#40- BASHA & POPOY

10 1 0
                                    

Kahit kinukulit ako ni Rodney about kay Vince eh ano naman ang ikukuwento ko bukod sa tumatambay kami sa park pag naisip kong lumabas. Once a week nga lang ata akong lumalabas, dahil kung wala ako sa kwarto ko ay nasa roof top ako.

Maaga akong gumising, bakit? Simple lang; pasukan na ulit at first day ngayon.

Ang alam ko ay hindi na kami mashushuffle lahat, ilan nalang, yung mga deserve malipat ng section, gaya ni Abby, nalipat sa section 11.

Nasa quadrangle kami at nakikinig sa kung ano-anong announcements nila, na karamihan ay para lang naman sa freshmen. Sila na kasi ang kasabay namin sa morning shift.

"Guys, si Yang. Yang ito si Joy, Abby, Mav, Allen saka Antonio. Mabait to kaya be good to her" nakangiting sabi ni Ruth.

Nginitian namin siya. Kanina pa hinahanap ng mata ko yung kakambal ko. Nasan na ba yun?!

"Nasan si Rodney?" Tanong ni Joy.

"Malay ko" kibit balikat ko saka nagpatiunang umakyat sa room namin.

"En, masungit ka daw" natatawang sabi ni Ruth at nahihiyang tumingin sakin si Yang.

Ngumisi lang ako at hindi kumibo.

Asan na ba yun?!

Di na ko nakatiis at tinawagan ko na si Rodney.

"Ayun!" Nakangiting sabi ko at sinalubong sa pinto si Rodney.

Ngumiti siya at inakbayan ako saka kami sabay na pumasok sa loob.

"Rodney, si Yang kaibigan ko at bagong classmate natin" pakilala ni Ruth.

"Hi" sabi naman ni pogi at nahihiyang ngumiti naman si Yang.

Tapos nagbulungan sila ni Ruth.

"Ano magkukwento ka na?" Sabi ni Rodney ng makaupo kami sa magkatabi naming upuan.

Yes naman! Tabi na kami this time.

"Osige si Vince ay kapitbahay namin" namin. Yes pretending!

"O tapos?"

"Tapos siya lang ang pwede kong makausap dun. Kaya ayun naging medyo close naman kami"

"Pwedeng ipalit sakin?- aray!"

Binatukan ko nga! Abnormal eh!

"Walang makakapalit sayo!" Saka ako sumulyap kay Yang.

"Baka nga ako ang mapalitan eh"

Nginiwian niya lang ako.

Kumapit ako sa braso niya at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Oy En, tinatanong ni Yang-

"Hala hindi!" Sabat ni Yang.

"-kung kayo daw?" Tuloy ni Ruth.

Ngumiti ako at tinignan si Rodney.

"Hindi" sagot ko

"Best friends" sagot naman ni Rodney.

"Ay ang cute!" Natutuwang sabi ni Yang.

Sweet. Yun ang una kong napansin sa personality ni Yang.

"Maganda si Yang noh?" Bulong ko kay Rodney.

"Natotomboy ka nanaman?" Ganting bulong niya.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon