KABANATA 70

264 11 2
                                    

Dante's POV

Umuwi muna si Beth sa kanila medyo masikip na nga naman kasi kung sisiksik pa siya sa Kubo ni Gavin kaya si Marcus kontodo ang haba ng nguso gusto kasi niyang katabi sa pagtulog si Beth mahabang pakiusapan muna bago ito pumayag saka medyo nalihis din ang atensyon niya dahil sa presensya ni Caridad at ng Baby na nasa tiyan nito.

“Baka mapisa si Baby ha Marcus.”  May himig babala si Kuya Remus kaya pumormal siya at bahagyang nilayo ang tainga sa tiyan ni Caridad. Natawa na lang si Kuya sa pagsunod ni Marcus.

“Hindi pa ba kayo matutulog?”  Tanong ni Misis.  “Bawal sa aming mga buntis ang magpuyat eh saka may bukas pa naman para magkwentuhan kayong mga lalaki diba Ate Caridad.”

“Tama siya inaantok na nga rin ako eh. Saan ba tayo matutulog, Remus?”

“Doon sa Kubo namin, Caridad! Halika samahan na kita doon kasi busy pa si Remus at Dante.”  Tumayo si Marcus at inalalayan si Caridad saka sila nagpaalam sa amin walang imik si Kuya habang natatawang umiiling na lamang.

“Maalaga pala si Marcus kay Caridad?”  Si Rex na nakatanaw din sa dalawa.

“Oo, magkamukha kasi si Caridad at si Donya Maria ang Mama ni Marcus.”

“Ah Mamas boy pala siya? Ayos ah hindi naman pala ako dapat kabahan sa presensya niya lalo at ganyan din siya kay Mona ko masyado silang natutuwa sa isa't-isa naku Kuya pakisabi sa kanya na taken by me na si Mona ha at no parking na reserve only for me na siya ha.”

Isang malutong na tawa ang sinagot ni Kuya Remus kay Roger.

“May nakakatawa?”  Duktong ni Roger.

“Alam mo Pare wala naman tayong iniinom na beer pero utak mindset mo pang lasing ano seloso masyado oi tigilan mo yan nakakam@tay ang selos lalo at hindi ka pa naman marunong mag kontrol naku yari ka kay Kuya Remus kapag binikwasan mo si Marcus!”  Natatawang hirit naman ni Gavin.

Kinuha inabot ni Roger ang tsinelas mula sa lupa saka iyon mahinang hinampas sa braso ni Gavin.

Tumawa lamang ang huli alam niyang medyo may pagka pikon si Roger lalo na kapag feelings niya ang involve sabagay si Mona pa lang naman kasi ang Babaeng nahalikan niya kaya siguro ganon saka mukhang seryoso nga siya.

“Okay sasabihin ko ‘yon sa kanya. Yung Beth ba sino ng may-ari non?” 

“Naku Kuya Remus single yon. Mukhang enjoy pa kayo sa pagkukwentuhan nyo eh sige pasok na ako sa loob ha.”  Singit ni Misis ko sabay halik sa pisngi ko bago kami tuluyang iwan sa papag kung saan kami laging nakatambay.

Mahinang nagkantyawan ang mga mokong nakisali din sa kanila si Kuya kaya ngumiti lang ako pero deep inside kinilig ako sa ginawa ni Misis pinakita niyang sa akin lang siya! Wow feel ko napaka-special ko! Hindi na tuloy ako makapag-antay na lumabas si Baby para masulit ko yung trip Fantasy land— natigilan ako sa pag-iisip ng kung anu-ano ng maramdaman ko si junior ko he he he mukha nagising ang dragon ko ah! Hinahon lang my friend buntis pa si Misis bawal pa yung h@rdcore!

“Mabait si Marcus kaya no problem pagdating sa relasyon alam niya kung gaano kahalaga ang bawat tao kaya tiyak na hindi siya gagawa ng bagay na makakasakit siya ng damdamin ng iba.”  Saad ni Kuya Remus.

“Bakit nga ba nagkaganon si Marcus?” Puno ng kuryosidad na tanong ni Rex.

“Magka-edad lang kami ni Marcus nung inampon kaming tatlo ni Supremo para maging kalaro ng Anak niya matino pa siya mag-isip non hanggang sa dinukot silang mag-ina ng mga kalaban ni Supremo sa Organisasyon sa pagkakatanda ko ginah@sa nila si Madame sa mismong harap ni Marcus habang nakakulong siya sa kulungan ng aso. Hinanap sila ni Supremo pero hindi sila nakita hanggang sa may tumawag para lang iparinig sa kanya ang paghingi ng awa ni Madame para sa buhay nilang mag-ina ar sinundan iyon ng malakas na putok ng baril nanahimik sa kabilang linya si Madame habang sige ang sigaw at iyak ni Marcus tapos may mga nagtatawanan pa at sinabi kay Supremo na iiwanan nila ang mag-ina niya sa loob ng container van. Nung inuwi nila si Marcus tulala na siya at laging nananaginip ng masama kadalasan pabago-bago siya ng ugali sabi ng Doktor may trauma siya pero kusang mawawala daw iyon sa tamang panahon kaso tumanda na kami ganyan pa rin siya kahit paano nakokontrol na niya ang sarili niya.”

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon