#1- THE QUIET GUY

36 1 0
                                    

Kasalukuyan kaming nasa classroom at hinihintay ang class adviser namin dahil kinat ang second subject namin dahil katapusan na ng June ay wala pa kaming class officers.

"I now open the nomination for the president" maarteng sabi ni Sir Oni.

Nagtaasan ng kamay ang mga kaklase ko para mag-nominate, syempre ano pa bang gagawin nila?

At dahil kinakain na ko ng sobrang kawalan ng magawa ay nagtaas na ko ng kamay.

"I now close the nomination for president" oha! Taray ng ganap ko dito noh?

May nagtaas ng kamay sa likod ko "I second the motion" he said.

"The nomination is now closed. Let's start voting. Who will vote for Yani?" Si Sir Oni.

Nagkalingunan kami ng katabi ko. "Sino yun?" Tanong niya.

Nagkibit balikat ako. Siya nga hindi niya kilala, ako pa kayang walang paki?

Ako kasi yung tipo ng taong hindi tatandaan ang pangalan ng kung sino-sino, unless it's necessary. Ang mga pangalang tinatandaan ko lang ay yung mga taong kaibigan ko o kaya kinaiinisan ko.

"Who will vote for Ruth?"

Napatingin ako sa payat na nakaupo sa first row, sabay taas ng kamay.

"Ruth is now our class president" announce ni Sir at pinatayo na si Ruth para siya naman magsulat sa black board.

Nag-nominate at botohan pa for VP, Secretary, Treasure, Muse and Escort.

Dumapo sa escort at pinatayo ang mga nanominate.

Tinitigan ko sila isa-isa. Common denominator? Matangkad-

"Wala namang gwapo" bulong ko sa sarili ko.

They ended voting for the tall guy named Renz.

Syempre dahil maganda ako, I was nominated for being the muse and this girl beside me named Abigail.

Bago magbotohan tinaas ko yung kamay ko.

"Ayokong maging muse" sabi ko at umupo. Hindi naman sa choosy ako pero ano- sige na nga choosy na ko.

So natapos ang botohan at nakakatuwang isipin na lahat ng nabotong officer kilala ko. Nakasulat kasi sa black board yung pangalan nila hahahahaha! *tawang bruha* ang talino ko talaga.

But kidding aside, except the muse and escort, the rest are the circle where I belong. Namely; Ruth, the class president; the preacher who doesn't know how to practice it. Walang kwenta.

Mav, the VP; the dancer, sa sobrang hilig sa pagsasayaw basta may tugtog sasayaw yan. Anytime. Anywhere. Shameless.

Joy, the secretary; the love guru, siya ang female version ni Papa dudut.

Antonio, the treasurer; the brainy gay.

Natapos ang botohan at may thirty minutes pa kaming tutunganga dahil wala pang break at may isa pa kaming subject.

Naglalamyerda ang mga classmate ko sa corridor habang ako tunganga lang hanggang sa mapunta ang paningin ko sa isang lalaking mag-isang naka-upo sa left side, first row, second seat.

Napakunot noo ako, sa ilang linggo ko ng pumapasok ay ngayon ko lang siya nakita- or should I say ngayon ko lang siya napansin.

Napatitig ako. Maputi, chinito, but Im not sure about his lips and nose. Nakatukod kasi ang siko niya sa katabing desk, which is walang naka-upo tapos may hawak siyang panyo na nakatakip sa nose at mouth niya.

Weird.

Baka bakla? Iba kasi yung puti niya, parang alagang-alaga. He moved a little, umayos sa pagkakaupo pero hindi inalis yung panyo. Basta lang siyang nakatitig sa black board.

Insensitive.

Halos fifteen minutes ko na yata siyang tinititigan pero parang hindi niya nararamdaman. Ako kasi titigan mo lang ako ng mga five seconds at siguradong lilingunin kita.

"Oy! Tulala ka dyan!" Puna ni Joy at umupo sa katabi kong upuan, blocking my view from that quiet guy.

Inalis ko nalang yung tingin ko at inilabas ang cellphone ko.

"En, ba't ayaw mo mag-muse?" Tanong ni Antonio.

"Ehh. Masyadong-

"Masyado akong maganda para maging muse lang ng classroom!" Pang-gagaya ni Joy sa dapat sasabihin ko.

Natawa nalang ako at sinubukang tignan ulit si quiet guy.

"Tara recess wala si Ma'am Luz" pag-aaya ni Mav.

Bumaba kami sa canteen at nagmeryenda pagkatapos non ay umakyat na kami.

Napataas pa ang kilay ko ng may makitang hawak na c2 si quiet guy.

Baon niya? Inobserbahan ko yung bote. Basa. Ibig sabihin bagong bili.

Eh ba't hindi ko siya nakita sa canteen?

Pinanood ko siya habang hawak ang bote ng c2. Naghihintay na uminom siya para alisin niya yung panyo.

Natapos ang araw ng hindi ko nakikita ang labi niya o kahit manlang marinig ang boses niya.

Weird.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon