Dante's POV
Isinuot ko ang helmet ko habang palapit sa nakaparada kong Motor katabi ng Motor ng mga kasama ko.
"Bigatin na talaga si Stacey ano mga Pare." Untag ni Roger habang nagsuot ng Helmet.
"Ganun talaga pag maganda nakakakuha ng matabang isda saka ang pagkakaalam ko maraming Babae ang isang yan kahit Kasal siya sa Asawa niya at may mga Anak sila. Sabagay e kung ganyan naman kasi ang aaligid sa'yo syempre matutukso ka talagang gumastos ng Pera maikama lang diba." Saad ni Rex.
"Wala akong pakialam kahit ilang Lalaki ang nakarelasyon niya matagal na kaming wala. Tapusin na natin ang trabaho gusto ko ng makita ang Misis ko."
"Wow don't tell me na in love ka na sa Misis mo ha Pare!" Masayang turan ni Gavin sabay start ng Motor nito.
Tumawa ako. "Ako ni love? Ang Bata pa ni Victoria at malayo siya sa tipo kong Babae."
"Talaga? E bakit excited kang umuwi saka bakit pinamkha mo pa sa ex mo ang tungkol sa Misis mo kung wala lang higit sa lahat alalahanin mong Bata pa si Mare e maganda na at take note hindi pa yan nag-aayos diba come to think of it paano kung mag-debute yan sige nga Dante anong gagawin mo ha e sa hubog pa lang ng Katawan palaban na ganun din sa mukha at sigurado namang v!rgin pa yung Misis mo! Hay swerte mo naman!"
Kahit naka-upo na ko sa Motor ko ay nagawa ko pa ring abutin si Gavin para batukan. "Watch your tongue loverboy Misis ko yung tinutukoy mo kahit kaibigan kita hindi kita sasantuhin padadaanin ko sa pagitan ng mga mata mo ang bala ko kuha mo."
Tumawa ng malakas si Gavin saka ako pabirong sinuntok. "Don't worry Pare alam naming off limit si Misis mo sinabi ko lang yon kasi yon yung totoo."
Bumusina ang isa sa mga mamahaling Sasakyan na eeskurtan namin ibig sabihin Oras na para lumarga.
***
Victoria's POV
Hala ano ng gagawin ko nalinis ko ng lahat ng pinagkainan namin pati Bahay nilinis ko na din kailangan ko ba talagang magluto? Napatitig ako sa wall clock na nakasabit sa pinaka gitna ng living room hala malapit na palang mag-five ng hapon ang alam ko tuwing five nag-umpisang magluto sila Manang para sa pang hapunan kaso paano ko naman sisimulan magluto? Napakamot ako buhok ko at pabagsak na umupo sa couch tiyak na magagalit ang Kapre na yon kapag wala akong maipapakain sa kanya e kahit nga magsaing hindi ako marunong eh pano na?
Muling kumalam ang sikmura ko kaya kinain ko ang natirang McChicken naiiyak ako habang ngumunguya ganito pala ang pakiramdam ng nagugutom ni minsan hindi ako nakaranas ng gutom kaya nakakapanibago marami namang stock sa ref si Dante maging sa kitchen cabinet niya ang kaso lang talagang lahat 'yon kailangan lutuin eh. Kulang sa akin ang kinain ko kaya nagtungo ako sa kusina at pumatong sa upuan para makita kung Meron man lang siyang stock ng mga cup noodles man lang panglaman tiyan kaso bigo ako sunod-sunod ang tulo ng mga luha ko baka hindi mahilig sa instant noodles si Dante. maingat akong bumaba ibinalik ko sa tamang pwesto ang upuan na ginamit ko saka ako nagtungo sa couch sige ang iyak ko naalala ko tuloy si Papa siguro kung Buhay pa ito baka hindi ako nagugutom ngayon.
Humiga ako sa malambot na couch itutulog ko na lang muna ang gutom ko sana bumalik agad si Dante.
***
"Dante, wait!" Nilingon ko ito. Tinaas ko ang salamin ng suot kong helmet para mas lalo ko itong makita.
Hindi ako kumibo habang sakay ako ng Motor ko.
"Ammm nadeposit ko na sa Bank Account nyo yung bayad and c-can I dropped by in you place sometimes."
Matagal ko itong tinitigan. Oo minahal ko siya pero dati 'yon ang tagal kong nabaliw sa kanya pero ayos na din na lumabas ang tunay nitong kulay lhit paano hindi ako tuluyang naging t@nga.
"May memory gap ka na ba, Stacey?" Walang gana kong turan.
Kita sa ekspresyon nito na naguluhan ito sa sinabi ko pero sinikap pa rin nitong ngumiti. "O-okay pa naman ang utak ko saka b-bakit mo naman naitanong?"
"May Asawa na akong tao kaya bakit ka pa pupunta sa Bahay ko. Diba sinabi ko kanina na Kasal na ako at ayokong masira kami kung iniisip mo ang mga gamit mo na naiwan well ibinasura ko na lahat gaya mo. Don't ever show your face to my Wife." Bigay babala ko saka ko pinaharurot palayo ang Motor ko.
***
Ginabi na ako. Dumaan muna ako sa 7/eleven para bumili ng mainit na siopao pang midnight snack namin ni Misis. Ano kayang niluto niya? Excited na akong umuwi.
Hindi daw lumabas ng Unit si Victoria Sabi ni Manong Guard. Pinarada ko ng maayos ang Motor ko bago ko sinipat ang bintana ng Unit ko baka tulog na siya kasi madilim.
Sisipul-sipol pa ako habang nasa elevator. Huminto ito sa ikalimang palapag kung nasaan ang Unit ko inilang hakbang ko lamang ang pinto marahan kong sinusian ang doorknob saka ko iyon bahagyang tinulak makarinig ako ng iyak kaya agad kong binuksan ang ilaw.
"Sh*t, Victoria!?" Tawag ko sa pangalan ng Misis ko.
"D-Dante? B-bakit ang tagal mo? Nagugutom na ako eh." Bumangon ito mula sa couch at humagulhol ng iyak.
Napailing ako sabay sara at lock ko ng pinto. "What? Hindi ka pa kumain? Hindi ka ba nagluto?"
Umiling ito. "Hindi naman ako marunong magluto eh saka wala ka man lang cup noodles lahat raw foods nagugutom na talaga ako— ano yang dala mo?"
"Siopao. Buti na lang pala at bumili ako." Umupo muna ako sa sulyang nasa gilid ng pinto para magtanggal ng mga sapatos ko ayoko kasi ng diretso pasok Lalo at kung saan-saan ko nilakad itong mga sapatos ko.
Dali-daling lumapit sa akin ang Misis ko para kunin ang paper bag na naglalaman ng siopao sabay punas ng mga luha nito.
"Pwede akin na lang yung Isa?"
Natawa ako sa tanong nito lalo na sa itsura nito sabagay bata pa naman kasi siya kaya ang cute ng dating ng tanong nito.
"Kahit ubusin mo pa 'yan."
"Talaga? Sige kakainin ko talaga ito lahat." Sagot nito.
Tumayo ako pagkatapos kong itabi sa shoe rack ang ginamit kong sapatos. "Takaw ng Bata."
Ngumuso ito. "Talaga! Sabi mo babalik ka kaagad eh Anong oras na alas-dose na ng gabi at kanina pa ako nagugutom!"
Umiling na lamang ako sa halip na sumagot saka ako nagtungo sa kusina para magluto. Wow ha sa pagkakaalam ko hired k!ller ako e hindi kusinero. Naghugas ako ng kamay ko bago ko sinilip ang Misis ko na hindi magkandatoto sa paglagay ng sauce sa mainit na siopao.
"Anong gusto mong ulam?"
Nilingon ako nito. "Adobong Manok."
Napangiti ako. "Okay. Adobong Manok will be serve in a minute— nagsaing ka ba?"
"Hindi nga ako marunong eh." Sagot nito habang nanguya.
Dapat naiinis ako ngayon kasi pagod na ako sa trabaho pero heto ako at ipagluluto pa siya ng Adobo at magsasaing na din pala.

BINABASA MO ANG
Dante
AksiPROLOGUE "Ano ng gagawin natin sa isang ito?" Tukoy ni Gavin sa Subject namin. Tinitigan ko ang walang buhay na katawan ng negosyanteng pin@tay namin. "Eh kung pugut@n na lang natin ng ulo para masmasaya!" Sabat ni Roger na mukhang tuwang-tuwa sa n...