Sa buhay ang pinaka-masakit na pamama-alam ay yung walang kasiguraduhang pagbalik."Seriously? Curtain dance?!" Nanlalaking matang sabi ni Pat.
Tumango ako saka ngumuso at ipinagpatuloy ang pag-susulat ko.
"Marunong ka ba?" Tanong pa niya.
"Hindi nga eh" sagot ko at isinara ang notebook ko.
"Baka hindi ko ituloy" nakangusong dagdag ko pa.
"Kelan ba yan?" She asked.
"Sa intrams" sagot ko saka bumuntong hininga.
"First time yan sa DT ah" kumento pa niya at umupo sa lamesa.
Tinaas ko naman ang paa ko sa upuan saka sumandal sa poste ng kubo.
"Kaya nga eh. Pangalawang taon ko palang sa DT, pano kung malaglag pa ko" nakangiwing sabi ko.
Tumawa si Pat. "Ang ganda mo dun friend!" She said in between laughters at hinampas ko siya ng back pack ko.
"Aray ahh!" Pag-iinarte niya at hinimas ang likod niya.
"Di ko gagawin yun" desididong sabi ko at nagdial sa phone ko.
Hello- oo Ate- di ko kaya ehh- please- mas magaan sakin si Keropi!- hahahaha! Please! Si palaka nalang!- talaga?!- yes!- wow! Thank you!- ang ganda mo talaga Ate Faye! Mua mua- oo haha!- babye!
Masaya kong ibinaba ang tawag.
"Yiiieee!!!" Tili ko at inalog-alog pa si Patchot.
"Sabi sayo papayag si Ate Faye eh" nakangiting sabi niya at nag-apir kami.
"Si Kuya Henry" sabi niya at inginuso ang papalapit na binata.
Napataas kilay ko "anong kailangan ni Adan?" Natatawang sabi ko ng makalapit siya.
Ngumiti siya at namulsa. Pogi talaga!
"Alam ko kasing nandito sa kagubatan si Eba" natatawang sabi niya at umupo sa tabi ng paa ko.
"Corni niyo ah!!" Komento ni Pat.
"Kamusta ang second year?" Nakangiting tanong ni Henry kay Pat.
"Hussle Kuya! Grabe napaka-demanding ng mga prof!" Pagrereklamo niya.
"Pumayat na nga siya eh" pang-aasar ko pa.
"Ikaw Miss Educ? Kamusta ka?" Nakangiting baling ni Henry sakin.
Tumawa ako "reigning pa rin, at ayoko ng ipasa ang korona!" At nagkatawanan pa kaming tatlo.
"Kamusta naman kasi yung blog na Mr.Nobody meets the girl in the pageant?" Nang-aasar na sabi ni Pat.
"Loko ka ah!" Sabi ni Henry at hinabol si Patchot na mabilis tumakbo.
Second year, Bachelor of Secondary Education major in English student.
Pag naiisip ko kung gaano kabilis ang panahon ay namamangha nalang ako.
Week after high school graduation ng umalis ako ng Caloocan. Wala akong pinagpaalamanan na kaibigan ko. Sa unang anim na bwan ko rito ay hinahanap ako ng mga kaibigan ko. Nagmemesage sa FB, nagtitext. Sumasagot pa ako hanggang mawala ang cellphone ko at mawalan ng contact sa kanila. Una ay sa messenger ako nakikipagpalitan ng kwento sa kanila hanggang sa maging busy ang buhay kolehiyo ko at tuluyan kong isinara ang pinto at bintana ko sa mga kaibigan ko sa Caloocan. Nagfocus ako sa bagong environment, bumuo ng bagong barkada, bumuo ng sariling pangalan sa pagsasayaw dahil sa pagsali ko sa dance troupe. Lalong nakilala dahil sa pagsali ko sa Mr. & Ms. Educ last year at nanalo ako.
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Teen FictionLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015