#26- WHEN SHE'S JELOUS

6 1 0
                                    

I never thought that one day will come at ipagdadamot ko ang mga kaibigan ko. I've never been selfish, as in!

Ako kasi 'pag ayaw na sakin, ayoko rin sa kanya. As simple as that. At hindi ko akalaing magiging kumplikado sa akin ang bagay na iyon.

Isang linggo na kaming balik klase pero may isang hindi nagbalik sa akin, si Rodney.

Hindi naman siya naging cold or what basta sabi ng instinct ko layuan ko na siya, kasi ayun oh! Tumatawa na siya sa company ni Erin, ang saya-saya nga nila eh! Pakshet na yan!

"Oy? Hindi kayo nagpapansinan ng panget mo?" Tanong ni Abby habang nakatambay kami sa corridor.

Ngumuso lang ako at umiling.

"Nagseselos ka noh?" Tanong niya.

Ang galing lang, first time namin mag-usap ni Abby ng seryoso at yung kami lang ang nakakarinig ng sinasabi namin.

Napatingin ako sa kamay ko "oo eh" saka ako mapait na napangiti. "Best friend kami pero umiiwas siya sakin"

"Ikaw ang unang umiwas" paglilinaw ni Abby.

Pinalobo ko ang pisngi ko saka ngumuso "masakit eh" tumawa ako ng peke "masakit makitang tumatawa siya tapos ibang babae ang dahilan" napangiwi pa ako.

"Gusto mo bang iinom yan?" She ask at agad akong napalingon sa kanya.

Ngumisi siya "one on one lang, ilabas mo yan"

Napangisi rin ako at tinanguan siya.

Malungkot kong pinanood si Rodney na nagrerecess kasama sila Erin.

Ang sakit sa puso maging best friend lang!

So kinagabihan nagpunta sa bahay si Abby at may dalang empi lights at chichiria.

Sa rooftop kami tumambay at uminom.

"Kausapin mo kaya?" Tanong niya habang nilalaro ang yelo sa baso niya.

"Ano namang sasabihin ko? Na layuan niya si Erin kasi nagseselos ako? Ganun?" Nakangiwing sabi ko at ininom ang shot ko.

"Bakit hindi? Best friend ka niya"

"Tss. Best friend lang ako! Tang ina! Eh mukhang gusto niya si Erin eh"

"Akala ko ba walang malisya?"

"Akala ko rin" mapait akong napatawa.

"Pakshet na yan! Hindi ko napansin! Ngayon lang! Ngayon ko lang nalaman na may gusto ako sa kanya!" Napadukdok ako sa mesa at hinalo ng daliri ang yelo sa baso ko.

"En.. Eh kung sabihin mo sa kanya?"

Napabangon ako at ininom ang shot ko.

"Tapos ano? Lalo lang akong iiwasan nun pag nalaman niya? Pakshet hindi na noh!" Saka ulit ako uminom ng shot ko.

Nagpakalasing lang kami ni Abby hanggang sa namalayan naming kailangan na naming pumasok.

Naligo lang kami at bitbit pala ng gagang Abby ang bag at uniform niya.

Nagmumura ang eyebags ko at inaantok pa ako pagpasok namin ni Abby.

"Anyare sa inyo?" Nag-aalalang tanong ni Mav.

Ngumisi lang si Abby saka ako itinuro.

"Anong ako?" Natawa pa ako at umupo sa upuan ko.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon