#37- WOW 0_0

2 1 0
                                    

Sabi nila mahirap daw talaga ang magpaalam, kaya instead of saying goodbye, mas okay ang see you soon.

"Mag-iingat ka dun huh" nakangiting bilin ni Rodney habang nasa loob kami ng bus at hinihintay mapuno ito.

"Opo. Ikaw din, wag kang mambababae!" Pinanlakihan ko pa siya ng mata.

Tumawa lang siya at dinampian ng halik ang pisngi ko.

"Magtetext ka lagi" he said at inakbayan ako.

Yumakap ako sa bewang niya "tatawagan mo ko lagi"

Tumango siya at nginitian ako. Ngumiti rin ako at hinalikan ang pisngi niya.

"Baba na ko. Ingat ka. I love you" mabilis na sabi niya ng magsimulang umabante ang bus.

"I love you too" nakangiting sagot ko at niyakap siya ng mahigpit.

Kinawayan ko pa siya sa labas ng bintana.

Yes! Its summer vacation already at magbabakasyon ako sa probinsya ng tarlac. A step closer to good bye. Naalala ko tuloy yung naging usapan namin ni Mommy last week.

Ikaw ang nag-aaral kaya ikaw ang pwedeng lumipat.

Pero Ma!

Walang pero pero! Its your property from your Dad, isa pa siya ang magsusustento sayo sa college. Kunin mo kung anong dapat sayo.

Fine! Just make sure na hindi tatapak sa bahay ko ang kabit at anak niya sa labas!

Alam na nila yun

K. Bye. Check ko sa bakasyon yung bahay.

And dun na naputol ang tawag ni Mommy.

Bumili daw ang magaling kong ama ng house and lot sa isabg subdivision sa tarlac para sa akin.

Tss.. Bibilan nalang ako ng property sa probinsiya pa!

Anyway, thank you na rin, I just need to see the land title. Tapos ayun ng natauhan yata at sinalo ang responsibilidad para sa pag-aaral ko ng college. At itong bagay na ito ang pumipigil sakin para hayaan na ang nararamdaman namin ni Rodney para sa isa't-isa. After high school ay lilipat na ako sa Tarlac, hindi pwede si Kuya dahil may trabaho siya. At yung bahay na tinitirahan ko, lilipat na dun sila Kuya once maka-alis na ako.

Instead na mabored sa two hours na byahe nag-gm nalang ako.

To: Anormals..

Going somewhere, goodbye for now Manila.

Thank you sa paghatid Pangs.

Gm

Messages sent..

Wala pang one minute ng magbeep ang phone ko.

Joy
Bakla! Di ka manlang nagpaalam!

To: Joy
Magkikita pa tayo sa June!

Abby
Di manlang hinintay yung birthday ko!

To: Abby
Baka birthday natin timang!

Ang lupit lang kasi magkabirthday kami ni Abby pero ahead siya sakin ng isang taon.

Rodney
See you soon my princess..

Awtsu! Kilig!

To: Rodney
Yeah, see you soon my prince.

Antonio
Pasalubong!

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon