Sa nakalipas na araw ay hindi ako pinapabayaan ni Henry. Lagi siyang nasa tabi ko, ini-entertain ako, tinutulungan ako mag-review at sinasamahan sa bahay. Kulang na nga lang ay tumira siya samin eh. Araw-araw din niya kong sinusundo.
"Galingan mo sa exam" nakangiting sabi niya ng ihatid ako sa classroom
Ngumiti ako "aye! Aye! Captain!" Saka ako nagsalute.
Tumawa pa siya at dinampian ng halik ang noo ko.
"Kita tayo ng lunch break" paalala pa niya at saka nakapamulsang naglakad palayo.
"Ang sweet niyo talaga ni Kuya Henry" nakangiting salubong sakin ni Thalia.
Ngumiti ako at tumango "that's why Im so lucky having him"
Ngimiti rin siya at pinagsiklop ang nga daliri "ang cute niyo nga tignan na mag-Kuya eh"
Nginitian ko nalang siya at hindi na sumagot. Nakakatuwa lang na hindi na binibigyan ng mga nakakakita ang namamagitan sa amin ni Henry. Atleast they already moved on.
Napa-angat ako ng tingin ng may kumatok sa pinto namin. Kumaway siya ng magtagpo ang mga mata namin.
Ngumiti ako at tumayo.
"Long time no see" nakangiting bati ko.
Isinuklay niya ang daliri sa magulo niyang buhok. "Been busy.." Nagkibit balikat siya at ngumiti.
"What brings you here?" Tanong ko pa at lumingon sa loob ng classroom.
"May.. Uh.. Ipapakilala sana ko sayo mamaya.. Uh.. Just want to have an appointment with you" sabi niya at hindi makatingin ng deretso sa akin.
Ngumisi ako "who's the lucky girl?" Natawa pa ako ng mamula siya.
"Oh my God! You're blushing!" Nakaturo pang sabi ko.
"Allen!" Saway niya sakin at ngumuso.
Sabay pa kaming napalingon sa pinagmumulan ng tunog ng takong na narinig namin.
"I'll see you later. Sa cafeteria huh!" He said at tinapik ako sa braso. Kinawayan ko naman siya at pumasok na rin sa classroom.
Nakatitig lang ako sa bote ng c2 na nasa harap ko habang hinihintay si Robin. Dalawang subject ang nag-pa exam kaninang umaga at may one hour break pa ako. Mag-isa nalang ako dahil natapos na ang lunch break nila Henry.
"Yun! Akala ko wala ka dito" nakangiting sabi ng bagong dating na si Nikki at nakpagbeso sa akin.
"Why? Hinahanap mo ko?" Tanong ko at uminom ng c2.
Nakangiti siyang tumango "one hour pa break ko eh" kibit balikat niya
"May exam ka pa?" Tanong ko.
Umiling siya "wala na. Magpapasa nalang ako ng written report." Sagot niya "ikaw?" Dagdag pa niya.
Tumunog ang pinto ng cafeteria. "May isa pa" sagot ko habang papalingon sa pinto.
Napakagat agad siya sa ibabang labi niya ng magsalubong ang mata namin.
"Hi pogi" maarte pang kumaway si Nikki.
Tinaasan ko siya ng kilay ng makita ko ang babaeng kahawak kamay niya.
"Hi" I warmly welcomed them.
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Genç KurguLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015