KABANATA 20

323 14 1
                                    

Victoria's POV

Kinumpleto talaga ni Dante lahat ng kailangan ko mula sa mga gamit sa eskwela at sa uniform hanggang sa mga sapatos na pamasok at rubber shoes saka kami kumain muna sa Jollibee. Hindi ko tuloy maiwasang humanga sa taong pumatay sa Papa ko pero kahit ano pang gawin niya mananatiling m@mamatay tao pa rin siya sa paningin ko.

Ang dami naming bitbit o mas magandang sabihin na ang daming bitbit ni Dante pano ayaw niyang tulungan ko siya dahil kaya naman daw niya. Narating namin ang labas ng Megamall napansin ko agad ang nakaparadang Kotse sa di kalayuan sumunod lamang ako kay Dante, mula sa Kotse ay may lumabas na Lalaki at kung hindi ako nagkamali si Rex 'yon nakangiti itong sumalubong sa amin at kinuha ang iba sa mga bitbit ni Dante.

"Ang dami ah. Kaya naman pala ako ang kinontak mo— nga pala bukod sa inyo may sakay ako ha."

"Sino?"  Tanong ni Dante.

Alanganing tumingin sa gawi ko si Rex saka ako nginitian. Nilingon din ako ni Dante saka mahinang binangga ng balikat nito si Rex.

"Pare, Misis ko 'yan wag kang ngingiti-ngiti diyan loko ka seloso ako baka makalimutan kong kaibigan kita."  Nakangiting turan nito pero bakas ko ang pagiging seryoso nito sa bawat salitang binitiwan nito.

Tumawa ng malakas si Rex.  "Alam ko Pare naku naunahan mo lang ako eh."

Muli itong binangga ni Dante. 

"Uy, relax ka lang Pare baka mabitawan ko na itong dala ko kakabangga mo sa akin ano ka ba hindi ka na mabiro ah."  Natatawang turan nito.

Muli akong nilingon ni Dante.  "Ayaw ko ng binibiro ako pagdating sa Asawa ko Pare. Bakit sino ba ang nasa loob ng Kotse mo ngayon?"

Napanganga ako sa sinabi nito nakaramdam ako ng assurance na kahit kailan hindi ako pababayaan ng Kapre na ito kahit kaibigan niya tataluhin niya sa Oras na pakialaman nila ako never pa akong naka-experience na ganito ako kahalaga sa isang tao— Hala! Baka unti-unti akong mahulog kay Dante! No! Ayoko!

"Yung ex mo lang naman."

Nawala ako sa pag-iisip ko ng kung anu-ano ng marinig ko ang sinabi ni Rex, nasa loob daw ng Kotse nito ang ex ni Dante!

Napatitig ako kay Dante. Inaantay ko kung ano ang magiging reaksyon nito sa sinabing iyon ng Kaibigan niya.

"Ano? Seryoso ka ba?"  Naiiritang tanong nito.

"Yes, Pare. E kinontak ako nagpapahatid siya sa Baguio baka andun yung Sugar Daddy niya. Sabi ko nga bakit hindi na lang siya kumuha ng rent a car with driver e wala daw siyang tiwala sa iba lalo at ganon kalayo."

Dante scoffed.   "Ang sabihin mo hindi kasi siya mukhang kagalang-galang."

Nagkibit balikat lang si Rex saka nito binuksan ang trunk ng Kotse nito para doon ilagay ang ibang pinamili namin habang ako tahimik lamang akong nakatayo sa gilid hawak ang paper bag ng LV bag at iPhone ayoko pang pumasok sa loob ng Sasakyan lalo at naroon ang ex ni Dante baka bigla pa akong sabunutan.

"Bakit hindi ka pa sumakay sa loob, Misis ko?"  Tanong nito ng makita akong nakatayo lang sa gilid.

Binuksan ni Dante ang pinto ng backseat at mula roon ay nasilip ko ang Babaeng sinasabing 'ex' nito maganda siya at nakasuot ito ng pulang dress kahit nasa labas ako ay amoy na amoy ko ang mamahaling pabango nito na humalo sa hangin.

Biglang nag-iba ang aura ni Dante ng makita ang Babae naging tensyunado ito baka meron pa siyang nararamdaman para sa ex niya, may kung anong kumirot sa puso ko– bakit nagseselos ba ako o baka ayaw ko lang mabaling sa iba ang atensyon ni Dante kahit ako naguguluhan na sa nararamdaman ko ngayon basta isa lang ang alam ko naiinggit ako sa pagiging sophisticated ng ex nito.

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon