#15- 2 IS BETTER THAN 1?!

9 0 0
                                    

One week to go at ang pinaka-hihintay na foundation week na.

"Baby, manuod ka sa tuesday ah" pangungulit ni Carl habang nakatambay kami sa corridor at nakasandal sa railings kasama ang mga kaibigan niya.

"Sige" nakangiting sabi ko sabay kagat sa cornetto.

"Sasayaw 'to eh" pagmamalaki ni Renz sabay turo sakin.

I stuck my tounge out at inirapan siya.

"Sino bang hindi nakaka-alam na dancer yan?" Natatawang sabi ni Eugene.

Nag-apir pa kami habang tumatawa.

"Parang hindi dito nag-first year eh" pang-aasar ni Carl

"Hindi ko kasi talaga napapansin yan" turo naman ni Renz sa akin.

"Kagrupo ni Pan-pan nung second year yan" sabi naman ni Aldrin.

"Ge pag-usapan niyo ko. Kunyari wala ako dito!" Natatawang sabi ko at nakatanggap lang ako ng kurot sa pisngi mula kay Eugene na agad tinapik ni Carl.

"Mataba kasi dati yan!" Natatawang sabi ni Carl at inakbayan pa ko.

Siniringan ko siya ng tingin at sinubo ang dulong apa ng cornetto.

"Manuod nalang kayo sa lunes" nakangising sabi ko.

"A.C practice daw" napalingon pa kaming lahat.

"Say what?!" Kunot noong sabi ni Eugene.

Napangisi ako, pauso talaga tong si Rodney eh.

"Allen Claire, A.C lakas era noh?" Natatawang sabi ko bago nagpaalam.

Pero bago ako makapasok ay hinila ako ni Carl nakita ko pa ang matalim na titig niya kay Rodney bago ako tinignan.

"Sabay tayo mamayang recess" sabi niya at hinalikan ang noo ko.

Tumango nalang ako at pinisil ang ilong niya.

"Seloso" rinig kong sabi ni Rodney ng madaan ko siya.

"Maka-AC kasi!" Natatawang sabi ko.

"Kesa tawagin kitang PANGET?!" Nakangiting sabi niya.

"Edi tawagin mo" mayabang na sabi ko.

Ngumiti lang siya at nagsimula na kaming magpractice. After ng tatlong ulit.

"Oh break time. Balik agad ah! Magthank you tayo sa teachers natin dahil pinayagan tayong magpractice sa klase nila" mahabang paliwanag ni Mav.

Uminom lang ako ng tubig at lumabas na ng room sakto naman nandoon na si Carl.

"Laging nakabakod ang Carl" itinulak pa ko ni Antonio pagdaan nila.

"Baliw!" Nakangiting sigaw ko bago binalingan si Carl.

"Tara 'by" sabi ko pero imbes na maglakad ay pinunasan niya ang noo ko gamit ang panyo niya.

Tinulak pa niya ko papasok ng classroom.

"Talikod" sabi niya at pinaharap ako sa pader.

Hindi ko alam anong trip niya pero sinunod ko siya.

Inilusot niya ang panyo niya sa likod ng uniform ko at isinapin iyon.

"Aww sweet!" Dinig kong sabi ng mga kaklase ko.

Nag-iinit ang mukha ko lintek!

"There" sabi niya at iniharap ako sa kanya.

Nakangiti siyang inakbayan ako.
"Tara" tapos inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko "namumula ka na eh" saka siya mahinang tumawa.

"Baliw!" Natatawa kong pinalo ang tyan niya.

"Baliw na baliw sayo" nakangising sabi niya.

Nagkulitan lang kami ng nagkulitan hanggang makarating sa canteen.

"Dyan ka nalang" he said at iniwan ako sa table ng mga kaibigan ko.

"Ang sweet niyan" nginuso pa ni Abby si Carl.

Napangiti ako at tumango "sobra"

"Oy Abby, good luck sa tuesday ah" nakangiting sabi ni Ruth.

"Oo nga pala, good luck" nakangiti ring sabi ko.

Singing contest kasi siya sasali.

"Anong kakantahin mo?" Tanong ni Mav.

Napangiti ako "bring me to life"

Nginitian ako ni Abby at kumapit sa braso ko "kinakabahan nga ko eh" sabi niya.

"Kaya mo yan noh!" Pinalo pa siya ni Antonio sa braso.

"Nako! Kalaban ko si Carl eh baka matalo ako" nginisian pa niya ko.

Tumawa ako "gusto mo isabotahe natin?"

Tumawa lang din siya. "Sira!"

Natawa nalang din ako hanggang dumating si Carl.

"Anong kakantahin mo Carl?" Tanong ni Antonio.

"Secret" kumindat pa siya.

"OMG!" Maarteng sabi niya at umasta pang nauubusan ng hininga kaya nagkatawanan nanaman kami.

"Kamusta kayo ni Renz? Tanong ni Carl kay Ruth at lahat kami ay napakunot ang noo kay Ruth.

"Renz?!" Taas kilay na tanong ko bago siya pinaningkitan ng mata.

"Bakit anong meron sa inyo ni Renz?!" Sita rin ni Joy.

Tumaas ang kilay ni Mav at ngumisi ng nakakaloko, samantalang taas kilay ring nag-iwas ng tingin si Antonio. While Abby the innocent one, mukhang walang irereact.

"Bakit 'by? Sila ni Renz?" Tinuro ko pa si Ruth na biglang nagkaroon ng katext.

Ngumiti lang ng makahulugan si Carl.

Sinamaan namin ng tingin si Ruth walang gustong magsalita sa kanila.

"Anong kalandian yan Ruth?!" Naiinis na bulong ko.

"Tao lang nagmahal" pagdadahilan niya.

Sarkastikong natawa si Mav "hindi normal ang mag-

"Alis na kami" putol ko kay Mav.

"Hindi. For sure alam ni Carl yun" taas kilay na sabi ni Mav.

"Two timer ka Ruth! Pano pag nalaman ni Mac yan?!" Inis na bulong ni Mav kay Ruth.

"M.U lang kami" pagrarason niya ulit.

"M.U while having a relationship with Mac? Nice!" Sarkastikong sabi ko.

"Panindigan mo yan Ruth" nakangising sabi ni Joy saka tumayo at umalis.

Napangiwi lang ako at inaya nang umalis si Carl. Tahimik na naka-akbay siya sakin at ako nakakapit sa bewang niya.

"Weird! Isang bf nga mahirap na eh, dalawa pa kaya?" Nakangiwing sabi ko.

Pinisil niya ang balikat ko at dinampian ng halik ang ulo ko "desisyon nilang dalawa yun, 'by. Kasi alam ni Renz ang tungkol kay Mac" paliwanag niya.

Natahimik nalang ako at napaisip.

Ano bang kabaliwan yun?!

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon