We ended up celebrating for being the champion for this year.
"Kami na bibili ng drinks" nakangiting sabi ni Ailene at hinila sila Erin at Erline na mga kaibigan niya.
"Sama niyo na sila Raf, para may magbibitbit" rinig kong sabi ni Mav.
Inayos namin nila Joy ang rooftop dahil dito kami mag-iinuman. Gaya ng inaasahan ay nagsisimula ng mangitim yung nasa braso ko.
May narinig kaming pumaradang motor sa tapat ng bahay.
Napangiti ako "si Rodney na yan"
"Aysus! Kabisado ang tunog ng motor?!" Nang-aasar na sabi ni Abby.
Nginitian ko lang siya at bumaba na.
"Hi pangs!" Nakangiting bati ko.
"Hi nget" ngumiti rin siya at ipinasok ang motor niya sa garahe.
Inakbayan niya ako matapos iayos ang motor niya. Nag-stop over pa kami sa kusina dahil nauuhaw daw siya.
"Kamusta yung nasa braso mo?" Tanong niya habang nilalaro ang susi niya.
Inabot ko sa kanya ang basong may tubig "ito nangingitim na" pilit ngiting sabi ko.
"Nakausap ko si Tita" he said matapos uminom.
"Huh?!" Takang tanong ko.
"Uh.. Y-yung Tita ko-
Pinaningkitan ko siya ng mata bago siya napangisi at napailing.
"Fine. Si Tita, Mommy mo. Nakausap ko. Congratulations daw-
"What?! How? Why?! Sira ulo ka ba?!" Nanlalaki matang sabi ko.
Ngumiti lang siya ng matamis.
"Tara akyat na" inakbayan niya ako at inakay papunta sa hagdanan.
"Teka Pangs!" Awat ko sa kanya.
Huminga siya ng malalim. "Nakuha ko sa cellphone mo ang roaming number ng Mommy mo. Nagpakilala ako ng maayos at nagpaalam ako sa kanya kung pwede ba kitang- kaibiganin" sinundan pa niya ng tawa ang paliwanag niya.
"Sira ulo ka ah!" Inis na sabi ko at hinampas ang braso niya.
"Sino mas sira ulo samin?!" Naghahamong tanong niya
Napanguso ako.
"Tsk. Close na kami ni Tita!" Hinigpitan niya pa ang pag-akbay sa akin.
"Baliw 'to! Ano bang pinag-gagagawa mo?!" Kinurot ko pa ang tagiliran niya.
"Aray ah!" Ngumiwi siya "inuungusan ko lang yung manliligaw mo" natatawang sabi niya.
Nginiwian ko lang siya at tumuloy na kami sa rooftop.
"Oy ano yan?!" Maarteng sabi ni Antonio.
"Ang malisyoso niyo!" Natatawang sita ko at umalis sa pagkaka-akbay ni Rodney.
"Fafa Rodney, kahit ikaw nalang ang pulutan ko" malanding sabi ni Antonio at nilapitan si Rodney.
Tawang hard ang inilabas namin ng umatras si Rodney.
"Hoy! Sapakin ka niyan loko!" Natatawang saway ni Joy.
Ngumuso naman ang bakla at inirapan si Rodney "choosy!" Bulong niya sakin.
Tumawa lang ako. Dumating na ang ilang litro ng empi lights at sandamakmak na mani at chichiria. Ikutang shot ang nangyari.
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Novela JuvenilLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015