#49- GUILTY FEELING..

8 1 0
                                    

September is the month of intrams kaya naman ako, ito maagang nasa school dahil may performance kami para sa opening ng Intramurals.

"Okay ka na En?" Tanong sakin ni Jace, co-member ko.

"Okay pa" natatawang sagot ko.

Tumawa siya at tinabihan ako sa pagkaka-upo ko sa sahig.

"Hindi ko alam kung bakit sa tinagal-tagal mo ng nag-peperform as DT eh kinakabahan ka pa rin" he said at tumingala sa ceiling.

Napagaya ako sa pagtingala niya.

"Ewan ko ba" sagot ko at mapait na ngumiti.

"May kwento ako" he said.

Napapikit ako dahil sa antok.

"Sige" sagot ko naman.

Tumikhim siya.

"May isang babaeng nag-ngangalang, Claire...

Napadilat ako at napataas ng kilay.

"Member siya ng dance troupe sa unibersidad na pinapasukan niya---

"Hey!" Nangingiting saway ko.

"What? Feeling mo! Hindi ikaw 'to" sabi niya at inirapan ako.

Nginisian ko lang siya at tumingala ulit. Tumikhim siya bago nagpatuloy.

"Lagi siyang kinakabahan kapag may performance sila. Alam ni Claire kung sino ang makakapag-pawala ng kaba niya. Yun ay ang lalaking tunay na minamahal niya. Si Rodney---

"What the fuck Jace?!" Natatawang sabi ko.

Ngumiti siya. Sincere na ngiti "lagi niyang hinahawakan ang kamay mo kapag kinakabahan ka"

Nanlaki ang mga mata ko.

"Practice tayo guys!" Rinig kong sigaw ni Ate Faye at pumalakpak pa siya.

"When can you say that the chase is over, Allen Claire Yuzon?"

Huling sabi ni Jace bago ako iniwan sa pagkakaupo.

Shit?

Halos ayaw i-process ng utak ko ang sinabi ni Jace dahil sa paghahabulan ng mga daga sa dibdib ko. Ngayon nalang ulit ako nakaramdam ng ganitong kaba ng hindi dahil may exam kami. Kundi dahil alam ni Jace ang tungkol sa blog ko.

"Hoy Jace!" Naiinis na tawag ko pero nginisian niya lang ako.

Siraulo!

Hindi ko na nagawang kausapin si Jace dahil after ng dalawang ulit na practice ay nagbihis na kami ng costume namin. Folk dance ang ipeperform namin, at magtitinikling ako.

Inayos ko ang saya kong hanggang tuhod ang haba saka hinubad ang medyas ko.

"En? Si Henry nasa labas" tawag sakin ni Nadine.

Tumango ako at inayos ang bulaklak na nakalagay sa naka-pusod kong buhok.

"Hi" nakangiting bati ko.

Ngumiti rin siya at ipinulupot ang braso sa bewang ko.

"Galingan mo ah, ichecheer kita" nakangiting sabi niya.

Tumango ako "promise, hindi ako mamamatayan ng kuko"

Saka kami nagkatawanan.

"Ayun naman pala! Good morning ganda" nakangiting bati ni Red at itinapat samin ang hawak na DSLR.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon