#4- BABY ALLEN

13 1 0
                                    

Friday. Ang pinaka-inaasam na araw ng bawat estudyante. Finally!

"En" bulong ni Mav.

"Oh?" Walang ganang tanong ko. Not minding kung marinig ako ng teacher namin.

"May program mamaya" sagot niya.

"Oh?"

"Sungit! Meron ka?" Maarteng sabi niya.

Nginiwian ko siya "di pa nga ko nireregla eh"

"Ows?"

Naglabas ako ng notebook para kunyari nag-nonotes kahit ang totoo nag-do-doodle lang ako.

Napairap ako sa notebook ko "sige joke lang!"

May mga araw talaga na ang bigat ng pakiramdam ko. Wala sa mood at mas prefer kong sungitan ang lahat ng kumakausap sakin.

Di na rin siya kumibo pagkatapos. Pagka-alis ni Ma'am chemistry lumabas din ako ng classroom at nag-early break.

Bumili lang ako ng sandwich at c2. Matapos magmeryenda ay umakyat na rin ako, nandun na si Ma'am Luz.

"Hoy! Cutting classes ka!" Sigaw ni Ma'am.

Kabado ang hitsura ng mga kaklase ko ng lingunin ako.

Nginisian ko si Ma'am "call me Allen, that's my name. Saka hindi ako nag-cut ng klase dahil hindi ka naman nagkaklase in the first place" sabi ko at umupo na.

"Hala" rinig kong kumento ng mga kaklase ko.

"Sungit ni bakla!" Pagbibiro niya "ibagsak kita dyan eh" pananakot niya.

"Hindi ko nga alam Ma'am kung saan ka kukuha ng grade na kukumpyutin eh, ibabagsak mo pa ko?" Sabi ko at nilabas ang walky talky ko.

"Hoy-" sabay hampas ng pamaypay.

"It's Allen" mataray na sabi ko.

"Oh edi Allen! May pinag-dadaanan ka ba?" Sabi pa niya.

Inilingan ko siya, ibinulsa ang cellphone saka ako yumuko.

Sinimulan nanaman niya ang pag-rere-enact ng panganganak niya.

Grabe rinding-rindi na ko.

Maya-maya lang ay narinig kong nagpaalam na si Ma'am at ibinilin pa ko sa mga kaklase ko dahil baka raw may masakit sakin.

"Baby!" May sumigaw sa labas ng classroom.

"Allen baby raw!!" Inalog-alog pa ko ni Joy.

"Oh bakit? Nursery ba 'to?!" Inis na sabi ko at tinabig ang kamay niya.

"Pasok ka nalang, tag-sungit eh" rinig kong sabi ni Ruth bago lumabas.

Umalis na ang mga kaklase ko para mag-break.

Hinila ni Carl ang upuan sa harap ko at iniharap sakin bago siya umupo. Inirapan ko lang siya saka yumuko ulit sa desk.

"Baby" mamlambing na sabi niya.

Inangat ko ang mukha ko at idinantay ang baba ko sa magkapatong kong braso.

"Ano bang ibini-baby-baby mo dyan?!" Inis na sabi ko.

"Ikaw" nakangusong sabi niya.
"Ikaw si baby Allen ko" dagdag pa niya.

Inirapan ko lang siya.

"Ang sungit" sabi niya at kinurot ang ilong ko.

"Ba't nandito ka?" Kunot noong tanong ko

"Ba't ang sungit mo?" Nakangiting sabi niya.

"Ba't ang kulit mo?!" Nakataas kilay na sabi ko.

"Baba na ko, baby" sabi niya ng magpasukan ang mga kaibigan ko.

Nginusuan ko lang siya at yumuko na ulit.

"Bad mood pa rin si baby Allen" narinig kong sabi ni Mav sabay haplos sa buhok ko na agad ko namang inalis.

Bumangon ako at ngumuso "dapat ba kong matuwa?"

Inayos ni Antonio yung upuan niya "nag-eeffort yung tao" sabi niya.

Napangiwi ako "umakyat lang ng hagdan effort na?!"

Nagtawanan sila.

"Crush ka nun bakla!" Si Joy.

Sa sobrang wala ako sa mood ay hindi ko namalayan na tapos na ang klase at kailangan na naming umakyat sa roof top para sa program.

"Baby" agad bumungad sakin ang nakangiting mukha ni Carl.

Napalingon pa ako ng dumaan si Rodney sa gilid ko. Ang bango..

Inayos ko ang pagkakahawak sa libro ko at sinimangutan si Carl.

Lumawak pa ang ngiti niya. Nagulat pa ako ng hablutin ni Eugene ang libro ko habang naglalakad kami.

"Oy-"

"Oh ikaw magbibit. Be gentleman!" Nakangiting sabi niya at binigay kay Carl yung libro.

"Baliw to!" Tinuro ko pa si Eugene.

Nginitian niya lang ako sabay kindat.

Napailing ako at nilingon si Carl habang nakatayo kami malapit sa gate ng roof top para pagtapos ng program madaling lumabas.

"Ba-"

"Tigilan mo ko sa kaka-baby mo ah" pigil ko sa kanya.

Nginusuan niya ko at bumulong "libre kitang ice cream paglabas"

Napalingon ako sa kanya at kinindatan niya ko.

Pauso!

Natapos ang program, ayun nauna kaming nakalabas, nawala na sila Eugene at hindi ko na rin nakita ang mga kaibigan ko.

Tumambay muna kami ni Carl sa labas para kumain ng ice cream.

"Meron ka?" Biglang tanong niya.

Nilingon ko siya at tiningala.

"Wala. Never pa nagkaroon" sabi ko at inaya na siyang maglakad pauwi.

Hindi na kami masyadong nagkibuan dahil pinapatay ko rin ang bawat topic na sinisimulan niya.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon