KABANATA 77

331 10 4
                                    

Dante's POV

Isang linggo na rin simula ng manalo sa kado si Daisy laban sa ex ni na Ama ni Baby Xeed at sa awa ni Lord hindi na nga sila naglakas loob pa na lumapit sa teritoryo namin simula ng matalo sila, kumalat din sa buong bayan ang tungkol sa amin kaya parang instant Celebrity kaming anim talagang nauubos ang mga paninda namin pati si Marcus nagtitinda na din sa pwesto namin sa Palengke tutal malakas ang pwesto namin kaya napagkasunduan namin na bilhin na lang ito sa may-ari na pumayag naman sa presyong binigay namin hindi na rin siya lugi dun at sana naman mapalago pa niya iyon kung sakaling magne-negosyo din sila ng pamilya niya. Speaking of Attorney Erosio Cru hinatid namin siya pagkatapos niyang kumain ng panang halian ang kaso sa yaman niyang iyon talagang ipinabalot pa niya ang natirang adobong pusit babaunin daw niya masarap daw kasi ang pagkakaluto at syempre luto iyon ni Caridad kaso si Misis e kung hindi matabang e sobrang alat naman kaso bawal magreklamo kung ayaw kong outside the kulambo ako!

Si Marcus at si Gavin ang kasama ko ngayon dito sa ‘Tierra de Alas Fructus et Legumina Copia’ salitan kaming anim para merong maiiwan sa mga Babae mahirap na dahil dalawa ang buntis namin bumili na rin kami ng Pickup truck para kung sakaling may emergency eh madadala agad sa Ospital ang pasyente namin. Unti-unti ng natutupad yung pagbabagong buhay namin ilang buwan na lang at manganganak na si Misis kaso ayaw niyang magpa-ultrasound para daw surprised kaya tuloy tuwing gabi kapag malalim na ang tulog niya eh kinakausap ko si Baby na lumabas na at excited na talaga akong malaman kung Babae o Lalaki siya.

Naagaw ang pansin ko ng bumalik si Marcus sabi kasi niya may bibilhin lang daw siya para kay Beth.

“Ano yan?”  Tukoy ko sa papel na hawak niya.

Ngumiti siya. Matino naman kausap si Marcus kaso may oras na natutulala siya at minsa sa gabi sumisigaw siya kaya nagihising kami damay-damay na talaga sa puyatan. Sabi ni Kuya Remus napapanaginipan daw kasi ni Marcus kung paano namatay si Doña Maria kaya ganun siya kapag sinusumpong may oras naman na napakatahimik lang niya at may oras naman naakulit siya pero hindi ko pa siya nakikitang nagalit kahit makukulit ang mga nakapalibot sa kanya. Hmmm paano kaya siya magalit?

“Form.”  Maiksing sagot nito.

Lumapit naman si Gavin sa kanya para basahin ang hawak nito.  “Form para sa magaganap na Kasalang Bayan sa buwan ng September sa katapusan yan— teka September ngayon ah.”

Lumapit na rin ako sa dalawa tutal nakapagligpit na rin kami ng mga paninda namin oras na para umuwi tapos balik uli mamayang hapon.

“Anong gagawin mo naman diyan ha Marcus?”

“Pakakasalan ko si Beth tutal may nangyayari na sa amin gusto kong apilyedo ko ang dadalhin ng magiging Anak namin sakaling mabuntis ko siya. Diba tama naman ako sa desisyon ko?”

Nagkatinginan kami ni Gavin alam naman namin na may nangyayari na sa kanila pero hindi namin  expected na siseryosohin niya si Beth dahil kailan lang sila nagkakilala at sa itsura ni Marcus makakahanap pa siya ng Babaeng hihigit pa kay Beth.

Tumango ako.  “Tama naman pero bakit si Beth?”

Bahagyang napangiti si Marcus sa tanong ko.  “Komportable ako sa kanya alam kong hindi siya kagandahan gaya ni Victoria o ni Mona at ni Daisy at syempre ni Caridad pero masaya akong kasama siya saka gusto kong bumuo ng pamilya kasama siya ummm hindi naman siguro masama yung gusto kong mangyari diba.”

“Hindi ang totoo nga niyan eh nakakabilib ka basta kung saan ka masaya susuportahan ka namin kaso inalok mo na ba siya ng kasal?”

“Hindi pa nga, Vin. Gusto ko sanang sorpresa lang baka kasi bigla niya akong tanggihan.”

“Ha? Sorpresa? E paano kung dun sa venue ka niya tanggihan?” 

Ngumisi si Marcus.  “Kaya nga kumuha ako ng limang form para hindi ako nag-iisa kaso Vin walang para sayo kasi wala ka namang jowa diba.”

Natawa ako sa sinabi ni Marcus kaya dumeretso na lang sa likod ng L300 truck van si Gavin.

“Ha ha lakas makatawa, Dante ah. Tara na nga uwi na tayo nagugutom na rin ako eh.”

Humabol si Marcus pero sa passengers seat siya umupo.  “Naku wag ka ng magalit Vin pwede naman daw nating ipa-xerox itong form eh para pwede ka ding sumali sa Kasalang Bayan.”  Saad nito.

Sumakay na rin ako sa truck ako ang magmamaneho kaya sa gawi ako ng drivers seat umupo.  “Naku wag mo ng pag-aksayahan pa yang si Vin mukhang wala pang balak yan lumagay sa tahimik baka nagbabalak pa yan magpaiyak ng maraming Babae.”

“Naku, bad yon Vin! Makakarma ka non dapat isang Babae lang bawal marami.”

“Naniwala ka naman sa Dante na yan ha. Hindi ako Babaero for your information lang Marcus hindi ako nagmamadaling matali okay saka darating din ako sa ganyan baka hindi pa lang talaga ngayon—.”

Naputol ang sasabihin nito ng biglang nagsalita si Marcus kaya natawa na naman ako talagang sinasabi niya kung ano ang nasa isipan niya hindi siya marunong magsinungaling napakapuro ni Marcus at maswerte si Beth dahil nakabinwit siya ng gaya niya.

“Hoy! Bakla ka dyan ako? Lalaking-lalaki ako! Basta hindi lang talaga ako nagmamadali e.”  Bara ni Gavin sa sinabi ni Marcus na baka Bakla siya at lalaki din ang gusto minsan naisip ko din yon kaso mukhang wala pa talaga yung para sa kanya kaya talagang antay to the max itong si Gavin.

“O di hindi ka na bakla grabe maka ‘hoy’ sa akin.” 

“Ikaw naman kasi ang daming pwedeng sabihin yun pa. Basta lalaki ako nagkataon lang na ayokong sayangin yung t@mod ko sa kung sino-sinong Babae. Magdrive ka na nga lang diyan Dante baka kung ano pang itanong niyang katabi mo eh.”  Atungal nito sabay higa sa upuan ng L300 truck.

“Nagalit ata.”  Bulong ni Marcus.

“Hindi yan galit talagang nagugutom lang siya o basta maya bigyan mo ako ng form ha sorpresahin natin sila.”

Lumaki ang pagkakangiti ni Marcus.  “Sige! Mamaya susukatin ko na katawan ni Beth para ako ng bibili ng susuotin niyang bestida basta daw puti okay na basta pakakasalan ko siya, Dante.”

“Okay. Sabi mo eh.”  Saka ko pinaandar ang truck.

***

Sinalubong ako ni Misis pagdating namin sa Tierra de Alas habang si Beth naman ang sumalubong kay Marcus buto at iniwan niya sa loob ng truck ang form kung hindi siguradong buking ang plano niyang pagpapakasal.

Masarap ang nakahaing pananghalian tulong-tulong kasi ang mga babae sa pagluto pero syempre angat ang luto ni Misis kasi ang alat kaya ako na lang ang umubos madadala naman sa tubig eh.

Nagligpit na ang mga Babae kaya sinamantala namin ang pagkakataon habang si Gavin ang nagbubomba ng poso tutal wala naman siyang jowa na pakakasalan ayon na rin kay Marcus.

Isa-isa kaming binigyan ng form ni Marcus sinagutan ko iyon gustong pakasalan uli si Misis kahit hindi na sa Simbahan ang mahalaga nailantad ko sa mga tao ng siya ang Babaeng pinili kong makasama sa pagtanda ko. Saglit kaming nag-usap tungkol sa plano ni Marcus hanggang ma-set na ang lahat. Ang next step ay ang pagbili ng mga susuotin nilang bestida at iba pang kailangan gaya ng singsing tingin ko dapat magtingin-tingin na kami sa Mall baka sakaling may jewelry shop doon na mabibilhan ng wedding ring.

Excited na ako sa katapusan ng buwan! Magiging Misis Mauro uli si Victoria.











Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon