Kinabukasan ay nagising ako sa maingay na pagriring ng cellphone ko. Mahapdi ang mata ko ng imulat ko ito at saglit pang napa-isip kung nasaan ako.
Kinapa ko ang cellphone na nakapatong sa lamesa na nasa gilid ng kama.
Nikki calling..
Napanguso ako at nilingon ang nakaka-silaw na liwanag na nagmumula sa labas ng bintana.
Hello?
Hello! Josko! Kanina pa ko tumatawag!
Napa-ungol ako sa tinis ng boses niya at nangunot ang noo ko.
Kakagising ko lang..
Ba't hindi ka pumasok?!
Wala akong klase!
Ay!
Tumawa siya.
Akala ko meron. Sabihin ko sana pati si Henry absent!
Oh?
Kunwaring sabi ko.
Oo! At alam mo ba nasa resort siya! May kasamang babae!
Napanguso ako.
San mo naman nalaman yan?
Sa facebook gaga!
Oh? Ano nakalagay?
It was picture of him tapos sa back ground nandun ung babae. Naka jacket na itim tapos naka-talikod.
Pano mo nalamang babae?
Gaga yung buhok mahaba! Saka nakahiga yung babae, half body naka-kumot. Parang tulog nga eh.
Kachismosa mo! Sinundan ko pa iyon ng tawa.
Gaga! Teka nga.. Nasan ka?!
Nasa bahay! Deretsong sagot ko.
Omg! Hindi ikaw yung kasama niya?
Kakasabi lang di ba?
Ehh kasi yung caption..
What does it say?
Uhmm.. Wait..
Ilang saglit kaming nanahimik.
There.. Ito ang sabi.. I'll keep my smile for you, I'll do everything to make you happy while I have the chance. Hashtag; RestForNowMyPrincess
Hashtag; ThankYouForLettingMeWipeYourTears. Ayun.Napahinga ako.
Eh pano mo nalaman na nasa resort siya?
Nasa status niya. Kaso walang nakatag kung sino yung girl! My gawhd! May iba na siya?!
Natawa ako.
What's the big deal Nikki Minaj?!
Wala I thought it was you..
No. Haha! Gotta go bye
'Di ko na siya pinagsalita at umayos ako ng higa ng bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Henry.
"Wanna go to school for afternoon class?" Tanong niya at umupo sa kama ko.
Napatingin ako cellphone para sa oras. 7am.
"Wala akong pasok eh. Ikaw?" Kibit balikat ko.
"I have my class" he said.
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Teen FictionLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015