#11- FLOWERS AND LETTER

9 0 0
                                        

Medyo late akong pumasok dahil first quarter exam na namin at seven am naman ang start.

'Di pa man ako nakakatapak sa mismong floor namin ay hinila na ako ng mga kaibigan ko papasok ng classroom.

"T-teka!" Awat ko sa kanila at kinalas ang mga kamay nila.

"Oh! Tignan mo yan!" Nakangiting sabi ni Ruth at ituro ang desk ko.

Napalingon naman ako. Roses?!

Nasa sampung stem siguro ng rosas ang nakapatong sa mesa ko na nakatali pa ng pink na ribbon.

"Naks! Ganda!"

"Taray ni Allen!"

Panunukso ng mga kaklase ko.

"Kanino galing?" Kunot noong tanong ko.

"Secret admirer!"

"Hindi! galing sa manliligaw yan!"

Kanya-kanya sila ng hula. But what caught my interest is..

"Tanungin mo si Rodney, siya lagi unang pumapasok eh" bulong ni Mav.

But instead of asking Rodney, umupo ako at tinignan ang rosas.

Lahat ng kaklase ko ay naka-abang ng hawakan ko ang maliit na card.

Taas kilay ko silang tinignan bago kinuha ang card at inilagay sa bulsa ko.

"Ay di mo babasahin?!" Nakangusong sabi nung isang babaeng Ailene yata ang pangalan.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Babasahin ko. Pero hindi sa harap ng mga tsismosang tulad mo!" Sabi ko saka siya inirapan.

"Kala mo naman ang ganda mo!" Inis na sabi niya.

Napangisi ako "hindi pa nga ako maganda na-iinsecure ka na, what more pa pag mas gumanda ako?!"

Inirapan nalang niya ako.
Wala ka pala eh!

Nagtawanan ang mga kaibigan ko.

"Chismosa ang puta!" Natatawang sabi ni Joy. Nagtawanan pa kami.

Inayos ko nalang ang buhok ko habang hinihintay ang teacher na magbabantay sa amin ngayon.

"Madalas ka magtali ng buhok ahh!" Bati ni Abby na kakarating lang.

Nginitian ko lang siya at sinipat ang pagkaka-half ponytail ko sa compact mirror.

Ilang sandali lang ay dumating na ang teacher at inexplain ang instruction ng first exam namin.

"If you have questions, don't hesitate to approach me" she said at umupo sa table niya at nagcellphone.

Itinukod ko ang kaliwang siko ko at nilagay ang kamay ko sa noo ko at sinimulang-manghula! Joke! Syempre magsagot sa abot ng natatandaan kong itinuro nila.

After fourty-five minutes..

"Pass your paper" said the teacher.

Nagulat ako ng kumanta si Antonio.

♪♪ pass your paper, pass your paper ♪♪

Sinundan pa ni Joy na natatawa

♪♪ quiet please, quiet pl-♪♪

"Shut up! Ano kayo grade school?!" Galit na sigaw ni Ma'am i-don't-know-her-name-and-I-don't-care.

Nagkahigikhikan nalang kaming lahat dahil sa ka-abnormalan.

"Pikon ang puta!" Natatawang bulong sakin ni Joy.

"Gago kasi kayo!" Natatawa ring bulong ko.

"Next subject, Geometry!" Sigaw ni Ma'am

"Get one and pass. Write the complete solution, you can use another sheet of paper if necessary"

Pinasapasa na ang mga questionaire.

"Quiet! Start answering now!" Sabi niya pa at umupo nanaman siya saka nag-cellphone.

Nang tignan ko ang test questionaire muntik akong mahimatay! Kaya wala akong choice kundi ang kumapit sa patalim.

"Pst!" Sitsit ko kay Joy. "Pakopya" bulong ko sakanya.

Napailing siya at tinanggal ang takip ng papel niya at saka sumulyap sa teacher namin.

"I'll need to go to the rest room. No copying. I'll be back!" Ma'am said at tumayo bitbit ang handbag niya.

"No copying! Alam mo pa?!" Natatawang sabi ni Mav sabay abot samin ng test paper niya.

Syempre nagkagulo rin ang mga kaklase ko sa paghahanap ng maisusulat nila sa test paper nila.

Sa madaling salita nagkopyahan lang kami.

After fourty two minutes of cheating, binigyan kami ng five minutes bathroom break bago ang third exam namin.

Lahat ay atat na makatayo at makapag-inat. Nag-inat lang din ako at hindi na nag-abalang bumaba. Tinignan ko ang flowers na nakalagay sa bag ko at sinimplehan ng amoy saka ko naalala ang card. Kinuha ko yun sa bulsa at bago ko pa buksan ay tinignan ko muna paligid. Coast clear.

Saka wala sa sariling napalingon kay Rodney. Nakaharap siya sa banda ko pero nasa baba ang paningin. Napataas ang kilay ko saka binasa ang laman ng card.

Allen,
Keep smilin' it makes me happy.

Ang cheesy naman! Kaso- walang pangalan kung kanino galing. Pero sige ang laki ng ngiti ko!

Sino kaya ang nagbigay?

Matapos mag-retouch ni Ma'am ay ibinigay na niya ang test questionaire.

Napangiti ako ng malawak. English.
Anong ilalagay ko dito? Yung maaksyong panganganak ni Ma'am Luz?

Sinulatan ko lang ng pangalan ko ang papel saka tumayo. Napangisi pa ako ng makasabay ko si Rodney sa pag-aabot ng papel kay Ma'am. Nagtatakang nagpasalit-salit ang tingin niya sa amin.

"Tapos na kayo?" Takang tanong niya.

Ngumisi ako saka nilapag ang paper ko.

"Pwede na kaming mag-break Ma'am?" Tanong ko habang inaayos ang bag ko.

Takang napalingon ang mga kaibigan ko. Tinignan ko lang sila ng anong isinasagot niyo d'yan?!

Natatawa lang silang umiling, nginitian ko lang rin sila saka ako lumabas ng classroom. Nakanga-ngang pinanood ni Ma'am ang paglabas ko.

"Tagal mo!"

Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat.

"Bakit? Hinihintay mo ko?" Natatawang sagot ko.

"Hindi ba halata?" Nakangiti ring sagot niya.

Wa-wait! Yung puso ko nagwawala! A-awatin niyo! Awatin niyo!!

"Hey! Tara" sabi niya at napakurap ako. Pagtingin ko nasa hagdanan na siya.

Pagkarating sa canteen ay nag-kkb kami ng pagbayad sa pagkain.

"Uh.. Rodney" tawag ko sa kanya.

"Uhm?" Tanong niya ng hindi ako tinitignan.

"Yung.. Uh.. Yung bulaklak na-

"Hindi ko alam kung kanino galing" seryosong sabi niya at tumayo saka ako nilayasan.

Eh? Ano yun?

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon