Larry’s POV
May isang linggo na simula ng binitay si Remus akala ko makakalimutan na siya ng pinsan ko dahil sa mga hindi magandang nangyari sa pagitan nilang dalawa kaso bakit parang iba ata ang pinapakita ni Caridad sa mga sinasabi niya sa amin na ayos lang siya na hindi siya apektado ng kamatayan ni Remus minsan mas gusto niyang mapag-isa at tutulala na lang gaya ngayon na malayo na naman ang tanaw niya. Iniisip kaya niya ang lalaking yon? Sabagay hindi ko naman siya masisisi dahil talagang masasabi kong ang mga gaya niya ay once in a lifetime lang sa itsura at sa tindig talagang walang tatalo sa Remus Silva na iyon halos pare-pareho sila ng mga kaibigan niya puro sila matitikas ang tindig kaya nahuhumaling sa kanila ang mga babae buti pa sila e ako nganga!
Ah! Oo nga pala! Wala sa isip na nahampas ko ang mesa namin kaya natapon ang kape ni Lawrenz agad itong napatayo mula sa kinauupuang monoblock chair
“Kuya naman eh!” Sabay hawak niya sa dulo ng suot na pambahay na tshirt para hindi tuluyang umagos pababa sa sahig ang natapong kape at nagmamadaling pumasok sa banyo para iwas sermon ni Mama ayaw kasi niya ng marumi tiyak may kalalagyan ka.
“Sorry naman! May naalala lang kasi ako.” Turan ko.
“Hay naku ang lakas mo kasi sa kape Kuya kaya nagiging magugulatin ka na eh.”
“Sorry na nga.” Tumayo na rin ako at lumapit sa pinto ng banyo. “Law, bilisan mo diyan aalis kasi ako kaya maliligo muna ako ikaw na munang bahala kay Caridad ha wag kang gumala alalahanin mong wala pa si Mama mamaya pa ang uwi non galing sa mga amiga niya.” Bilin ko sa bunso kong kapatid.
“Oo na. Mag-antay ka diyan naliligo pa ako ang lagkit ng kape!” Inis niyang turan.
“Okay.” Kibit-balikat kong sagot.
Naglakad ako tungo sa hagdan ngunit huminto muna ako saglit para kausapin si Caridad. “Ummm insan gusto mo bang sumama sa akin bukas.”
Mula sa labas ng bintana ay binaling niya sa akin ang mga tingin bahagya siyang ngumiti ngunit hindi umabot sa mga mata nito ang tuwa. “Saan tayo pupunta?”
“Hindi ba gusto mong makita kung saan namin dinala si Remus?”
Ayon! Kumislap ang mga mata nito saka sunod-sunod na tumango. “T-talaga Kuya isasama mo ako? Gusto ko talaga siyang makita kahit sa huling hantungan man lang niya.”
Pinisil ko ang pisngi nito. “Okay basta wag ka ng umiyak kasi tiyak hindi ka papayagan ni Mama na umalis kung ganyan ka, sige ka.”
Kinuha niya ang panyo sa bulsa ng suot niyang duster saka nagpunas ng mga luha. “O-okay Kuya. Basta isama mo ako bukas gusto ko lang magpaalam ng maayos sa kanya kasi h-hindi ko siya nakita pagkatapos siyang bitayin eh.”
Tumango ako. “Okay.”
Kahit hindi niya sabihin alam kong mahal niya ang lalaking iyon ramdam na ramdam ko at nalulungkot ako ng makita siyang lutang at malalim ang iniisip siguro kapag nakasama niya uli si Remus baka sakaling bumalik ang dating Caridad, hindi pa nga pala niya alam na buhay ang Ama ng dinadala niya. Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nagkita ulit sila. Nakakaexcite! Pero sa ngayon maliligo muna ako at may kukunin pa nga pala akong mga importanteng bagay para sabay-sabay na bukas.
“Magdala ka nga pala ng ilang pirasong damit ha.”
“Bakit Kuya? Magtatagal ba tayo sa lugar na oinagdalhan nyo sa bangkay ni Remus?-maayos ba ang libingan niya, Kuya?” Nagbabadya na naman ang mga luha niya.
“Oo. Basta wag ka ng umiyak. Bukas siguradong matutuwa ka. Sorry kung wala akong nagawa para sa kanya.”
Tahimik na tumulo ang luha ng pinsan ko habang titig na titig sa akin parang kinurot non ang puso ko ngayon ko lang siya nakita na ganito ka lungkot di bale bukas babawi naman ako dahil bukas siguradong magbabago ang lahat para sa kanya at para sa pamangkin ko.
BINABASA MO ANG
Dante
حركة (أكشن)PROLOGUE "Ano ng gagawin natin sa isang ito?" Tukoy ni Gavin sa Subject namin. Tinitigan ko ang walang buhay na katawan ng negosyanteng pin@tay namin. "Eh kung pugut@n na lang natin ng ulo para masmasaya!" Sabat ni Roger na mukhang tuwang-tuwa sa n...