KABANATA 34

298 12 1
                                    

Victoria's POV

Napatitig ako sa malapad na likuran ng lalaking si Remus habang marahan itong naglalakad palapit kay Dante. Bawat hakbang nito talagang makapigil hininga. Totoo kaya ang sinasabi ng lalaking may hawak sa akin ngayon na kinatatakutan si Remus ang Payaso?

"ANG KULIT MO AH!!!" Hataw ni Roger sa hawak na mahabang combat knife sapul sa leeg ang kalaban nito lumipad sa ere ang ulo nito kasabay ng pagbulwak ng dugo mula sa naiwang bahagi ng katawan pagbagsak nun sa sahig isang musika ang humalo sa ingay.

Natigilan kaming lahat maging si Remus huminto sa paghakbang.

🎶 It's my life it's now or never...
I ain't gonna live forever...
I just wanna live while I'm alive...
It's my life!🎶

Paulit-ulit itong tumugtog kaya natawa si Remus.

"Wow. Talaga? Sayo ba iyon, Bata?" Tukoy nito kay Roger na agad umiling.

"Hindi ah! Diyan kaya yun sa pugot na ulo na yan! Baka may tumatawag girlfriend ata niyan, yari ka dun!" Taas kilay na sagot ni Roger na lalong nagpatawa ka Remus.

"Talaga bang kayo ang mga Alas?"

"Bakit ano ba kami sa tingin mo, Manong?" Matapang na sagot ni Rex bago nito l@slasin ang lalamunan ng kalaban saka iyon hinagis at humakbang palapit kay Dante. Ganon din si Gavin bin*gti muna nito ang mga natitirang kalaban gamit ang lubid bago daluhan si Dante.

"Matapang ka Bata." Sita ni Remus.

"Ibigay mo na sa amin si Misis para wala ng gulo!" Sabat ni Gavin.

"Misis? Akala ko ba kay Dante yang Babaeng yan eh bakit nakiki-misis ka?"

"Pakialam mo bang Payaso ka! E sa Misis ang gusto naming itawag sa kanya eh saka okay lang naman kay Dante. Diba Pare?"

Dahan-dahang tumayo si Dante habang sige ang iling sa katwiran ni Roger.

"Tumahimik ka na lang Roger nagmumukha tayong ewan sa katwiran mo eh." Saway ni Dante. Masaya akong makita na ayos lang siya kahit puro na siya dugo mula sa mga nakasagupa niya.

Baling sita kay Remus. "Ubos na ang mga tauhan mo. Ibalik mo sa akin ang Asawa ko at palalampasin ko ang ginawa mo sa kanya."

"Talaga? Dapat ba akong matakot?" Nilingon ako nito. "Maganda ang Misis mo tingin mo ba sasayangin ko ang pagkakataon na maik@ma siya kapag tinod@s na kita. Isa pa hindi mo pa nga sinasagot ang tanong ko. Tungkol sa batang Dela Faz!"

Itinaas ni Dante ang kamaong may hawak ng kadena. "Wala kang makukuhang sagot sa akin! Kung ayaw mong ibigay ng maayos ang Misis ko o di kukunin ko siya sa paraang alam ko!"

"Okay! Pagbibigyan kita. Kapag natalo kita magiging par*usan ko ang Misis mo pwede ring pal*hian tiyak maganda ang lahi niyan bukod sa maputi na eh talagang hitik na hitik ang dibdib."

"T@R*NTADO KA!!!" Sigaw ni Dante sabay sugod kay Remus habang sige ang tugtog ng musika ni Bon Jovi.

Sa unang pakawala pa lang ni Dante ng suntok buong akala ko ay tutumba na si Remus dahil tinamaan ito ayun pala ay sinadya niyang salagin ng kamao nito. Napigil ko ang hininga ko ng umangat sa ere ang kanang kamao ni Remus saka iyon mabilis na puminit sa hangin.

"DANTE!!!!" Sigaw ko ng tamaan sa panga ang Asawa ko. Mukhang nayanig siya. Dalawang hakbang paatras ang ginawa nito saka muling sumugod.

Sige lang ang iwas ni Remus sa kada bitaw ni Dante ng mabibigat niyang suntok.

"Misis ni Dante. Panoorin mo ang malaking agwat ng Payaso at ng Alas. Ayokong mapahamak si Dante kaso ang misyon ay misyon isa pa ayaw niyang ilaglag kung nasaan ang batang Dela Faz. pasalamat pa si Dante dahil nagpipigil lang si Remus."

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon