KABANATA 91

264 12 0
                                    

Roanne's POV

Abala ang lahat maging sina Kuya Xeed at Danica, Macbeth at Monina talagang todo sila sa pag-ayos ng malaking bakanteng lugar ng Tierra de Alas dahil dito gaganapin ang 18th Birthday ko at mamayang gabi na iyon.

“Ate Roanne! Bakit andito ka?”  Tanong ni Monina.

“Gusto kong tumulong sa inyo eh.”

“Naku wag na dapat andun kamlang sa inyo kasi mamaya darating na yung makeup artist na mag-aayos sayo.”  Nakangiting turan ni Macbeth.

“M-makeup artist?”

“Oo, Roanne dahil 18th Birthday mo at minsan lang ito mangyari kaya talagang pinaghandaan nila Tito Dante at Tita Victoria ang Birthday mo at syempre magpapahuli ba ang Prince charming mo.”. Abot taingang ngiti ni Danica.

“D-Danica?”

“Wag mo nang itago alam naman namin eh halata kaya.”  Si Macbeth sabay yakap sa akin.  “Ang mahal ng regalo sayo ni Tito Gavin eh.”

“Ha? M-meron siyang r-regalo sa akin?”

Bumaba si Monina mula sa tinutungtungang banko.  “Oo Ate One meron! Para sinagot lang niya lahat ng handa at gagastusin sa debut mo at pati yung makeup artist sagot din niya saka nakita mo na ba yung isusuot mo mamaya?”

“I-isusuot? H-hindi pa eh.”

Nagpalitan ng tingin ang tatlo saka sabay-sabay na tumili kaya kanya-kanyang lingon sa amin ang mga tao na binayaran nila Papa para tumulong sa pag-aayos pero ang masnakakuha ng atensyon ko ay si Gavin na naka-topless habang buhat-buhat ang pagkarami-raming monoblock chair. Kinilig ako ng ngumiti siya sa akin sabay punas ng mga pawis.

“Hoy! Tito Gavin magdamit ka kaya ang sagwa kasi mamaya darating na yung  Catering at maraming Babae dun noh tapos binabalandra nyo yang abs nyo naku ha! Birthday pa naman ngayon ni Ate One!” Sabay irap ni Monina kay Gavin kaya nagtawanan kami pero hindi ako bumawi ng tingin sa direksyon niya, sumunod naman siya sa sinabi ni Monina kinuha niya mula sa pagkakaipit sa sinturon niya ang t-shirt saka isinuot grabeh ang abs niya ulam na ulam na talaga!

“Aba, pinagpapantasyahan mo na agad so Tito Gavin ha.” Buska ni Kuya Xeed sabay tulak sa akin kaya natumba ako buti na lamang at nasalo ako ng isa sa mga taong tumutulong sa paghahanda.

“Naku! Sorry One!”  Agad naman akong hinila ni Kuya Xeed para makatayo ako ng maayos.

Sige ang pagpag ko sa suot kong pambahay na short ng may nagsalita kaya todo bungisngis ang apat.

“Ayos ka lang ba, Roanne?”  Wow yun ang boses na musika sa pandinig ko nilibgon ko siya agad sabay hawi ko sa mga kamay ni Kuya Xeed.

“Oo naman a-ayos lang ako, Tito.”

“Birthday mo ngayon dapat andun ka lang sa inyo araw mo ngayon Roanne, kami na ang bahala sa lahat. Mamaya magdadstingan na ang mga bisita.”

“Bisita? S-sinu-sino?”

“Mga kaklase mo syempre at mga Teacher saka yung ibang nalalapit sayo.” Sagot ni Macbeth.

“Ah, ganun o di pupunta din pala si Jerick.”

“Oo naman invited nga siya ayun siya oh tumutulong kay Tito Dante sa paglilitson.”  Turo ni Kuya Xeed.

“Aba talagang si Jerick agad ang nasa isip mo ah.”

“Oo naman Danica kasi minsan nakakalibre ako ng sakay sa habal-habal niya eh.”

Tumikhim si Tito Gavin kaya natigilan ako sa pagsasalita.  “Pumasok ka na sa loob ng bahay nyo ipag-iigib na kita ng pampaligo mo saka ka na lumapit sa Jerick na yun kapag luto na ang Letchon.”. Seryosong turan niya saka siya naunang humakbang papunta sa Kubo namin para kunin ang mga timba.

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon