#8- PUSO NI CARL

13 0 0
                                    

Thursday. Another day to spent, another day to analize this pakshet na feelings!

Ang hirap isipin ng bagay lalo na pag konektado sa pag-ibig. Parang lahat ng rason invalid, lahat ng palusot hindi epektibo.

Nabubugnot akong nag-do-drawing sa notebook ko. Sino ba naman kasi ang nakaisip na gawing first subject ang Geometry?! Hindi pa halos nakaka-pag warm up ang utak ko magtatanong na sila ng kung ano-anong problem. Sarili ko ngang problema hindi ko masulosyunan.

"Who can answer number 1? on the board." Sabi ni Sir at itinaas ang kamay na may hawak na chalk.

Kagaya niyan, magpapasagot pa siya. Alam ba niyang sa ganitong oras natutulog pa ang isip ko?! Ala-sais palang jusko naman!

Napatingin ako sa black board at nagdilim ang paningin ko hihimatayin yata ako! Wala kong maintindihan!

Huminto ang mundo ko ng magtaas ng kamay si Rodney para sumagot.

Nagsulat siya sa black board ng mga numerong D'yos lang ang makaka-intindi.

"Wow! Math wizard!" Namamanghang bulong ni Joy.

Napanga-nga nalang ako. San niya napag-kukuha yang mga number at letter na ipinagsusulat niya dyan sa black board?! Namamangha ako sa ginawa niya pero- wala never mind!

"Amazing!" Sabi ni Antonio matapos magsagot ni Rodney.

Wow! As in wow!

Natapos ang Math, absent ang Chemistry at English nanaman.

Maaksyong nagkukwento si Ma'am Luz tungkol sa panganganak niya- araw-araw nalang.

Hindi ko alam kung nakakatawa ba talaga yung joke ni ma'am o ine-enjoy nalang ng mga kaklase ko yung trip niya.

"Anong kailangan ng mga pogi dito?" Biglang sabi ni Ma'am at tumanaw sa labas ng bintana.

"Si baby Allen kailangan niyan Ma'am" ngiting-ngiting sabi ni Joy.

"Landi! Baby Allen?!" Pinalo pa ko ni Ma'am sa braso.

Napangiti nalang ako at tumayo.

"Oh san ka pupunta?" Sabi ni Ma'am.

Tinuro ko ang sarili ko "kailangan daw si Baby Allen" tumawa pa ako saka lumabas.

"Anong kailangan mo?" Bungad ko kay Carl.

Nagtanguan lang kami ni Eugene.

"Ikaw. Kailangan kita" nakangusong sabi niya.

Napatawa ako "baliw!"

"Allen kailangan ka nito" tinapik pa niya ang dibdib niya.

Tumawa nalang ako "tara baba" sabi ko at naunang maglakad pero hinila ako ni Eugene sa braso.

"May teacher pa kayo" sabi niya.

"Okay lang yan" sagot ko at nginitian siya.

Sabay na kaming naglalakad pababa.

"Ba't pala ang aga niyo?! Nag-cutting kayo noh?!" Tinuro-turo ko pa sila.

"Hindi noh! Tulad mo kami sa'yo" sagot ni Eugene.

"Hindi yun cutting kasi walang klase!" Natatawang sabi ko.

"That laugh though" bulong ni Eugene.

Nagulat pa ako ng hawakan ni Carl ang kamay ko at tinapat sa dibdib niya.

"Allen yung puso ko!" Nakangusong sabi niya.

"Tumitibok pa naman" nakakunot noong sabi ko.

"Ikaw ang itinitibok!" Maarteng sabi niya.

Natawa ako "dugo Carl, dugo ang itinitibok niyan" sabi ko at hinila ang kamay ko.

"Alagaan mo naman!" Sabi niya pa.

Hinampas ko ng mahina ang mukha niya.

"Alagaan your face!" Natatawang sabi ko saka nagpatiunang naglakad.

"Allen yung puso koooo!!!" Rinig kong sigaw niya.

Nilingon ko siya at nakahawak siya sa dibdib niya habang tawa ng tawa si Eugene sa tabi niya.

"Yung puso ko Allen!" Sigaw pa niya.

Pakshet na to baliw!

"Arrgghh!! Yung puso ko" sigaw niya pa ulit.

Tss..

Nakakahatak na siya ng atensyon ng ilang estudyante.

"Shut up Carl!" Sigaw ko.

"She's mad! Aww my heart!"

Nanlaki ang mata kong tinitigan siya.

Pakshet na yan!

Iiling-iling akong nilayasan sila ni Eugene.

Mga baliw! Bahala kayo dyan!

Umupo ako sa canteen habang kumakain ng sandwich nang magdatingan ang mga kaibigan ko.

"Iniwan mo sila Carl?" Joy ask tapos umupo sa tabi ko.

"Abnormal eh!" Ngumunguyang sabi ko.

Tumatawang dumating si Ruth "yung puso daw ni Carl alagaan mo!" She said in between laughters.

"Kita mo na abnormal!" Nakangiwing sabi ko kay Joy.

"Timang ang puta! Malakas tama nun!" Tatango-tangong sabi niya.

"Leche si Carl hinarang pa ko sa stage!" Maarteng sabi ni Antonio pagkarating niya.

"Bakit daw?" Natatawang tanong ni Joy.

"Sabihin ko daw sa baklang to alagaan yung puso niya" sigaw niya at tinuro pa ko.

Ngkatawanan kami ng hard.

Siraulo talaga..

Maya-maya ay dumating si Carl at Eugene.

"Allen! Allen! Yung puso ko panagutan mo!" Biglang sigaw niya ng makita ako.

Parang automatic namang napunta sakin ang paningin ng lahat ng estudyanteng nasa canteen.

Pakshet na yan!

Padabog akong umalis sa lamesa namin at iniwan sila dun. Badtrip ang lintek!

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon