KABANATA 43

459 17 10
                                    

Roger's POV

Nakakayamot dahil talagang binitbit ni Rex ang babaeng-lalaki na yon! Kala ata niya nakalimutan ko na ang ginawa niyang pagsampal sa akin pasalamat siya at nalaman ko agad na babae siya dahil kung hindi tiyak iikot ang leeg niya!

"Pare, baka matunaw si Bananaque girl sa paraan ng pagkakatitig mo diyan."

"Tumahimik ka nga, Rex. Bakit ba kasi binitbit mo pa iyan!" Singhal ko na nagpatahimik sa hagulhol ng nakasakay sa likurang bahagi ng L300 truck namin.

Tumawa si Rex. "Hinay-hinay ka ng pagsasalita at naiintindihan ka niya kahit paano babae pa din yang si Bananaque girl."

"Pakialam ko basta sinampal niya ako at hindi ko makakalimutan yon dapat nga ganun din ang ginawa niya sa apat na- ano daw sila?"

"Cobra daw." Natatawang sagot ni Rex.

"Ayun mga Ahas! Hay naku patigilin mo yan sa pag-iyak at naririndi na ako! Ibabato ko yan sa labas ng bintana sa liit niya tiyak swak siya diyan!" Atungal ko.

Bahagya itong sinipat ni Rex mula sa rearview mirror.

Sinipat ko din ito saaka ko lamang napansin na maganda pala siya makapal ang kilay nito na halatang hindi man lang nakatikim na maahitan, bilugan ang mga mata at matangos ang ilong na binagayan ng makapal na labi gaya ng kay Angelina Jolie! Ang kaso gupit lalaki ang kulot at maiksi nitong buhok.

"Pasayloa lang ning akong amigo, ingon ana ra siya kung nagkagusto siya sa usa kababaye." (Pagpasensyanhan mo itong kaibigan ko ha ganyan lang siya kapag gusto niya ang babae.) Malumanay na saad ni Rex.

Tumango naman ang babaeng-lalaki saka ako sinipat ng tingin mula sa rearview mirror kaya nag-iwas ako agad.

Mga ilang minuto rin ang lumipas at hindi ko na ito narinig na umiiyak kaya limingon ako sa likurang bahagi ng truck nakaramdam ako ng awa kasi nakatulog siya habang yakap niya ang basket na puno pa ng mga paninda niyang bananaque. Maluwag na t shirt at shorts na panglalaki ang suot-suot niya. Sino kaya ang mga lalaking yon na humabol sa kanya kanina?

"Nadurog din ba ang puso mo? Nakakaawa ang mga babae diba."

Natawa ako. "Nakakaawa ka diyan e sila nga ang kahinaan ng mga lalaki diba. Kahit pa siguro Demonyo napapa-amo nila. Ang sabihin mo nakakatakot sila! Sila ang kaninaan ng mga gaya natin. Once you get in touch with them you can never let go."

"Lalim ah bakit may naging syota ka na ba dati ha?"

"Ha ha ha si Dante lang yung kaliwa't kanan ang mga babae nu mukha lang akong m@nyak pero good boy 'to- maiba ako ano nga bang sinabi mo sa kanya kanina?"

Ngumisi si Rex. "Sinabi ko na babayaran mo na lang yung mga bananaque niya kaya wag na siyang umiyak... kaya ayan natulog na lang."

"Ah okay. Masarap naman yung bananaque niya eh. Wag mong sabihing iuuwe natin yang babaeng-lalaki na yan?"

"Alam mo ba kung saan siya nakatira ha Roger?"

"Hindi."

"O di iuuwi natin siya." Ang dali kausap ni Rex sabagay baka normal na lang yon sa matatalinong tao.

***

Victoria's POV

Narinig ko ang ugong ng Truck kaya tinanaw ko ito. Bumaba si Roger mula sa loob para buksan ang gate para maipasok sa bakuran anmin ang L300 Truck.

"Hi, Misis!" Kaway sa akin ni Rex ng maiparada na ang Truck. "Nasaan si Dante?" Tanong nito ng makababa na.

"Nasa taniman." Sagot ko. Napako ang tingin ko kay Roger na naglakad papunta sa likod ng Truck mula sa tinted na bintana ay sinipat ko kung may tao ba sa loob non.

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon