kami sa mga pinagsasasabi nito lalo ng nawalan siya ng balanse at lumagabog siya sa lupa.
Dumaing si Roger.
“Ayos ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ni Marcus saka nito nilahad ang kamay para tulungang siyang makatayo.
“Salamat. Nabali ata ang gulugod ko mga Pare. Ano tigukin ko na ba ‘yan?” Turo niya sa nagwawalang aso. Lumiwanag ang Kubo namin ni Misis may maliliit na boses ang nag sipaghiyawan ng makita kami.
“Bogart! Hunog!” (Bogart! Tumigil ka!) Sigaw ni Mona. Tumigil naman ang Aso saka ito lumapit kay Mona at dinilaan ang paanan nito.
“Mukhang sa Sweetheart mo ang asong yan ah. Tiyak yari ka diyan kapag tinigok mo yan! Wala kang kiss sigurado yan!” Kantiyaw ni Rex kaya nakatikim ito ng mahinang suntok sa dibdib.
“Dante!?”
Parang huminto ang tibok ng puso ko ng.marinig ko ang boses ng Misis ko. Hos dalawang araw lang naman kaming magkalayo pero parang ang tagal non para sa akin.
Ngumiti ako at bahagyang kumaway.
Yumuko si Misis at nagpahid ng mga luha.
Sabay-sabay silang lapit sa gate habang si Beth naman ang nagbukas ng padlock para makapasok kami. Isang mahigpit na yakap ang premyo ko. Isang yakap lang pawi na ang sakit ng katawan ko lalo na at malaya na kami maaari ko na silang ilabas sa Mundo— tama ihaharap ko sa Altar si Misis.
“N-nakauwi ka na din. T-tapos na ba ha Dante?” Oiyok niyang tanong habang mahigpit akong yakap.
Namiss ko si Victoria ng sobra. Yumuko ako at hingkan siya sa bunbunan. “Opo. Tapos na. Misis ko malaya na tayo kay Supremo.”
“S-salamat naman kung ganon. Namiss kita. Dante.” Natawa ako alam kong naglalambing siya kaya maslalo ko siyang yinakap palapit sa akin kasi hindi ko siya pwedeng ipitin dahil siguradong mapipipi si Baby namin at ayokong mangyari yon! Tamang yakap lang sapat na.
“M-may sugat ka, Rex!” Naalarma si Daisy ng makita ang naka bendang bahagi ng hita nito. “H-hindi ka nag-iingat eh!”
“Sorry na po.” Tanging sagot ng loko.
Pumalahaw ng iyak si Baby Xeed naiwan pala nila ito sa gitna ng kutson ng magtakbuhan sila palapit sa amin. Nagmamadaling tinungo ni Daisy ang Kubo namin para kunin ang Anak.
Habang sina Roger at Mona naman parehong nakatayo lamang at walang imik paano naman sila mag-iimikan eh hindi nan kasi sila nagkakaintindihan! Hindi marunong magbisaya si Roger habang si Mona naman nakakaintindi nga ng tagalog ang kaso hindi siya marunong magsalita ng tagalog. Humakbang si Mona palapit kay Roger saka nito pinulupot ang mga braso sa bewang ng kaibigan ko, aba ang loko mukhang kinikilig pa ata ah!
Tumikhim si Gavin kaya naagaw niya ang atensyon ng mga kasama namin babae.
“Sino siya?” Tukoy ni Beth sa kasama namin sakto naman na lumabas ng Kubo si Daisy at bitbit na niya ang Anak at lumapit ito kay Rex.
Pare-parehong natuon kay Marcus ang pansin ng mga Babae.
Magsasalita na sana ako kaso naunahan niya ako.
“Hello. Ako nga pala si Marcus Ponti kaibigan ako ni Remus. Dito na din ako titira kasama nyo.” Seryosong saad nito habang nakangiti.
Nagkatinginan kami. Nagkibit-balikat ako.
“Okay so kailangan na pala naming bumukod ni Mona. Oi tulungan nyo ako bukas para matapos ko agad ang Kubo namin.” Sabay hagod nito ng tingin kay Marcus.
Mukha atang nagseselos na agad ang loko ah! Nag-thumbs up lang ako bilang sagot.
“Tutulong din ako sa paggawa ng Kubo! Mukhang masaya yon!”
Aaminin kong gwapo nga si Marcus kung ikukumpara sa aming apat kaso iba siyang mag-isip. Meron kayang nangyari kaya naging ganito siya o baka talagang ganito na siya nung pinanganak siya?
BINABASA MO ANG
Dante
ActionPROLOGUE "Ano ng gagawin natin sa isang ito?" Tukoy ni Gavin sa Subject namin. Tinitigan ko ang walang buhay na katawan ng negosyanteng pin@tay namin. "Eh kung pugut@n na lang natin ng ulo para masmasaya!" Sabat ni Roger na mukhang tuwang-tuwa sa n...