#3- RODNEY IS THE NAME

14 1 0
                                    

Nakatunga-nga lang ako habang talak ng talak yung Chemistry teacher namin. Gaya kahapon, lumayas siya ng wala akong natututunan.

Habang hinihintay si Ma'am Luz ay nilabas ko muna ang walky talky ko.

"Hoy! Tago mo yang walky talky mo!" Si Ma'am Luz na nakaupo na pala sa tabi ko at pinalo pa ko ng extra large niyang pamaypay.

*roll eyes*

Tinuloy ko ang pagtitext "may gagawin ba tayo ma'am?" Sabi ko ng hindi siya tinitignan.

*evil grin*

"Magkukwento ako makinig ka" sagot naman niya at binuksan ang pamaypay niya.

"Narinig ko na yan ma'am" sabi ko at tumingin sa kanya pagkatapos masend ang message ko.

"Itago mo yang walky talky mo!" nang-gagaliiting sabi niya.

Nginiwian ko lang siya at tinignan ang text na dumating.

"Uso pa pala 3310 noh?" Pang-aasar niya.

Napangisi ako "oo ma'am, ito oh" sabay pakita sa kanya ng cellphone ko.

"Bruha! Dali na magkukwento ako" pangungulit pa niya.

At dahil hindi siya magkukwento hangga't nagcecellphone ako, pinagbigyan ko na.

Umayos ako ng upo at sinimulan na niya ang kwento niya ng kanyang makasaysayang pag-iri sa nag-iisang anak niya.

Naririndi ako, sa inaraw-araw nalang yan ang kwento niya, hindi naman namin maisasagot sa exam yan.

Tumayo ako sa gitna ng pagkukwento niya.

"San ka pupunta?" Tanong ni Ma'am Luz.

Nginitian ko siya "lalabas" sagot ko at lumabas ng classroom.

Narinig ko pa ang pagtawag niya sakin para bumalik. Napailing nalang ako at bumaba.

Isinara agad ng boy scout yung gate ng building ng makita ako.

"Buksan mo to" seryosong sabi ko.

"Ate hindi pa break time" sabi nung bata.

Im not into rules, and yes Im a certified rule breaker.

"Buksan mo 'to naiihi na ko!" Inis na sabi ko.

"Eh Ate-

"Naiihi na nga ako! Pag ako nagka-UTI ipapagamot mo ko!" Sigaw ko.

Kakamot-kamot siya sa ulong binuksan ang gate. Lumabas ako at dumeretso sa canteen. Bumili lang ako ng chichiria at c2 saka ulit umakyat.

Wala ng tao sa classroom- meron pala, si quiet guy.

Umupo ako sa sariling upuan "kain" anyaya ko pa. Tumango lang siya at binuksan ko ang piattos.

Tahimik lang ako nung umpisa kaso active yung kakulitan ko.

Tumayo ako at humila ng upuan saka umupo sa harap niya.

"Kuya anong pangalan mo?" Tanong ko at sumubo ng piattos.

Sumagot siya kaso hindi ko nanaman nadinig.

"Huh?" Ano ba yan nabibingi na ko!

"Rod-"

"Eh? Rod?" Takang tanong ko and without hesitation hinawakan ko yung pulsuhan niya para alisin yung kamay niyang may hawak na panyo na nakatakip sa bibig niya. Napaiwas siya.

"Sorry.. Hindi ko kasi marinig" nakangiwing sabi ko.

And after hundred of tries inalis niya yung panyo "Rodney" he said. Loud and clear enough, for me to understand.

Ngumiti ako at nilukot ang balat ng junk food.

"Hi Im Allen!" Sabi ko at nilahad ang kamay ko.

Tinignan niya ang kamay ko, tumango saka hinawakan ang dulo ng daliri ko.

Ow! Yun na yun?

"Nice to meet you!" Masiglang sabi ko pa.

Maya-maya lang ay mga nagbabalikan ng mga kaklase ko.

"Anong ginagawa mo dyan?" Takang tanong ni Joy.

"Kinakausap siya" itinuro ko pa si Rodney.

"Sumasagot?" Nakangiwing tanong niya.

"Oo naman" nakangiting sabi ko.

Kumunot ang noo niya at tinignan si Rodney.

"Pagpasensyahan mo na yan si Allen, galing mental yan eh" banat ni Joy.

Natawa lang ako ng hindi manlang nagresponse si Rodney. Tumayo na ko at iniwan siya baka makulitan eh.

Nakipagkwentuhan ako kila Joy at Abby habang hinihintay namin matapos ang break time.

"En, bisita" sabi ni Antonio na kakapasok lang.

Sumilip ako sa labas, si Carl.

Tumayo ako ng hindi nagpapa-alam sorry walang modo.

"Anong kailangan mo?" Bungad ko.

Ngumiti lang siya at kinuha ang kamay ko sabay hila sakin sa railings.

"Ba't nandito ka?" Seryosong tanong ko.

"Pinuntahan ka" nakangiting sagot niya.

Kinunutan ko siya ng noo "anong kailangan mo?"

"Ikaw." Biglang seryoso ang kanyang sagot.

Nginisian ko siya "ano nga?"

Kinurot niya lang ang pisngi ko sabay paalam na bababa na.

Luh! Baliw talaga..

Sumilip ako sa baba at hinintay na matanaw si Carl bago pumasok sa classroom.

Napangiti ako ng mahagip ng paningin ko si Rodney. OMG lang! Alam ko na pangalan niya! Yiiieee!

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon