Victoria's POV
Nagtungo kami sa Department store at tama nga si Dante dahil ang daming uniform ang naka-display sa bawat booth iba't-ibang klase pa.
"Ganito ang kulay ng palda n'yo." Ipinakita nito sa akin ang hawak kulay navy blue iyon. "O tignan mo muna kung saktong hanggang tuhod ang haba- size 26 ang bewang mo diba, Misis ko."
"Oo." Sagot ko habang abala ito kakakalkal ng mga palda para humanap ng size 26.
Wala akong masabi sa paraan ng pagtrato nito sa akin bilang Asawa niya talagang Buhay Prinsesa ako at hands on din siya sa mga pangangailangan ko- siguro dahil nakapangako siya kay Papa.
"Oh, heto bale limang palda at blouse para hindi ka laba ng laba ang speaking of laba mamaya manood ka sa akin kung paano maglaba ha para kapag wala ako sa Bahay alam mo naman ang trabaho ko diba Misis ko."
Tumango ako.
"E makakapaglaba ka na kahit Ikaw lang at tuturuan na din kitang magluto at magsaing sakto dahil bumili ako ng cookbook yung mga lutong-bahay lang naman na recipe kaya madali na lang 'yon- ano pa ba?"
Saglit itong nag-isip. "Marunong ka namang maglinis ng Bahay Tama."
"Oo. Hindi lang ako marunong magluto at maglaba pati magplantsya." Nahihiyang sambit ko maraming tao kaya maraming nakakarinig sa pinag-uusapan naming dalawa. Hindi nakaligtas sa akin kung paano tignan ng ibang mga namimili dahil sa isinagot ko kay Dante, siguradong iniisip nilang wala akong Asawa pero anong gagawin ko eh sa hindi naman talaga ako marunong ng mga yun eh.
"Okay na yun kesa wala kang alam gawin and tuturuan naman kita, here sukat mo muna sa fitting room lahat baka kasi maliit o kaya masyadong malaki."
Kinuha ko ang mga napili nitong uniform saka ako pumila sa fitting room medyo may kahabaan ang pila sa di ng mga Babaeng kaedaran ko na nakapwesto sa unahan ko. Bahagya kaming sinusulyapan ng mga ito lalo na si Dante tapos nagbubulungan sila kaya napanguso ako buti na lamang at sa papel lang kami mag-asawa nitong kasama ko pano kahit saan kami magpunta eh talagang agaw pansin ito. Tumaas ang kilay ko ng may kumuha ng stolen shot kay Dante habang seryoso itong nag-i-scroll sa cellphone nito. Sa halip na mahiya sa akin ang mga babaeng yun eh aba at tinarayan pa talaga ako! The nerve!
I was stunned when Dante bent over and whispered to my ear.
"Dito ka lang muna Misis ko may tingnan lang ako."
I turned around and faced him with my voice stammering "Ha! I-iwanan mo ako dito?"
He chuckled a bit. "Don't worry Wife hindi kita iiwan dito may titingnan lang ako okay."
Kinuha nito ang wallet at binigay sa akin, kinuha lang nito ang American express card niya saka humalik sa pisngi ko para akong napako sa kinatatayuan ko hindi ko inaasahan na gagawin niya yon.
"Don't get jealous okay kanina ka pa kasi nakanguso. Makikita lang nila ako pero may damit ikaw lang ang pwedeng makakita sa birthday suit ko." Sabay tawa nito bago ako tuluyang iwanan.
Naiiling na hinabol ko na lang ito ng tingin. Natuon ang pansin ko sa wallet nito ano kayang mga laman non, tutal mahaba pa naman ang pila at wala namang masama kung tingnan ko ang wallet ng Asawa ko. Unang buklat pa lang ay napanganga na ako Meron akong litrato noong nag-enroll kami ibig sabihin kinunan niya ako ng palihim. Pangalawang buklat namangha ako sa dami ng Pera nito at puro tig-isang libo lahat! May nahulog mula sa wallet nito na agad ko namang dinampot ano kaya ito? Maliit lamang ito at silyado parang chewing gum ang dating binasa ko ang nakasulat dito.
"C*ndom? Ano kaya ito?" Inikot ko ang hawak kong maliit na pakete saka ko binasa ang nakasulat sa likod nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang picture kung para saan at kung paano ito ginagamit dali-dali kong binalik sa loob ng wallet ni Dante ang c*ndom saka ako pailing-iling pano naiisip ko siya sa birthday suit niya! Magkakasya ba yon sa kanya? Diyos ko Victoria masyado ka pang Bata para pagn@sahan ang Asawa mo ha! Hala baka ginagamit niya 'yon sa ex niya! Nakaramdam ako ng inis sabagay eh may mga gamit nga sa Unit namin ang Babaeng yon eh what do I expect syempre ginagawa nila 'yon, akala ng Kapre na 'yon magagawa niya sa akin yung ginagawa niya sa ex niya well mangarap na lang siya!
Malapit na ako sa pinto ng fitting room ng bumalik si Dante may bitbit na itong malaking LV paper bag at isang maliit na paper bag na kulay puti at may disenyo na apple. Nakangiti itong lumapit sa akin saka ako niyakap ni hindi ko na nagawa pang magsalita lalo ng iabot niya sa akin ang mga dala niya.
"For my cute Wife."
"D-Dante talagang sineryoso mo yung LV bag- hindi ko naman kailangan ng ganito kamahal na bag eh isa pa sa Public schools ako mag-aaral kaya hindi dapat ganito ang binili mo sa akin-."
"At ano naman sa palagay mo ang dapat kong bilhin ha? Know what? I have money I saved it para gastusin sa tamang tao. And I want to give you things that you get used to masama ba 'yon."
"Wow nakakakilig naman ang swerte mo Ate sa Mister mo. Yung akin naku never ata akong binilhan nun kahit paper bag man lang nakakainggit talagang LV at iPhone. Swerte!" Singit nito sa usapan naming dalawa ni Dante.
Inakbayan ako ni Dante bago ito nagpasalamat sa nagkumento sa usapan namin. Talaga bang ganito siya kung trumato ng Babaeng karelasyon niya? Siguro yung ex niya sunod ang mga luho nun pano napakagalanti naman kasi ng isang 'to.
Tahimik kong sinukat ang mga napailing uniform ni Dante at lahat naman halos ay sakto lang sa Katawan ko medyo nakaramdam ako ng kilig ng maisip kong alam nito ang sukat ko o baka talagang tinandaan niya. Muli kong ibinalik ang suot kong Dress saka ako lumabas ng fitting room bitbit ang mga uniforms ko.
Agad na kinuha ni Dante ang hawak kong uniforms habang hawak nito ang dalawang paper bag sa kaliwang kamay nito.
"Tara bayaran na natin sa Counter para sapatos naman tapos kakain na muna tayo bago tayo umuwi sa ibang araw na lang kita ipapasyal may mga lalabahan pa ako eh mahirap ng maubusan ka ng p@nty magkatabi pa naman tayo matulog baka ginawin ka at- aray!". Reklamo nito ng tapakan ko ang kanang paa nito saktong nakatsinelas lang ito kaya iika-ika ang loko! Kala niya ha.
BINABASA MO ANG
Dante
ActionPROLOGUE "Ano ng gagawin natin sa isang ito?" Tukoy ni Gavin sa Subject namin. Tinitigan ko ang walang buhay na katawan ng negosyanteng pin@tay namin. "Eh kung pugut@n na lang natin ng ulo para masmasaya!" Sabat ni Roger na mukhang tuwang-tuwa sa n...