Medyo dumalang ang pagpunta ni Carl sa classroom namin dahil nagiging busy na kami sa ibang subject saka isa pa nasa section one yun kaya marami silang priorities.
Pero syempre awat muna sa school works!
"Practice at 2pm sa PH" Announce ni Mav.
"Text-text nalang!" Masayang sabi ko pa at naghiwa-hiwalay na kami ng daan pauwi.
Sa twing sasapit ang foundation day ay isang linggo ang celebration namin at yun ang pinakamasayang parte ng pagiging estudyante namin.
May dance contest, singing contest, kung ano-anong booth.
At dahil it's a cumpolsary activity, sasali kami sa dance contest. Hip hop ang competition ng third year at si Mav ganda ang choreographer namin. Required sumali ang buong klase pero pwede rin namang hindi, depende kung sino ang may gusto ng insentives.
Nag-short at tshirt lang ako at binitbit ang cellphone at wallet ko.
Nagulat pa ako ng may pumaradang motor sa harap ko pagkalabas ko ng eskinita.
"Libreng sakay?" Nakangiti niyang tanong.
Napangiti ako at umangkas sa motor niya.
Narating namin ang PH, isang village ng kung ano-anong pabrika na may malawak na mga kalsada at walang sasakyang dumadaan.
"Bakit magkasabay kayo?!" Taas kilay na tanong ni Antonio.
Inalalayan pa kong makababa ni Rodney.
"Sinundo ako eh" nakangiting itinuro ko si Rodney.
"Sus! Baka iba na yan Rodney ah" mapang-asar na sabi naman ni Ruth.
Ngumiti lang rin si Rodney.
"Taray ng charm oh. Napaamo ang gwapong Rodney" nakangiting sabi ni Joy.
Maya-maya lang ay nagdatingan na rin ang mga kaklase ko.
"Okay, down ang tugtog natin at si Raf saka si Benjie ang magtuturo satin" tinuro niya yung dalawang dancer na kaklase namin.
Sinimulan nila ang pagtuturo ng step at nahati kami sa dalawang grupo dahil medyo marami kami.
Pinanood kong magpractice sila Raf kasama ang mga kaklase ko, habang kami nakatingin muna sa kanila.
"Shit! Look at him" bulong ni Ruth at inginuso si Rodney.
"Kaya pala tahimik" bulong naman ni Joy.
"Dancer!" Kinikilig na sabi ni Mav.
Napatulala lang rin ako ng ituro nila Raf kay Rodney ang step at ang ending si Rodney ang nagturo sa aming mga naiwan, si Raf at Benjie dun sa naunang grupo.
Ang swabe nung galaw niya!
Nagwawala ang puso ko at kahit talent ko ang pagsasayaw ay parang hindi ako marunong mag-sayaw sa oras na 'to. Natatanga ako!
"Allen!" Sigaw ni Mav.
"Teka yosi break!" Natatawang sabi ko at saka bumili ng lollipop sa tindahan.
"Akala ko maninigarilyo talaga" bati ni Joy pagbalik ko.
Nginitian ko lang siya.
"Game Allen, kailangan ka dito" sigaw ni Mav.
Napanguso ako at inayos ang pagkakasalpak ng lollipop sa bibig ko.
"Isang chorus daw all girls" instruction ni Mav.
"Yiiieeee oh my God!" Tilian ng grupo nila Ailene.
"Game En" sabi ni Mav at tinulak ako sa harap.
Napanguso ako "tugtug muna" sabi ko.
"Nahihiya lang yan!" Pambubuska ni Ruth.
Napangiwi ako at napalingon sa boys at kay Rodney na parang hinihintay akong gumalaw.
"Pakshet kayo wala sa usapang magtuturo ako!" Inis na sabi ko kila Mav.
Nagtawanan lang sila at tinignan ko sila.
"Ruth, Joy, Mav saka ikaw! Yung nakadilaw!" Tawag ko sa kanila.
"Sinong naka-dilaw?" Tanong ni Ruth.
"Ayun yung payat!" Sigaw ko.
"Erline, ikaw daw" tawag ni Ruth.
"Ilan ba tayo?" Biglang tanong ko.
Nagbilang naman sila.
"Twelve lang" sabi ni Mav.
"Sige ikaw Erline, Ailene saka yung dalawang naka blue. Sa likod kayo nila Ruth. Tapos yung huling apat sa likod nila Ailene" pag-uutos ko sumunod naman sila.
"Ikaw?" Sabi ni Mav.
"Syempre sa harap" tapos nag evil laugh ako.
"Tatlong ulit lang to ah. Ibuhos niyo na lahat ng kalandian niyo" nakangising sabi ko.
"Joy sa left ka lumingon, ikaw Ruth sa kanan tapos left ka rin Mav"
Nagtuloy-tuloy ang pagtuturo ko at hindi ko maintindihan kung bakit anong landi ng mga kaklase ko siya namang awkward sa kanila ng not-so sexy dance. Kung tutuusin fast track naman marami lang kembot.
"Okay kita nalang ulit tayo bukas. Any reklamo about the steps? Punta kayong baranggay. Thank you"
Nagkatawanan pa kami ng mga kaibigan ko.
"Tara na hatid na kita" si Rodney at tumabi pa sa akin.
"Teka" sabi ko at pinunasan ang pawis ko.
"Taray talaga may service!" Tinulak pa ko ni Antonio kaya napadikit ako kay Rodney.
"Pakshet na 'to" kunyaring naiinis na sabi ko.
"Tse! D'yan na kayo babuh!" Sabi pa niya at nauna ng umalis.
Naiwan pa kami ni Rodney.
"Dancer ka pala?" He said.
"Parang siya hindi" nakangiwing sabi ko.
Tumawa siya ng mahina at agad tumigil ang mundo ko.
"You laughed!" Namamanghang sabi ko.
"Lagi kang na-aamazed sakin!" Hinawakan niya ang kamay ko at nagwala agad ang puso ko.
"Sakay na" he said at inalalayan akong makasakay.
Nakakaloka! Alam kong pagod ako sa pagsasayaw pero iba to! Iba yung hataw ng puso ko! Ibang-iba!
"Sunduin ulit kita bukas" sabi niya ng makarating kami sa eskinita namin.
Nakangiti ko siyang tinanguan. At nagpaalam na rin siyang uuwi.
Ow heart! Kalma lang please!
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Teen FictionLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015