#28- PROMISE RING ∞

7 1 0
                                    

Inayos kong maigi ang pagkaka-kulot ng nakaponytail kong buhok, nag-eye liner at maskara rin ako at naglagay ng pink lipstick. Tinignan ko pang maigi ang Itim na off shoulder/spaghetti strapped blouse ko na naka-tucked in sa itim ring skater skirt ko na tinernuhan ko ng pulang chucks.

Kinuha ko na ang purse ko at isinabit sa balikat ang chain nito saka bintbit ang paper bag na may lamang regalo para sa lahat ng kaibigan ko.

Pumara ako ng tricycle para makarating sa school ng hindi nahahaggard.

"Naks! Ganda talaga!" Nakipag-apir pa sakin si Raf ng magkasabay kami sa gate.

"Di ka pa sanay?" Natatawang sabi ko habang paakyat kami.

"Ang ganda talaga niyang kwintas mo" pag-iiba niya.

Ngumiti lang ako at hinawakan ang pendant ng kwintas ko.

Nagkakagulo na sa classroom ng makarating ako.

"Allen!" Masayang tili ni Joy at niyakap ako "ganda!" Nakangiting sabi niya.

"Mas maganda ka" nakangiti ring sabi ko.

Ngumuso siya at napalingon ako sa likod ko.

"Pangs.." Nakangiting sabi ko at niyakap siya.

Yumakap rin siya at naramdaman ko pa ang pagdampi ng labi niya sa ulo ko.

"Sorry 'di kita nasundo" he said ng tingalain ko siya.

Ngumiti ako "ayos lang"

Ngumiti rin siya then he mouthed I love you. Agad namula ang pisngi ko saka siya sinagot. I love you too I also mouthed.

Nagkangitian kami saka kami naghiwalay ng yakap pero inakbayan naman niya ko.

"Hindi talaga ko naniniwalang best friends lang kayo!" Nakangiting bati samin ni Erin.

Napangiti rin ako, naka-moved on na siya.

"Marami ring ayaw maniwala, hindi lang ikaw" nakangiting sagot ko sa kanya.

Ngumiti rin siya at inabot ang kamay ko "nung una talaga, naiinggit ako sayo pero nung nakita ko yung samahan niyo? Hindi ko pala kayang higitan yung posisyon mo kay Rodney." Ngumiti siyang nilingon si Rodney bago nagbalik ng tingin sa akin "ikaw ang preference niya sa babae" natawa pa siya ng mahina "kaya wag mong papabayaan yan ah!" Itinuro pa niya si Rodney at nakangiti akong nilingon siya. Nakangiti rin siyang nakikinig kay Erin "pektus ka sakin pag umiyak sa'yo yan!" Nagkatawanan pa kami bago niya tinabig ang kamay ni Rodney at niyakap ako.

"Merry christmas, Ate Allen"

Napangiti ako at ginantihan siya ng yakap "merry christmas, Erin"

Naghiwalay kami at nilingon niya si Rodney "merry christmas, Hon" malungkot siyang ngumiti.

"Merry christmas, Erin" ganting bati naman ni pogi saka kami iniwan ni Erin.

"Merry christmasss!!!" Masiglang sigaw ni Ruth na kararating lang.

Nilapitan namin siya at nagpalitan kami ng greetings. Maya-maya lang ay nag-exchanged gift na kami naglaro ng kung ano-anong games na hindi ko naman sinalihan. Kumain kami at matapos nun, kanya-kanya na kami ng lakad ng mag kaklase ko. Naiwan pa kami ng mga kaibigan ko at sinimulan ko ng ibigay ang mga regalo ko sa kanila, lahat sila ay binilan ko ng relos, mga can afford na relos, unisex ang design at magkaka-iba lang sila ng kulay, meron din ako at suot ko na yun ngayon.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon