Minsan mapapa-isip ka nalang talaga kung ano bang trip ng mga tao sa paligid mo.
Kagaya ngayon, pinapasok pa kami eh may faculty meeting naman pala. Eh ano pang gagawin namin?!
"Kakanta ako makinig ka!" Sabi ni Joy.
"Ano? Can't cry hard enough nanaman?!" Nginiwian ko siya.
"Sige wag na! Leche 'to!" Inis na sabi niya at iniwan ako.
Baliw!
Instead na maglamyerda kung saan-saan eh naglabas nalang ako ng notebook at gumawa ng assignment sa noli me tangere.
"Sipag!"
Napataas ang kilay ko at tinignan si Mae na nakaupo sa desk niya.
"Kamusta?" Tanong ko.
"Ayos lang crush ka pa rin" tumawa siya at natawa lang rin ako.
"Pasulyap-sulyap ka kunwari.."
Pakantang sabi niya ng nakatingin sa gilid ko.
"Huh?" Takang tanong ko.
Ngumuso lang siya kaya napalingon ako.
Si Rodney. Naka-earphone at tulala sa black board.
"Bakit?" Kunot noong tanong ko.
"Wala ang cute mo!" Nakangiting sabi niya at kinurot ang pisngi ko.
"Baliw!" Natatawang sabi ko.
Ngumiti lang siya at iniwan na ako.
Lahat nalang sila iniiwan ako. Sad.
Inihinto ko ang pagsusulat at itinali ang buhok ko into half ponytail, syempre gamit ang panaling bigay ni Rodney.
Tinuloy ko ang pagbabasa sa first three chapters ng Noli me tangere.
Nang matapos ko ay saka ako nagsulat ng kung ano-anong kailangan sa assignment.
"Sandwich and c2 with love"
Napakurap ako at doon ko lang namalayang natulala na pala ako. Napalingon ako sa tumabi sakin. Si Abby.
"Thank you. Kanino galing?" Takang tanong ko at binuksan ang c2
"D'yan lang may nag-paabot" nakangiting sabi niya.
Tinaasan ko siya ng kilay at kinuha ang sandwich. "Kanino nga?" Pamimilit ko at kumagat sa tinapay.
"Kay Mae, pina-akyat niya" sabi niya at nag-paalam na pupunta sa kabilang section.
Napa-nguso ako at inubos ang meryenda ko saka tumayo at lumapit kay Rodney.
"Hi! Long time no talk ah" naka-ngiting bati ko.
Tumango lang siya. Nginitian ko siya at tinabihan.
"Nag-meryenda ka na?" Tanong ko kahit hindi ko pa naman siya nakikitang tumatayo sa upuan niya.
Umiling siya tapos nilabas ang cellphone niya at nag-earphone. Tinignan ko siya saka bumuntong hininga.
Wala akong makausap..
Nagulat pa ako ng i-abot niya sakin ang isang earphone. Kinuha ko yun at dinamayan siya sa pagtulala.
Naisip ko lang kung ano ba talaga yung naramdaman ko nung araw na nginitian niya ko. Attraction ba yun? O baka nagulat lang ako kasi ngumiti siya at alam kong para sakin yun?
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Teen FictionLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015