#57- REMINDS ME OF HIM..

7 0 0
                                    

Nakakabugnot talaga ang maburo sa bahay ng ilang araw. Tumaas ang lagnat ko at sumumpong pa ang asthma ko kaya na-tambay ako sa bahay ng tatlong araw. Ipinapasa ko nalang tuloy ang pinaghirapan kong written report. Hindi nakakadalaw si Henry dahil marami rin siyang tambak na requirements. Pinupukpok ko na rin ang sarili ko para mapag-aralan ang nga namissed kong lessons.

"Nangangalo-mata ka pa. Sure ka bang okay ka na?" Nag-aalalang tanong ni Lou at hinipo pa ang noo ko.

"Ayos na ko. Just let me stay quiet. Hinihingal ako pag nagsasalita" sabi ko atsaka humugot ng hangin.

Itinago ko ang laptop ko ng pumasok ang propesora namin.

"Are you okay now, Miss Yuzon?" Taas kilay na tanong niya.

"Yes Ma'am" sagot ko naman.

"Great. Now let's start on our last lesson before our christmas vacation" panimula niya.

Kinuha ko naman ang libro at notebook ko saka sinimulang intindihin ang itinuturo niya.

Contemporary Math..

Parang babalik yata ang trangkaso ko huhu.. Sana kung nandito lang si---- never mind. Kaya ko 'to!

After the near death experience in Math matamlay akong tumayo to take my two hour lunch break.

Dumeretso ako sa locker para iwan ang mga libro ko saka pumunta ng canteen.

"May sakit ka pa rin?" Nag-aalalang tanong ni Ate Kit.

Tumango ako at suminghot matapos punasan ng tissue ang ilong ko.

"Si Henry kasi eh!" Paninisi pa ni Gab.

But instead na makipagkwentuhan sa kanila ay naupo lang ako malapit sa wall at yumuko.

"Hindi ka ba kakain?" Dinig kong tanong ni--- what?!

Nabigla ako ng bangon at napatingin sa mga kasama ko. Kumunot ang noo ko. Nag-ha-hallucinate ba ko?!

"Sino yung nagtanong?" Nagtatakang sabi ko.

"Ako" nagtataka ring sagot ni Kuya Julius.

What the fuck is wrong with you Allen?!

"Gusto mo bang ibili nalang kita ng pagkain?" Tanong pa ulit ni Kuya Julius.

Pinakinggan ko ang boses niya. Iba naman..

"Bili mo nalang ako ng sandwich saka vitamilk, Kuya" pakisuyo ko pa pero bago pa ako makapag-abot ng pera ay may lumapag ng plastic ng isang convenience sa harap ko.

"Binili ka na pala ni Henry" nakangiting sabi pa ni Kuya BJ at naglakad papunta sa counter

Tumabi sakin si Henry at agad na bumilis ang tibok ng puso ko.

"Bago pabango mo?" Nagtatakang tanong ko.

Ngumiti siya "yep. Bigay ni Hera" sagot pa niya at inilabas ang laman ng plastic.

"Here. Kumain ka, then take this medicines" malambing na sabi niya at saka hinawakan ang bewang ko.

Hindi ako mapakali sa amoy ni Henry.

"That's penshoppe.. Yung kulay pink" wala sa sariling nasabi ko.

"Yeah! Pano mo nalaman? Ikaw yung blue ang gamit mo di ba?" Namamanghang sabi pa niya.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon