Medyo boring pala ang mag-isa kapag sobrang laki ng bahay. I mean, nung first week na-eenjoy ko pa, ang sarap kaya ng may kasambahay, lakas maka-senyorita, pero ngayong isang buwan na ako rito nabuburyong na ako. Gigising sa umaga, mag-jojogging para malibot ang subdivision, uuwi mag-aalmusal, gagala sa park sa hapon, uuwi kakain, matutulog. Kinabukasan ganun ulit.
Araw-araw naman kaming nagtatawagan ni Rodney at miss na miss ko na siya.
Tinopak akong tumambay sa maliit na bakuran habang hawak ang pocket book na binili ko kahapon sa NBS.
Natanaw ko pa sa kabilang bahay ang matandang napagtanungan ko nung unang araw ko rito.
"Mag-isa ka lamang diyan hija?" Pasigaw na tanong niya ng mapansin ako.
Tumayo ako at lumabas ng gate.
"Opo. Nakakatamad nga po eh" sabi ko pa at inilagay sa likod ang librong hawak ko saka naglakad palapit kay Manang."Ang laki pa naman niyang bahay mo tapos wala kang kasama" nakangiting sabi niya.
Napangiti rin ako "sana'y naman ho akong mag-isa"
"Ano bang pangalan mo?"
"Allen po"
"Kaganda mong bata Allen, ilang taon ka na ba?"
Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.
"Fourteen palang po ako"
"Ka-edad mo pala ang apo ko. Viiinnnncccee!"
Agad akong kinabahan. Juice colored! Ibebenta pa yata ako nito.
Lumabas ang isang matangkad, moreno at medyo long hair na binata.
"Ito si Allen, bagong lipat dyan" itinuro pa ni Manang ang bahay ko.
"Hi" nakangiti ko siyang kinawayan.
Tipid naman siyang ngumiti at lumapit sakin "Vince" he said at inilahad ang kamay.
"Kaibiganin mo Vince huh, ipasyal mo na rin" sabi pa ni Manang at nahihiyang ngumiti naman ako kay Vince.
Iniwan kami ni Manang na Lola na pala ni Vince.
"Pasensya na abala ka pa" nahihiyang sabi ko.
"Ayos lang, nabobored rin naman ako" nakangiting sagot niya.
Natahimik kami saglit habang pinapanood ang mga punong nagsasayaw sa saliw ng hangin. Yes! Lalim!
"Gusto mong mamasyal?" Bigla ay tanong niya.
Napakunot noo ako dahil sa pagkasilaw.
"Ayos lang ba?" Tanong ko.
Ngimiti siya at tumango saka lumabas ng gate nila.
Inilagay ko sa back pocket ng short ko at pocket book saka kami sabay na naglakad.
"College?" He asked.
"High school, incoming fourth year"
"Ah pareho pala tayo. Tiga saan ka"
Oh c'mon Allen! Be a good conversionalist!
"Tiga Manila ako, ikaw tiga dito ka ba talaga?"
Ngumiti siya... nasabi ko na bang ang gwapo niya? Tsk. Pero mas gwapo si Rodney ko.
"Kakalipat ko lang sa lola ko, pero madalas na ko rito"
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Teen FictionLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015