KABANATA 86

202 10 0
                                    

Roanne's POV

Lutang ako hanggang matapos ang klase namin hindi din ako gaanong nakakain kanina ng mag-recess kaya dali-dali akong nagtungo sa Tierra Fructus et Legumina Copia andun si Papa kaya tiyak na makakahirit ako ng masarap ng pananghalian kahit naman mababa ang grades ko hindi naman niya ako natitiis eh saka andun din si Tito Gavin makikita ko uli siya.

Malayo pa lang at kita ko na ang kumpol ng mga kababaihang customer na nag-uunahan sa pagbili sa mga paninda naming prutas at gulay umaasa kasi sila na mapansin man lang nila Papa kahit na alam nilang may mga Asawa at Anak na ang mga ito maliban kay Tito Gavin syempre hindi pa naman kasi nagsisimula ang love story namin e kaso nga lang binasted na niya ako agad e.

Si Papa, Tito Roger at Gavin ang nakatoka ngayon sa Tindahan salitan sila nila Tito Remus, Tito Marcus at Tito Rex para daw may maiiwan na lalaki sa Tierra de Alas. Sumingit ako hanggang marating ko ang loob ng pwesto namin sa Palengke.

“Oi andito na ang Prinsesa ko ah.”  Humaba ang nguso ni Papa sabay yuko para dampian ako ng halik sa noo.  “Tamang-tama may binili akong pagkain kanina sige na kumain ka na baka nagugutom ka na basta magtira ka para sa iba ha.”

“Opo, Papa.” Saka ko nilapag sa mahabang upuan ang backpack bag ko. Umupo na ako sa upuan na yari sa kawayan sabay ko hinila ang nakabalot na pagkain na nakalapag sa ibabaw ng mesa.

Wow! Jollibee! Kinuha ko ang para sa akin talagang masarap ang spaghetti nila amiy pa lang panalo na! Hinanap ko ang plastik na tinidor saka ko iyon inikot sa gitna ng kataka-takam na spaghetti kaso biglang nabali paano ko na kakainin ang isang ito, ano ba yan!

“O heto na lang ang gamitin mo.”  Sabay abot niya sa akin ng stainless na tinidor masmatibay nga naman iyon kesa sa plastik na tinidor.

Kinuha ko ang tinidor na hawak ni Gavin este Tito Gavin pala.  “Salamat.”

“Eat well, One ummm yung drinks mo sana refrigerator ha ganon din yung sa iba.”

“O-okay.”  Sagot ko na hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. Ilabg minuto din siyang nakatayo lang sa gilid ko habang nakain ako wala naman akong sasabihin kaya bahala siyang thmunganga diyan saka kanina lang binasag niya ang puso ko hindi pa siya nakontento at tinapak-tapakan pa niya talaga! Nagapakawala muna si Gavin este Tiro Gavin ng malalom na buntong-hininga bago tumalikod at bumalik sa gawain.

Paubos na ang mga customer naming Babae na ang iba e talagang nilalandi pa si Papa kaso si Papa todo iwas kaya ang ending si Tito Roger ang sumasakay sa mga biro nila aba subukan lang nu Papa na makipagbiruan siguradong report siya agad kay Mama!

Burger naman ngayon ang lalantakan ko ng makarinig ako ng boses na talaga namang nagpakulo sa dugo ko!

“Hi, Gavin are you busy?”  Si Penelope ang bruhang nagsusumiksik kay Gavin ko na nilikugawan naman niya o eh anong tawag sa akin? Kabote na basta na lang tumubo sa kungsaan-saan. Ang seksi ni Penelope at kontodo makeup pa ang bruha!

“Vin may bisita ka.”  Tawag sa kanya ni Tito Roger, abala kasi soya sa pagkuha ng ibang paninda sa loob ng malaking basket.

Nilingon niya si Tito Roger. Nabigla pa siya bg makita si Penelope siguro nagandahan siya o naseksihan sabay baling niya sa akin. Problema niya ano ‘to gusto ba niya akong magselos? Hello nasa harapan ko lang si Papa tiyak na mapapalo niya ako kung sakaling gumawa ako ng eksena kaya binuksan ko ang burger sabay subo saka ko siya inirapan, kala niya ha o do magsama sila kahit na ang sakit-sakit talagang pinamumukha niya ang agwat namin ah o di wow.

“Mukhang may lakad ka ata?”  Nakangiting turan ni Tito Gavin saka siya nagounas ng mga kamay at bahagyang lumapit pa sa bruha.

“Meron nga may Family dinner kasi kami at naikwento bga kita sa Parents ko kaya gusto ka nikang makilala.”  Ganda ng pagkakangiti ng bruha ha mukhang namaga ata nguso niya sobrang pula naman kasi, kapag ako naging ganap na dalaga din hindi ko gagayahin yung nguso niya na akala mo eh kinagat ng bubuyog.

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon