#64- JUST LOOK BEHIND YOU..

9 0 0
                                    

Two weeks after that insane call from Joy ay kahit papaano naman ay naka-get over na ako. Sinisinop ko ang reviewers ko ng dumating ang professor ko bitbit ang envelope na tingin ko ay test questionaires.

Midterm examination week na kaya medyo busy ako, dagdag pa ang ilang reaction papers na kailangang ipasa sa linggong ito.

Sinagutan ko ang exam namin na 50% identification at 50% essay. Halos duguin ang utak sa pagsagot. Umayos ako ng upo at sumandal saka yumuko ulit para magsulat sa papel ko. Ganun ng ganun hanggang sa matapos namin ang isa't kalahating oras na nakalaan para sa worth 500 points exam.

Pabagsak akong umupo sa harap ni Nikki pagkarating sa cafeteria.

"Mamamatay na yata ako!" Madramang sabi ko at isinandal ang ulo sa katabi kong pader.

"Ang hirap peste!" Reklamo din ni Nikki at tinignan ang mukha sa salamin.

"May klase ka pa?" Tanong ko habang isinusuklay ang daliri sa buhok.

"Wala na. Maglulunch nalang ako" sagot naman niya at automatic na nagkangitian kami ng ibaba niya ang salamin niya.

"Arcade!" Sabay naming nasabi habang nakaturo pa sa isa't-isa.

"Anong arcade-arcade huh!" Puna ni Ate Julie na kakarating lang at bumeso samin.

Kasunod naman niya si Gab at Henry. Kinawayan ko lang ang dalawang boys at ganun din si Nikki.

"Wala na kasi kaming klase" paliwanag ko ng makaupo sila.

"Ako din" sabat ni Henry.

Napalingon ako sa kanya "gusto ko kasing mamasyal, wala rin akong pasok bukas" nakangiting sabi ko.

"Sky ranch?" Nakangising sabi ni Nikki.

"Call!" Sabat ng kakarating lang na si Kuya Julius at kasunod si Kuya BJ

"Ayan the more the merrier!" Malaki ang ngiting sabi ni Nikki.

Nakangiti ko ring nilingon ang boys at sa isang iglap mabilis kaming naglunch sa Mcdo at magkakasama kaming pito na bumyahe papuntang pampangga. Hindi nakasama si Ate Chris at Ate Kit dahil may tatapusin pa daw sila.

"Pito po, estudyante" si Gab ang nagbayad ng pamasahe namin.

Katabi ko si Henry sa bus, si Nikki at Julius at yung tatlong huli ay magkakatabi rin sa pangtatluhang upuan.

"Good thing naka-pantalon ka" he said.

Tumango at inayos ang back pack kong nakapatong sa hita ko.

"Na-eexcite ako!" Kinikilig na sabi ni Nikki habang nasa likod ko at kinalabit pa ako.

After an hour and a half nakarating kami sa skyranch pampangga.

Pagpasok namin ay agad naglabas ng cellphone si Henry at binuksan ang front camera saka itinutok sa amin.

Tumabi ako sa kanya ang nagtwo thumbs up. Kaming dalawa lang ang nakapagpicture dahil hindi agad iyon napansin ng mga kasama namin.

Inakbayan niya ko "isa pa" he said. Ngumiti ako at ikinorteng puso ang dalawa kong kamay.

"Ang daya" rinig kong sabi ni Nikki at tumabi sakin.

Napansin na rin kami ng iba naming kasama kaya kanya-kanya na kami ng post at hanggang matapos ang pagpipicture namin ay hindi naalis ang pag-kaka akbay ni Henry sakin. Humawak ako sa bewang niya at naglakad na kami papuntang ticket booth.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon