KABANATA 11

311 9 0
                                    

Victoria's POV

Inabot kami ng tanghali sa haba ng pila. Nagpapalit-palit ang tingin sa amin ng Teacher na siyang nag-assist sa amin ng kami na ang nasa unahan ng pila.

"Mag-asawa kayo?"  Nagtatakang tanong nito saka ako tinitigan ng maigi kaya napatango ako sabay ngiti.

Tumikhim si Dante.  "Yes Ma'am I have legal document with me to justify that we are legally married."  Nilabas nito ang sinasabi nitong Dokumento at ipinakita sa Teacher. 

Binasa naman itong mabuti ng Teacher na nag-a-assist sa amin.  "Dante Mauro. Legal age of 26. Husband. Victoria D. Mauro— teka 16 lang itong Misis mo, Sir. Sigurado ka bang pumayag ang Magulang nito na maikasal sayo ang Anak nila?"

Kinabahan ako baka malaman nilang Anak ako ng pinatay na Negosyante at baka mabalita pa ako tapos makikita ako ng mga taong nagbayad sa grupo ni Dante para patayin si Papa! Baka bigla nila akong kunin tapos ibebenta nila ako sa Black market dahil Anak ako ng kalaban nila sa Negosyo!

Napahigpit ang kapit ko sa braso ni Dante pero agad din namang nawala ang lahat ng alalahanin ko at napalitan ng pagtataka sa isinagot ng Kapreng kasama ko.

"Nabuntis ko po ang Anak nila kaya pinakasalan ko po. Meron pa ho bang ibang valid reason bukod doon Ma'am?"  Mahinahon nitong sagot.

Kamuntik ko ng mabitawan ang hawak kong plastic cups ng Mango Graham shake talagang yun yung naisip niyang ikatwiran! Naku! Baka pinagnanasahan na niya ako kaya balak na niya akong buntisin humanda siya kapag ginawa niya yon sa akin talagang mata lang niya ang walang latay!

"Ah. Talaga ba Victoria?"  Tanong sa akin nito.

"Ummm—."  Nahiya akong sumagot kaya yumuko na lamang ako at bahagyang nagtago sa likod ni Dante.

"It's okay. Welcome ka sa School na ito dahil gusto mong makapag-tapos ng pag-aaral."  Kinuha nito lahat ng dalang Dokumento ni Dante saka iyon inis-stapler para hindi mawala bago nito binigyan ng form si Dante.   "Doon nyo na ho ito pirmahan sa Room 201 kapag mapirmahan mo na lahat pakibigay na lamang sa Teacher na naroon tapos pwede na kayong umuwe."  Nakangiting turan nito.

Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Dante.  "Thank you, Ma'am."

Bumaling ito sa akin.  "Let's go, Wife."

Lalo akong nahiya dahil sinadya nitong lakasan ang pagkakasabi ng  'wife'.  Nakayuko ako habang naglalakad papuntang Room 201 kung saan magpi-fill-up ng form.

"We're here."  Saad ni Dante at pinauna akong pumasok sa Classroom. Sabay-sabay na lumingon ang mga naroon na pumipirma din ng mga form at lahat sila nakatitig kay Dante talagang agaw pansin ang itsura nito kahit medyo kulot ang buhok nito e bumagay naman sa kanya isa pa bagay din kasi sa kanya yung suot niyang couple shirt namin kung pwede lang sanang lamunin na lang ako ng lupa kesa pagtinginan ng mga tao. Nakakahiya!

Tinapik ni Dante ang upuan kaya bumalik ako sa reyalidad hindi ko namalayan na naiwan na pala ako nitong nakatulala sa gilid ng pintuan. Agad akong lumapit sa upuan na nilaan nito saka ako umupo.

"Ayos ka lang ba? You're spacing out."  Tanong nito. Kinuha nito ang dalang ballpen mula sa leather sling bag na dala saka bahagyang yumuko habang nakatayo para ipatong sa maliit na mesa ang form na pipirmahan nito.

Nilingon ko ang paligid. Lahat halos ng mga naka-upo ay may sinasagutang form at wala ng bakanteng upuan para kay Dante.

"Wag kang malikot Misis ko pumapanget tuloy ang handwritten ko."  Pabitong turan nito.

"Sorry. Ikaw kaya ang umupo dito gaya nila oh saka para masgumanda pang lalo yang sulat mo."  Mahinang sagot ko.

Huminto ito sa pagsusulat saka ako nilingon kaya napasandal ako sa kinauupuan ko masyado kasing malapit ang mukha nito sa mukha ko baka akalain nilang naghahalikan pa kaming dalawa.

"Know what Misis ko pina-upo kita diyan dahil ayokong ugatan ka kanina pa tayo nakatayo okay at tungkol naman sa sinabi mong 'gaya nila' well I don't care about them, what I cared for is you okay. Ubusin mo na lang yang shake mo wag ka munang maingay."  Seryosong paliwanag nito. Tahimik nitong binasa ang bawat tanong na nakalagay sa form habang ako sige lang ang sipsip ko sa hindi ko maubos-ubos na shake pano ang lake masyado ng baso nakalimutan ata niyang maliit lang ang sikmura ko hindi gaya niya na Kapre.

"Done, diyan ka lang ibibigay ko lang ito sa Teacher."  Bilin ni Dante. Naglakad ito palapit sa mesa ng Teacher na naroon at ibinigay ang papel meron lamang tinanong na ilang ditalye ang Teacher bago kami hinayaang makauwi.

Mahigpit na hawak ni Dante ang kamay ko habang naglalakad kami palabas ng gate ng school hawak nito ang mga helmet namin. Hindi ko magawang tumingin sa dinaraanan namin dahil na rin sa mga matang nakatingin sa aming dalawa na ang iba ay nagtataka habang ang iba imbyerna. Sana gaya ako ni Dante na walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao as long na hindi naman ito nakakaapekto sa kanya. Hindi ko naman kasi kayang balewalain na lang basta-basta kung paano nila ako tignan kaya talaga apektado ako.

May kalayuan din ang nilakad naming dalawa hanggang marating namin kung saan nakaparada ang Big bike nito may nilabas ito mula sa dala nito leather sling bag isang manipis na jacket na kulay itim.

"Isuot mo para hindi ka mangitim."

"Salamat."

Tinulungan din ako nitong ayusin ang helmet sa ulo ko, nauna itong sumakay sa Motor bago naman ako sumampa sa likurang bahagi nito

"Ala-una na. Kakain na muna tayo sa Mcdo bago tayo uuwi."

"Okay."  Gutom na din naman ako eh.

Marahan nitong pinaandar ang big bike palayo sa parking lot ng Muninsipyo.

Kahit naiilang ako ay kumapit pa rin ako sa bewang nito kesa mahulog naman ako. Tumawa lang si Dante. Bahagya kaming bumilis ng nasa hi-way na kami papuntang Mcdo kung saan kami kakain.





Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon