Lahat kami ay busy'ng nag-aayos sa classroom. May kung ano-ano pang kinukuda sa baba habang kami ay nasa classroom lang.
Itinali ko ng ponytail ang mahaba kong buhok at inayos ang black t-shirt ko at maong short-short.
"En nasan yung checkered long sleeve mo?" Tanong ni Mav.
Costume namin ang black tshirt at maong short-short, rubber shoes at itatali sa bewang namin ang checkered long sleeve.
"Mamaya dadalhin daw ni Carl" nakangiting sabi ko.
Inayos ko ang pagkasintas ng rubber shoes ko.
"Ate Allen, pamake up" sabi sakin ni Erin.
At ang ending lahat ng kaklase kong babae ay nagpamake up sakin except my friends.
Nang matapos ko sila ay sarili ko naman ang inayos ko. Eyeliner, maskara at red lipstick lang check na ko.
"Baby"
nakangiti kong nilingon ang pinto.
"Yung long sleeve?" Tanong ko ng makalapit.
Napangiwi siya at kinabahan ako bigla.
"Gagamitin pala namin 'by" he said.
Gumuho ang mundo ko. Kasama sa criteria ang costume eh!
Pilit akong ngumiti "ayos lang"
Napasunod pa ako ng tingin ng lumabas si Rodney.
"Sure ka?" Nag-aalalang sabi niya
Nginitian ko siya at tinanguan
Ngumiti rin siya at bumaba na.
Oh no! Pano na 'to?!
"Guys, bubunot lang ako ah" paalam ni Mav.
"Shit" inis na bulong ko at inagaw ang atensyon ng mga kaklase ko.
"Sino may extrang checkered long sleeve?!" Sigaw ko.
"Bakit wala ka?!" Nagpapanic na tanong ni Joy.
Napakagat ako sa kuko ko saka umiling.
"Hala pano yan?! Baka madisqualify tayo?" Nag-aalalang sabi ni Ruth.
Napaisip ako "wag nalang kaya akong-
Naputol ang pagsasalita ko ng may kumuha ng kamay ko at naglapag ng isang pink and white na checkered long sleeve doon.
"Nice! Saviour!" Masayang sabi ni Abby.
"Thanks panget!" Nakangusong sabi ko.
Nginitian niya lang ako "basta ikaw, panget"
"Yiiiieeeeeee!" Kinikilig na tili ko habang kino-compose ang nawala kong gana.
"Number three!" Masayang sigaw ni Mav pag-akyat niya.
"Five minutes at kailangan na pong bumaba ang lahat ng estudyante dito sa quadrangle." Dinig kong sabi ng emcee.
Inayos ko lang ang buhok, mukha, sapatos at ang pagkakatali ng long sleeve sa bewang ko.
"Let's pray" sabi ni Ruth. Gumawa kami ng malaking bilog para magkakaharap kami.
"Lord guide us with our performance, kung ipapaubaya niyo po ayos na samin ang magchampion this year. Thank you po sa talent na ibinigay niyo samin. Amen" si Joy
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Teen FictionLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015