KABANATA 85

213 11 1
                                    

Pagkalipas ng 18 taon…

Roanne’s POV

“Ang bagal n’yo naman bilis-bilisan nyo naman nakakahiya kay Tito Gavin talagang sinundo pa niya tayo dito para lang ihatid sa school.”  Tawag ni Kuya Xeed habang walang humpay sa kakapalo ng batingaw niyang kaldero ganito lagi ang set up namin kada umaga laging si Kuya ang taga tawag sa amin.

Nagmamadali akong nagsuot ng sapatos ko kamuntik pa akong madapa lalo ng makita ko si Tito Gavin na nakasandal sa L300 truck van namin hindi ko din alam kung bakit pero talagang iba ang dating ni Tito Gavin sa pagkakaalala ko sabi ni Mama noong Baby pa ako kapag pumapalahaw daw ako ng iyak si Tito Gavin lang daw ang sagot sa maktol ko at kapag hawak na niya ako automatic daw na tumitigil ako at walang imik lang daw akong nakatitig sa kanya.

“Roanne yung baon mo?”  Habol ni Mama.

“Meron na po. Meron na din po akong pera.”  Saka ako bumalik para halikan sa pisngi ang Mama kong maganda!

Tinodo na ni Kuya Xeed ang paghampas sa batingaw niya.

“Naku, sige na po sakay na po ako sa truck mukhang imbyerna na naman si Kuya eh.”

“Sige. Ang babagal nyo nga naman kasi eh. Aral mabuti, Anak.”

“Opo. Mama!”  Saka ako nagmamadaling tumakbo sa direksyon ng truck kaso nawala ang excitement ko ng mapansin kong busy sa cellphone si Tito Gavin baka yung bruhang Penelope na naman at lumalandi sa future husband ko! Nakakaasar.

Padabog kong binuksan at sinara ang pinto ng truck para maagaw ko ang atensyon ni Tito Gavin na siyang nangyari dahil sumilip siya sa loob ng truck.

“Goodmorning, akala ko si Monina. Ummm lakasan ko ba ang aircon?”  Nakangiting tanong ni Tito Gavin pero hindi ako sumagot.

“Okay tingin ko lalakasan ko na lang mukhang mainit yata ang ulo mo eh.”  May himig pagbibiro ang tono niya na lalong nagpapakilig sa katawang lupa ko.

Isa-isa ng nagtakbuhan papasok sa truck sina Danica, Macbeth at si Monina na kontodo ang bilis ng pagtakbo paano natatakot siyang maunahan ni Kuya Xeed dahil magbabayad siya ng 10 pesos bilang multa dahil nahuli siya, napagkasunduan kasi namin iyon at magiging pondo namin iyon sa darating na pasko at si Monina ang pinakamalaki ang ambag sa pondo namin dahil sa pagiging late.

“Ano ba yan ang bantot mo na oh para kang naligo sa pawis!”  Puna ni Macbeth sabay kuha ng panyo at pinunas sa mukha ang leeg ni Monina.

“Ikaw kaya ang tumakbo, Ate Mac.”

Nagtawanan kami paano naman hawak pa niya ang sapatos niya talagang tumakbo siya na nakayapak lang sa takot niyang mabawasan na naman ang baon niya.

“Pwede naman kasi nagbayad ka na lang ng 10 pesos diba.”  Singit ni Kuya Xeed na umupo sa passengers seat sa tabi ni Tito Gavin.

Ngumuso si Minona.  “Hindi ako nagbaon ng pera kaya wala akong ibabayad sayo Kuya.”

Lumingon si Kuya Xeed.  “Whew e anong baon mo?”

Pinagpag ni Monina ang mga paa saka nagsuot ng medyas at sapatos.  “Kamote.”

“Kamote? Talaga? Buti hindi ka inaasar ng kaklase mo.”

“Bakit naman nila ako aasarin, Ate Danica.”

“Kasi wala kang baong pera.”  Simpleng sagot ni Macbeth.

Umayos ng pagkakaupo si Monina.  “O e ano naman kung Kamote ang binaon ko isa pa hindi naman masustansya yung mga binebenta sa canteen natin tapos ang mahal pa! Saka tanim ‘to nila Papa kaya siguradong masarap at masustansya ito noh.”

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon