KABANATA 59

238 13 4
                                    

Dante's POV

Niligpit na namin ang mga paninda saka kami namili ng mga kakailanganin ng maiiwan namin tahimik lang kami habang kanya-kanya kaming kulasan sa loob ng Palengke para maghanap ng mga pangangailangan. Lahat binili ko para hindi na mahirapan pa si Misis ko na lumuwas siguro naman kompleto na ang mga dapat kong iwan meron ng sabon na panligo dalawang dosena para matagal maubos pati shampoo at sabon na panlaba at powder na panlaba, dishwashing at mga personal hygiene gaya ng toothpaste, toothbrush at feminine was ni Misis para laging fresh— ano ba yan yun agad naiisip ko! Talagang sisikapin kong makauwi para sa bagay na iyon naku naman marami na tuloy akong naiisip gawin dapat yung hindi gaanong masasaktan si Baby baka bigla ko siyang masundot sa loob ni Mama niya naku baka paglapas eh bigla akong sipain.

“Ou, ang lalim ng iniisip mo Pare.”  Si Gavin na walang ibang dala kundi sarili lang niya.

Umangat ang isang kilay ko.  “Wala kang binili para kay Beth?”

Umarko ang magkabilang gilid ng labi nito.  “Bakit ko naman siya ipamimili? May binili naman ako nasa loob na at para sa lahat yon.”

Binuksan niya ang likod na pinto ng truck para mailagay ko sa loob ang mga dala ko. Naroon ang tatlong sakong bigas at siyam na tray ng itlog mga kape at gatas pati asukal mga iba't-ibang klaseng inumin na tinitimpla iba talaga kapag walang lovelife lahat sinasakop na lang.

“May balak ka bang mag tindahan sa lugar natin Pare?”  Biro ko.

“Ha ha ha.”  Pekeng tawa ni Gavin.

Umupo na ako sa loob ng truck at sumandal sa backrest ng leather nitong upuan wala pa sina Rex at Roger mukhang madibdiban ang pamimili ng dalawa ah. Umupo si Gavin sa tapakan ng truck saka nagsindi ng sigarilyo.

“Pare, gusto mo?”  Alok niya.

“Nope, graduate na ako sa ganyan alam mo na ayaw ni Misis eh sayang ang kiss mas masarap yon kesa diyan.”

Ngumisi lang si Gavin sabay iling.

“Ayaw mo ba kay Beth?” 

Muli akong nilingon ni Gavin.  “Bakit mo naman naitanong? Isa pa halatang crush ka niya. Naku siguradong kakalbuhin siya ni Misis Mauro. Umiwas ka sa isang yon ha lalo at bawal ma-stress si Misis mo.”

“Alam ko Pare. Salamat. Hindi ako interesado sa ibang babae okay na ako sa Misis ko. Naitanong ko lang kasi naisip ko na king hindi mo nagustuhan man lang si Beth e baka Lalake din ang hanap mo— mga ganon ba.”  Na sinabayan ko pa ng konting landi ng mga daliri.

“Oi! Loko ka talaga Pare ang sagwa mo pagmasdan! Sir@ulo ka talaga! Lalake ako nagkataon lang na wala naman akong nararamdaman kay Beth kaya bakit ko naman siya paaasahin o kaya papatulan. Ano yun titikman ko lang siya at kapag andyan na yung Babaeng magpapawindang ng Mundo ko e saka ko na lang siya itatapon ganon ba dapat ha Pare?”. Katwiran ni Gavin.

“Hindi naman. Medyo curious lang ako. Ano ba kasing gusto mo sa isang Babae?”

Hinithit muna nito ang hawak na sigarilyo saka sumagot.  “Yung tupakin pero sweet, yung kailangan ko pang suyuin ng mga 100x saka yung chubby para masarap yakapin—.”

“Hoy, Vin wag mong sabihing ped0phile ka ha e parang menor de edad ata yang ideal girl mo eh!”  Putol ko sa pagsasalita niya.

Natahimik si Gavin at malalim na nag-isip. “Ped0phile ka diyan. Makakasuhan lang ako kung hindi ko siya pananagutan diba.”

“Loko ka. Seryoso ka ba diyan?”

Tinapon nito ang upos ng sigarilyo saka tumayo at tinapakan iyon.  “Kung hihingin ng pagkakataon diba saka puno ng misteryo ang Mundo.”

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon